Chapter 58: Truth above all lies.
POLO's POV
Two weeks, and 3 days without my wife is miserable as hell.
Naiinis nako dahil hanggang ngayon, wala siya. Damn it.
"Dre, uso magpahinga dude. Ilang araw ka nang nakatutok diyan sa laptop." Bungad sakin ni Cads.
Uminom lang ako ng kape saka ako muling tumutok sa laptop. Kailangan ko siyang makita.
Gabi na pero di parin ako natutulog.
Nandito kami sa condo namin nila Cads dahil mas makakapagtrabaho kami pag wala kami sa mga poder ng Alford.
I'm fvckin tired, but everytime I remember my wife I feel energized.
Napalingon kaming lahat sa isang malakas na kalabog sa pinto ng unit.
"SI YANNA!" sigaw ng bagong pasok na si Arvie kaya napatayo ako.
"WHAT HAPPENED?!" sigaw ko.
"Anyare mahal?!" –Cads.
"Bakit?!" sigaw nila.
Hinihinigal si Arvie saka pumikit.
"Kakatawag lang ni Kuya Bong! Nasa bahay siya! Umuwi na siya!! Pero nakamaskara daw siya, ibig sabihin may nakabantay sakanya! Hindi tayo basta dapat sumugod ng walang maskara." sigaw ni Arvie.
Agad na hinablot ko ang susi ko at tumakbo papuntang parking, hinablot ko ang mask ko sa console box at sinuot.
Alam kong nakasunod sila sakin, kanya-kanya kaming sakay ng kotse at mabilis pa sa alas kwatro ay nagpark ako sa harap ng bahay nila.
Sinalubong ako ni Mang bong.
"Nandiyan si Yanna, hijo. Ano bang meron at nakamaskara kayong lahat?" Sambit niya.
Di ko na siya pinansin at tumakbo na ako papunta sa loob ng bahay.
"BABY?!" sigaw ko.
"WIFE!!" muling sigaw ko.
Umaakyat ako sa mga kwarto, pero wala.
Naikot ko na ang buong mansion pero wala parin.
Napaisip ako. Garden.
Napatakbo ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita siya don.
Nakatalikod siya sakin at napahinto ako. Suot niya yung jacket ko, may hawak siyang baril.
Namutla ako. What the fvck?
"Baby." Usal ko at humakbang papalapit.
"QUEEN?!" rinig kong dating nila Arvie pero di ko na sila pinansin.
Nananatiling nakatalikod siya samin.
"Rage..." tawag ni Arvie.
Hahakbang pa sana ulit ako pero nagulat ako nang humarap siya sakin.
Napaawang ang labi ko. Nakamaskara nga siya.
Kitang kita ko ang dugong umaagos sa collarbone niya. May open wound ang noo niya. May dugo ang pisngi niya.
"W-wife.." nagaalalang usal ko pero mas nagulat kami ng itaas niya ang baril kaya napahinto ako.
Tumingin siya sakin at agad na nanghina ako. Malamig ang mga tinging yon, wala akong mabasang emosyon.
"Atras." Usal niya sa pinakamalamig na paraan.
Hahakbang sana ako papalapit ng bigla niyang ikasa ang baril.
BINABASA MO ANG
The Princess of Life and Death
RomancePAST Ito yung dahilan kung pano siya natutong lumaban, ipagtanggol ang sarili nya at ang mga taong importante sa buhay nya.. Ito yung dahilan kung bakit, eto na ang siya ngayon.. Ito yung dahilan kung bakit nawala yung mga taong importante sakanya...