28

4.3K 98 58
                                    

Kervin's Pov.

Ilang linggo na ang nakalipas buhat nung makausap ko sa PB yung kuya nya, kulang dalawang linggo ko na din syang sinusubukang puntahan sa Condo'ng tinutuluyan nya pero palaging wala akong nadadatnan na tao. Ilang beses akong nagbalik balik doon, halos doon na ko matulog sa tapat ng unit nya everytime na pupuntahan ko sya. Umaasa ko na madadatnan nya ko don at makikipag usap sya pero wala! Hindi ako titigil hanggang hindi ko sya nakakausap.

"Saang booth ka naka'assign?" Biglang tanong sa'kin ni Miracle dahilan para mapatigil ako sa pag iisip. Andito ko ngayon sa Cafeteria ng Wetleyon. Nagpaalam lang ako sa mga kagroup ko na pupunta kong Cr.

"Photo booth" Walang ganang sagot ko, bakit kasi ang daming pakulo nitong eskwelahan na to.

"Bakit ganyan yang mukha?"

"Ewan.Hindi ko alam kung bakit gwapo ko" Sagot ko. "Aray! bakit ba?" kung makabatok.

"Ang yabang mo Kj! Kaya ka tinataguan ni Honey e" Sagot nya bago mapatakip sa bibig nya. "Ay hahahahaha wala akong sinabi. Bye" Dagdag nya pa saka nagmadaling umalis.

Nakatingin lang ako sa kanya habang mukha syang tanga na may hawak na dalawang bote ng mineral water at nagmamadaling lumakad, lumingon lingon pa sya dito sa gawi ko.

"Kaya ka tinataguan ni Honey e"

"Kaya ka tinataguan ni Honey e"

"Kaya ka tinataguan ni Honey e"

"Kaya ka tinataguan ni Honey e"

Paulit ulit!

"Miracle May!" Fvck. Ngayon lang nag sink in sa utak ko yung sinabi nya. Tinataguan, Honey ? Paano nyang nalaman ? Hindi kaya posibleng magkakilala sila ?

Kailangan kong habulin si Miracle pero kailangan ko na ding bumalik sa booth.

"Dude!" Bati ni Kent ng makasalubong ko sya.

"Oh" Walang ganang sagot ko.

"Nakita mo ba si Mimay?"

"Hindi ako tanungan ng nawawalang Milagro!" Sagot ko pa bago ko bilisan yung lakad ko. Bahala sya sa buhay nya. I need to find my one and only pero kailangan ko munang utuin si Mimay para malaman ko kung na'san si the one! Shit baby, where the hell are you!  Magpapasko na ngunit wala ka pa! buti pa ang Leron leron may sinta.

*****

Mimay's Pov.

Hindi parin maalis yung ngiti ko habang pabalik sa booth. Nakakatawa yung mukha ni Kj.

'Buset ka Mimay ang ganda mo'

Sabi ng utak ko. I agree! Hindi lang ako maganda. Matalino pa. Natakasan ko nga si Kj. Grabe akala ko talaga malalagot na ko kay Honey dahil nasabi ko, buti na lang nabawi ko agad.

"Hi cous" nakangiting bati ko kay honey na kulang na lang umabot ang nguso sa sahig.

"Bakit ang tagal mo! Tubig lang binili mo pinaghintay mo pa ko ng matagal" Maktol nya.

"Wow ha! Hiyang hiya naman ako sa bangs mo" sagot ko bago sya abutan ng water.  "Salamat ha? Sa water!" Dagdag ko pa. Oo water! E paano ba naman kasi ang arti nya. Magpapabili lang ng tubig ang sabi pa:

"Can you please buy me some water cous. Ang hot here eh and im tired na"

O sinong hindi maaatehan sa kanya? Dinaig nya pa ko. Sinama ko lang yan dito dahil gusto nyang malibot tong University. Dito daw sya mag aaral ng second sem.

Uminon muna sya bago magsalita ulit. "Next time wag mo na kong paghihintayin. Hindi bagay sa dyosang kagaya ko ang maghintay"

"Dyosa your face! Mas maganda ko sayo" Sagot ko.

Hindi Ako Bitter! ( slight lang )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon