17~Ipiseseses

3.4K 130 4
                                    

Che che's Pov.

Kamusta na kaya si ate. Nakauwi na ko at lahat wala pa din sya. Ghad saan na kaya nakarating yun ? Naghanap siguro ng forever nya pero imposible naman yun. Ang bitter kaya nun na parang pinaglihi sa ampalaya o baka naman masyadong nag enjoy sa gwapong kadate nya kanina sa McDo kaya nakipagtanan na. Si ate talaga, so makiri . Di nya ko gayahin, im so mahinhin like dalagang pilipina.

Sabi nga ng mama ni Des. Im cute daw eh. Dapat kasi di muna ko umuwi, nandito lang naman ako sa kwarto . Wala pa si mama , si papa naman kung hindi pa nasabi sa inyo ni ate , nasa ibang bansa sya , nagtatrabaho sa company nila ate Honey kaya 3 lang kami dito sa bahay . Thats why im here alone. Forever alone :'( hahaha kidding. Why so boring kasi . Kaasar kasi si ate di nagrereply sa text ko kaya umuwi na ko kahit ayaw pa ko pauwiin ng mama ni boyfie. She's so kind nga eh. I love her na talaga.Speaking of boyfie. Matawagan nga.

Calling Destiny Ko <3

nakakadalawang ring palang sinagot nya na agad.

"Hello Des.ko ? Where are you na ? Im here at house na"

Hindi nya kasi ko hinatid. Nakakaasar nga eh. Dati nung nanliligaw pa lang sya pag uwian na or pag galing kami sa kung saan ang sinasabi nya. "Hatid na kita" nung naging kami na "Hatid pa ba kita ?" tas ngayon na matagal na kami. Mag po'four months na "Text ka na lang pag nakauwi ka na" *pout* hustisya dre! Pasalamat sya i love him.

"On the way pa lang kami Des ko. Sabi nga pala ni mama sa bahay daw tayo magcelebrate ng fourth monthsarry"

"Really ? Oh my god im so Excited na" kinakabahan ako.

"Ako nga rin eh. Ano palang gusto mong gift ?"

Seryoso ? Omg!

"Ano ka ba. Hindi ko na kailangan ng gift. Yung pagmamahal mo pa lang gift na"
Kinikilig na sagot ko. Bakit kasi kailangan pa ng gift diba ? Nagboyfriend ka para mahalin at hindi para may taga bili ng mga bagay na mahal.

"Aaw. Ang sweet naman ng Des.ko"

"Syempre naman des. pero kung mapilit ka, hindi naman ako choosy, okay na sakin yung teddy bear na pink na nakita natin sa mall. remember des ? The pink one ? Ang cuti diba ? Kahit yun na lang saka tatlong redrose para i love you. Nakakahiya naman kasi kung boquet pa tapos chocolates na lang des. Oh my god im so excited na talaga. Im sure meant to be talaga tayo kasi you're handsome naman and im pretty sure na maganda ko. Forever na talaga to right des ? " Hindi sya sumagot "Hello Yuan ? Andyan ka pa ba ?"

"Ah .. Yeah.. sure des.. Sge i have to go. Malapit na kami. I love you" Ang sweet ng boyfriend ko.

"I love you more destiny ko . Ikaw lang sapat na . Mahal na mahal kita Forever "

Ang swerte ko talaga ,pinatay ko na yung call, matutulog muna ko. 5 pm pa lang naman.

-----

"Che che!" nagulat ako sa kung sinong sumigaw sa labas kaya bigla akong napabalikwas mula sa pagkahiga. "Sunog" oh my god may sunog .

"Mga kapit bahay may sunog!" natatarantang sigaw ko bago pumunta sa kabinet at kunin yung box na pinaglalagyan ng mga bigay sakin ni Yuan. Oo Yuan Dale Solomon ang pangalan ni boyfie ko. Ang cute diba. Anyway may sunog nga pala ano pang ginagawa ko dito ? Nagmadali na kong tumakbo palabas ng kwarto na yakap tong box habang sumisigaw ng sunog.

"SU--Aw.. Aray .. Araray" may humila sa buhok ko kaya napahinto ako.

"San ka pupunta ha ? Ano yang dala mo?" Tanong ni ate bago bitawan yung buhok ko.

"Are you blind ate ? Cant you see ? Karton to. Mga gift sakin ng boyfriend ko saka why are you here pa ba ? Alam mo na ngang may sunog nakatanga ka pa dito. I know na broken hearted ka pero thats not a valid reason para magpakamatay ka. Lets go na nga" eto talagang si ate . Hinila ko na sya sa kamay palabas pero pinigilan nya ko.

"Hep! Hep! Teka nga! Ano bang sunog pinagsasasabi mo!" iritadong sabi nya. "Walang sunog okay! Wag kang Oa" tinalikuran ako ? Sumunod na lang ako sa kanya pabalik ng kwarto.

"Eh kasi naman . Why are you shouting ba kanina ? Alam mo na ngang natutulog ako"

"Gaga. Anong malay ko na natutulog ka. Bakit kasi nagsasara ka pa ng kwarto!"

"Im nag iingat lang naman ate , you know . So maraming bad guys ngayon" nagpout pa ko bago tumabi sa kanya sa kama. Sabi kasi ni Yuan im cute daw when im pouting .

"Why so conyo ? Wag ka ngang gumaganyang bata ka! Your so annoying you know? oo nga pala may kasalanan ka pa sakin"

"Aaw. Aray ate masakit" Makapingot naman kasi.

"Bakit mo ko iniwan kanina ?"

"i saw you kasi with han---"

"Arg! Punyeta Marielle Cherish!!"
Sigaw nya . Ow galit na ito.

"Why so masungit ba and sadista today ? Iniwan ka ba ng kadate mo kanina ?" nakakainis, kanina pa sya ah!

"Hindi ako masungit okay ? Bakit mo nga kasi ko iniwan ?"
Ay pajulit julit.

"Oo na! Oo na. eto na . Nakita ko kasi si Yuan kanina kasama si mama sa McDo. Hindi dapat kita iiwan kaso nakita kita na may kasama na kaya sumama na lang ako sa kanila" mahabang paliwanag ko.

"So ganon na lang yun ? May nakita kang iba kaya ganon na lang ? Ako yung kasama mo! Ako yung laging nandito for you tapos ganon na lang ? May nakita kang iba kaya iniwan mo ko ng ganon ganon na lang!"
nagulat ako sa sinabi nya.

"Pwede ba ate! Wag mo sakin sabihin yan! Hindi ako si kuya Zian!" Ang drama kasi ng buhay.

"Joke lang ito naman. Hahahaha sino nga pala yung mamang kasama ni Yuan ?" seryoso tas biglang tatawa. Wala malala na to.

"Si mama siguro! Malamang ate mama nya. Utak naman oh. Gamit gamit din pag may time! Baka mabulok yan"

"Pasalamat ka che masaya ko ngayon kaya wag mong sirain yung mood ko"
Tumayo sya at nagbihis kaya tumayo na din ako at humarap sa salamin. Ang cute ko talaga .

Napahinto ako sa pag'pose sa salamin . Omo totoo ba to ? is this real ? Oh god sabi ko po dimples hindi pimples.

"Waaah ate may pimples ako . Ang panget panget ko na" lumapit pa ko lalo sa salamin "Baka iwanan ako ng destiny ko . Ate what should i do ?" tanong ko pa. Nakakaasar! Lecheng tigyawat to.

"Mahalin mo kasi yang tigyawat mo. Lahat ng minamahal nawawala!" Seryosong sabi pa nya bago pumunta sa sala . Pansin ko lang . Why ko ba to sinusundan ?

"Mama" parang batang sabi ko pagkakita ko kay mama chemay. Kakarating nya lang from work.

"Ngayon ka pa lang dadating ma ?" Patangang tanong ng ate kong malatino. Nanonood sya ng Tom and Jerry. Tss. Childish!

"Hindi mimay. Hindi pa ko dadating aalis pa lang ako. Kaya nga papasok na ko diba ?" sagot ni mama bago umupo sa tabi ni ate "Tabi nga dyan! Ano ba yang pinapanood mo . Tom and Jerry, katanda tanda mo na! Akina yang remote" rinig ko pang sabi nya. Katext ko na kasi si Boyfie

"Hahahahaha" nagulat ako nung sabay silang tumawa. Napatingin naman ako.

"Hahahaha pft. Nakita mo yun mimay ? Hahaha ganyan ka katanga sa ipis na yan" tuwang tuwang sabi ni mama na nakaturo pa sa TV.

"Hahahaha look mama para ka namang si Oggie hahaha mukha kang lalake" OMG! Mababaliw ako dito. Seriously mama and ate ? Oggie and the cockroaches ? I cant take this anymore! Padabog na lang akong bumalik sa kwarto. Mga crazy. Tsk!

End of Che's Pov.
---

Ck: Finally natapos din. Buti na lang naibalik :) Next UD Khate's Pov :) Paabutin nyo muna ng 100 Reads tong Chapter na to :D

Hindi Ako Bitter! ( slight lang )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon