Wala na kong ibang hihilingin pa dahil pakiramdam ko'y nasa'kin na ang lahat. Talino.Ganda.Pamilya.Magandang katawan na pinapangarap ng iba ngunit nakalaan lang sa isa at higit sa lahat nasa'kin na yung lalakeng mahal ko.
Isang linggo na ang nakakalipas magmula no'ng umamin ang dyosang gaya ko sa isang gwapong mongoloid. Hindi ko lubos akalain na ang magandang gaya ko ay sa isang Kent Austine Park lang mahuhulog.
Minahal ko si Zian pero hindi gaya ng pagmamahal ko ngayon kay Kenken. Pagmamahal na handa kong ilaban ng patayan na kahit ayain nya kong makipagjugjugan ay gogora na ako.
Ngayon naniniwala na ko sa forever. Forever na kaming dalawa ang magpapatunay.
"Im tired!" Napatingin ako kay Kenken na nakahiga sa kama. Magmula kasi kaninang umaga ay nandito na sya.
"Ha?" Takang tanong ko. "Paano ka naman mapapagod e kanina ka pa nakahilata dyan" Tumabi ako sa kanya at yumakap. Magmula ng sabihin ko sa kanyang mahal ko sya ay mas naging clingy na ko. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko gustong gusto ko syang kayakap.
"Hey! Stop-- Stop!" Suway nya sakin. Ito ang kinaaasar ko sa kanya tuwing magkasama kami. Nilalaro ko lang naman pero lagi nya kong sinusuway.
"Bakit ba? Nilalaro ko lang naman mahal ko" Mahinang bulong ko sa kanya bago ko isiksik ang mukha ko sa leeg nya.
"Shit!" Rinig kong mura nya kaya mas ginalingan ko pa. Ang lambot naman kasi ng maninipis na buhok na parang ginagamitan ng shampoo.
"Mimay" Daing nya. King ina bakit ang sexy ng boses nya?Inangat ko ang mukha ko para tignan sya at ganon na lang ang pagtataka ko nang makita kong nakapikit sya habang nakakagat sa ibabang labi nya.
"Bakit sweety pie?" Tanong ko bago pumatong sa kanya na halatang ikinagulat nya samantalang yung kamay ko patuloy parin sa paglalaro.
"Ayaw mo ba tong ginagawa ko?" Malungkot na tanong ko. Gusto ko lang naman iparamdam na mahal ko sya kaya naglalambing ako pero bakit parang hindi nya nagugustuhan. "Sorry" Naiiyak na sabi ko. Inaamin ko naman na malandi ako pero sa kanya ko lang ina'apply at hindi naman sa buong baranggay."San ka pupunta?" Higit nya sa'kin ng akmang tatayo na ko kaya nawalan ako ng balanse at sumubsob sa dibdib nya. Eng benge neng bebe ke.
"Aalis na ko. Sorry kung yun lang ang kaya kong gawin. Sorry kung nalalandian ka sa'kin. Sorry kung hindi ako kasing galing ng Yhuri mo" Anong magagawa ko kung pati kamay ko virgin pa. Hindi ako kagaya ng Yhuri nya.
"Ikaw na mismo nagsabi sa'kin na may nangyari na sa inyo ng Yhuri mo. Sorry kas--Hmmm"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang pagpalitin ang pwesto namin at agad akong siilin ng halik. Halik na punong puno ng pagmamahal. Halik na hindi ko Makmakmak-makakalimutan. Ilang segundo pa ang lumipas ng maramdaman kong wala na ang labi nya sa labi ko.
"Ang ingay mo" Nakangising sabi nya.
"Totoo naman kasing hindi ako ganon sa Yhu---" Enebe. Halik naman kasi ng halik. Ayoko sa lahat yung magnanakaw ng halik kaya bilang parusa ay hinawakan ko ang batok nya at agad na nakipagsabayan sa bibig nya. Ang unang banayad at dahan dahan na halik ay unti unting naging marahas. Ang kaninang labi nya na nasa labi ko ay unti unting bumaba sa leeg ko. Ang init na dapat sa apoy lang ay unti unting bumabalot sa buong katawan ko.
"D--dar..darleng" Daing ko ng mapunta ang halik nya sa likod ng tenga ko. "May... kenAmpmgadk" Nag iinit ang buong katawan ko. Bumalik ang labi nya sa labi ko at agad ko syang naitulak.
"What?" Kunot noong tanong nya.
"May tumutusok sa ano ko." Nahihiyang sabi ko bago magtakip ng unan sa mukha na agad nya ding tinanggal.
BINABASA MO ANG
Hindi Ako Bitter! ( slight lang )
MizahWARNING: 50% of bitterness 20% OA 20% Drama 10% corny