Ang dami kong tiniis nung mga panahon na yun. Ayokong masira yung friendship namin kaya pinilit kong ibaling sa iba yung atensyon ko pero hindi ko nagawa hanggang sa mag 22 na naman at one week na lang madadagdagan na naman sila ng One month tanda ko pa yung sinabi sakin ni Kesha bitch friend ko
"Papayag ka na lang ba na laging nasasaktan ng patago ? Lumaban ka! Wag kang pumayag na lagi ka na lang umiiyak dahil sa kanila bitch. Kunin mo kung ano ang dapat na sayo! Wag kang pumayag na maagawan!"
Bakit ko pa ba kasi inaalala ang tapos na. Nakaraan na yon at ang importante yung ngayon. Natigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog yung phone ko.
From: Moshy Moshy Kyle <3
Hey. I know na nabadtrip ka kanina. Sorry :'( wag ka ng mainis sa gwapong kagaya ko.
End of Khate's Pov
*******
Mimay's Pov.
Sobrang sakit ng tyan ko . King inang Oggie and the ipises yan,puro katangahan.
"Oh tama na ang pagsasaya. Tuwang tuwa ka naman sa galak! Mag aalasais na magsaing ka na" Biglang utos nang magaling kong ina. Ayos din to e nu ? Matapos makitabi sakin at makinood uutusan na lang ako ng ganon ganon na lang ?
"Mamaya na ma! Nanonood pa ko! Si che na lang utusan nyo"
"Wag mo kong subukan mimay! Susunod ka ng kusa o susunod ka ng may pasa ?" Seryosong sabi pa nya kaya napatakbo ko agad sa kusina . Nakakaasar! Alam nyo yung feeling na ganito ? Yung maiiyak ka na lang dahil wala kang magawa kundi sundin yung utos sayo ? Nakakaasar to highest level.
Nagsalang na lang muna ko ng sinaing.
"Ma pakibantayan na yung niluluto ko" Sabi ko kay mama na busy parin sa pinapanood nya. Matapos kong magsaing sa rice cooker.
"at bakit ?" Ni hindi manlang ako tinignan.
"Magpapahinga lang po ako sa kwarto"
"Ah yun naman pala eh. Sure anak, habang nagpapahinga maghugas ka na din ng mga plato. Ang sipag sipag talaga ng mimay ko, ang swerte ko talaga sayo"
"Syempre naman po" to ang gusto kay mama eh minsan mabait sya . Bumalik na ko ng kusina para maghugas ng mga pagkakainan namin mamaya.
After nun pumunta na ko ng kwarto.
"Oh ate why sad ?" tanong ng magaling kong kapatid.
"Paano kasi si mama! May nagpapahinga bang nag uurong" Nakakaasar! Naisip ko lang na inuuto nya ko nung tapos na kong mag urong.
*Wah kwento mo sa pagong*
Tumunog yung phone ko. May nagtext.
From: 0906*******
The past is the past. Don't let it hold you back. Move forward and be happy :)
Magtetext hindi magpapakilala ? Kiber na nga!
***
(The next day)
Anong oras na naman akong nagising pano ba naman kasi anong oras na ko nakatulog kagabi kaya eto ko ngayon. Papasok pa lang ako ng Classroom para sa first class ko at wag ka. all eyes on me na,oh well late lang ako hindi ako kriminal.
BINABASA MO ANG
Hindi Ako Bitter! ( slight lang )
HumorWARNING: 50% of bitterness 20% OA 20% Drama 10% corny