33

2.6K 73 18
                                    

"Ano Bash tara ?" Aya sakin ni Sy.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Sagot ko. Aya sya ng aya kanina pa, ayaw nya naman sabihin kung saan kaya nananatili lang akong nakahilata dito sa sofa.

"Mamamasyal lang naman tayo" Sagot nya bago hubarin yung apron na sinuot nya ulit kanina bago sya mag urong ng pinagkainan namin. Lumapit sya sakin habang nagpupunas ng kamay.

"Ako ba Sy pinagloloko mo?"

"Hindi nga kita niloloko Wifey seryoso ako" Seryosong sagot nya. dapat pa ba kong magtiwala ? Paano kung dalhin nya ko sa malayong lugar at doon ako gahasain. Am i ready to be a mother of 10 beautiful and cute baby like me ? Ipapaubaya ko na ba ang bataan kung sakali?

"Seryoso mo mukha mo!" bulong ko "Magdamit ka na nga feel na feel mo naman" Asar na sagot ko. Paano ko makakapag inarte kung nakabalandra ang mala'Adonis nyang katawan.

"Tiwala lang kasi Bash. Wala naman akong gagawing masama sayo" Umupo sya sa paanan ko 'tsaka pinatong yung dalawang paa ko sa lap nya. Ganitong ganito kami dati. Palagi nya kong minamasahe sa mga binti.

"Ayoko natatakot ako. Mahirap ibalik ang tiwalang nasira na Sy, parang papel lang yan na pagnalukot maaari mo pang ayusin pero hindi mo na maibabalik sa dati. Pinagkatiwalaan kita pero ano ? Anong ginawa mo ? You betrayed me and it hurts so much super duper sobra sagad!! I can't trust you anymore!" Sagot ko. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko at maglandas sa napakagandang pisngi ko. Napapikit ako sarap ng ginagawa nya.

Shit. Ang sarap

"Hindi ko na ba talaga kayang ibalik ang tiwala mo?" Malumanay na sagot nya na tila ba nang'aakit habang patuloy sya sa pagmasahe sa binti ko.

"H-Hindi na" Nakapikit na sagot ko.

"Tang ina mimay masyado kang pa'chixx!" Nagulat ako sa pagtaas nya ng boses. Napadilat ako at napatingin sa kanya.

"Bakit ka tumigil?" Nagtatakang tanong ko.

"Inaaya lang kita ang hard to get mo"

"Leche ka Sy! Wag mo kong binibitin! Ituloy mo na" Matapos nyang iparanas sakin ang sarap bigla na lang syang titigil kung kailan nagustuhan ko na. Parang dati lang, kung kailan na mahal na mahal ko na sya noon 'tsaka naman sya biglang nawala sakin. Ang sakit sakit.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Halata sa mukha nya ang pag aalala. Hindi ko sya pinansin at naupo na lang mula sa pagkakahiga. Ang kapal ng mukha nya.

"Shit"

narinig kong mura nya bago ko hawakan sa pisngi "Dont cry please Bash. Hush now. Sige itutuloy ko na. Sorry na" Pang aamo nya.

"Bitawan mo nga ko!" Tinabig ko yung kamay nya na nakahawak sa pisngi ko at ako na mismo nagpunas ng mga luha ko. "Leche ka! Ganyan naman kayong mga lalake e matapos nyo'ng ingatan,maging sweet at iparamdam na mahalaga sa inyo ang isang babae bigla nyo na lang iiwan! Nakakaasar kayo mga paasa! Ang gagaling nyong mang iwan sa ere!" Dagdag ko pa. Patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko. Hinintay ko syang sumagot pero wala. Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakaawang ang bibig. King ina! May pagnanasa pa talaga sakin to na kahit umiiyak ako at wala pang ligo ay napapa'nga-nga pa rin sya sa ganda ko.

"Alam ko maganda ko. Isara mo yang bibig mo baka pasukan ng insekto!" Asar sa sabi ko bago tumayo at magtungo sa kwarto.

"Kalayo na naman ng sinasabi mo sa katotohanan! Maligo ka na Bash hihintayin kita" Sigaw nya. Napairap na lang ako sa kawalan at dumaretso na sa kwarto. Ano pa nga bang magagawa ko. Wala din naman akong gagawin dito.

Chineck ko muna yung phone ko bago maligo. Ang dami na naman unread message. Hindi ko na kasi to na'check kagabi. As usual puro group message lang ang laman ng inbox ko. Galing kung kanikanino. May isa pang galing sa unknown number.

Hindi Ako Bitter! ( slight lang )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon