Chapter 38

277 8 0
                                    

Hi guys! Uso vomments!

-----------------------------------------------

Chapter 38

Matthew's POV

"Sir Matthew, kain na po."

Tss. I hate Yaya Da. She always call me to eat whenever I'm playing.

"Sir Matthew, kain na. Masamang pinaghihintay ang pagkain."

"But I'm still playing! Mamaya na lang Yaya!"

Nilaro ko na ulit ang robot ko.

"Sir kain na sinabi eh. Bawal ang makulit na bata."

"Yaya!"

Hinabol ko si Yaya dahil inagaw niya sakin ang toy robot ko.

"Yaya! Give it to me!"

Pilit ko yung inaabot pero hindi ko magawa dahil mas matangkad siya.

"No. Kakain muna tayo, okay?"

"I said, give it to me!"

I pushed Yaya. Pero imbes na ibigay niya sakin yung laruan ko..n-nahulog siya sa hagdan.

"Yaya? Y-yaya!"

I burst out crying. Agad akong bumaba tsaka ko nilapitan si Yaya.

"Yaya? Y-yaya please wake up!"

Inalog-alog ko si Yaya. Nahawakan ko ang ulo niya..pagkaangat ko ng kamay ko ay puro dugo na yun.

"Y-yaya...Mommy! Daddy! D-dugo! Yaya!"

Wala na kong nagawa kundi ang umiyak. Yaya ko...

"Son! What happened?"

Agad tumakbo si Dad palapit kay Yaya.

"Anong nangyari? Are you okay?"

Alalang tanong sakin ni Mommy. Nag-nod lang ako.

"Si Yaya Da Mom...si Yaya."

Umiiyak pa rin ako. Sumama ako kila Daddy hanggang sa ospital.

"Yaya Bel? Where's Mommy and Daddy?"

"Nakikipag-usap sila sa pamilya ng Yaya Da mo."

"What happened to her? Is she fine?"

"Hindi ko alam eh.."

Malungkot na sabi ni Yaya Bel. Konti na lang at malapit na siyang maiyak.

"Nanay! Tatay anong nangyari kay Nanay? Diba sa teleserye pag nandiyan ibig sabihin may sakit? Bakit andiyan si Nanay?"

Napatingin ako sa batang babae habang umiiyak siya sa tatay niya at turo-turo niya yung pintuan.

"Yaya...who is she? What is her name?"

Hindi na ko umiiyak. Sabi ni Yaya Da ang boys daw hindi umiiyak. Kaya kahit naiyak ako, hindi ko pinapakita sa iba.

"Siya? Anak siguro siya ni Esmeralda. Hindi ko alam ang pangalan niya."

"Let's go home."

Ang sungit ni Mom. Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya yun.

"Mommy..okay na si Yaya?"

"Hindi pa. Napakalikot mo kasi! Kapag may nangyaring masama sa Yaya mo, ikaw ang may kasalanan. Wala ka na talagang ginawang tama. Mabuti pa si Gabriel. Ikaw? Wala kang kwenta."

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon