Epilogue.
Even if the sun refuse to shine.
Even ifwe live in different times.
Even if the ocean left the sea, there would still be you and me.Nagumpisa na akong humakbang sa mahabang pulang carpet na nasa harapan ko.
Napalingon ako sa mga taong nasa paligid ko.
Nagtama ang paningin namin ni Arvie, at nginitian niya ko.
Namataan ko pa si Hera na ngayo'y hawak hawak ang magto-two years old na si Paolinne.
Agad na nagtama ang mata namin at ngumiti siya sakin. Mga ngiting hindi mabura sa mukha niya.
I smiled. I can't imagine I'm really marrying him.
When I reached the end, he hugged me.
"Finally.." bulong niya at napangiti ako.
Inilahad niya ang kamay niya at nag-umpisa na ang kasal.
Hindi ko maiwasang lumingon sa paligid, nagtama ang paningin namin ni Kuya Jet at nginitian niya ko.
"I love you." He mouthed.
"I love you too kuya." Sagot ko
"Hey.."
Nagulat ako ng marinig siya.
Ilang taon din ang lumipas at napakadaming nangyari.
Ang daming namatay, lumaban, nabuhay at nagmamahal.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Lalaking sobrang kinaiinisan ko.
Bakit ganon? Bakit sa di inaasahang tao tayo nahuhulog?
Siguro tama nga sila, tomorrow is always a mystery.
Wala namang nakakaalam ng mangyayari, bukas o sa mga susunod na araw. Lahat ng bagay sa mundo biglaan, biglang darating, biglang mawawala.
"I may now pronounce you Husband and Wife, you may now kiss the bride."
He leaned and kissed me. A kiss that once make me fall in love.
A kiss that drown me into this kind of love.
Nang humiwalay siya ay ngumiti ako.
"I love you.."
"I love you too..." bulong ko.
"Congratulations Mr. and Mrs. Camry.." bati ng pari samin at ngumiti kami.
Dalawang taon na ang lumipas simula nung iwan kami ni Yanna.
Dalawang taong hanggang ngayon ay di parin kami makapaniwalang wala na siya.
Umalis si Polo kasama si Rex patungong paris, isang buwan matapos ang libing ni Yanna. Si Ate Jewel ay tumungo ng US mismong araw na namatay si Yanna habbang sila tito Pat at Kuya Jet ay nanatili hanggang sa ilibing si Yanna.
Nagpatuloy ang trabaho ko sa RCG at sa Yuriya. Tulad nang ibinilin ni Yanna, si Arvie at Cads ang namahala sa Fibriya, nung nakaraang taon ay bumisita sila sa Germany para tignan ang business.
Ang condo ay ipinangalan kay Jannah, at tulad ng nabanggit ni Yanna noon si Nhicka ang humawak sa mga naiwang trabaho ni Yanna sa Alford Corps.
Sa loob ng dalawang taon napakaraming nangyari. Nag-home study kaming lahat dahil sa mga trabaho namin.
Lahat kami ay halos business management ang mga course na kinuha.
Nahagip ng mata ko si Polo na hinahabol ang 3 years old na si Rexanne na tumatakbo.
BINABASA MO ANG
The Princess of Life and Death
RomancePAST Ito yung dahilan kung pano siya natutong lumaban, ipagtanggol ang sarili nya at ang mga taong importante sa buhay nya.. Ito yung dahilan kung bakit, eto na ang siya ngayon.. Ito yung dahilan kung bakit nawala yung mga taong importante sakanya...