Chapter 25

334 9 0
                                    

Hi guys!

Short update! Bawi ako next chapter!

-----------------------------------------------

Chapter 25

Miracle's POV

"Hmmm..."

Bigla akong naalimpungatan. Napatingin ako sa wall clock. 8:00 a.m. na pala. Hala! 8:00a.m. na! Bumangon ako kaagad para puntahan si Matthew sa kwarto niya. Okay lang kaya siya?

"Matthew?"

Sabi ko nung wala pa ring nagbubukas ng pinto. Pumasok na ako sa loob. Nasaan si Matthew? Wala siya rito sa kama niya. Hala. Nasaan kaya yun?

"Matthew?"

"Yes?"

"Ay butiking naka tapis lang! Ano ba yan Matthew?!"

Napasigaw ako sa sobrang gulat nung bigla siyang lumabas sa banyo. Tapos bigla akong tumalikod.

"Kailangan talaga pag kagaling sa C.R. naka towel lang?"

Tanong ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Aba, malay ko bang papasok ka pala. Wait for a minute. I will just wear my clothes."

"Buti pa nga."

Narinig kong sumara yung pintuan kaya humarap na ko.

"Matthew! Akala ko ba magbibihis ka na?"

Bigla akong napatalikod. Paano kasi dun pa ata balak magbihis. Hello? Nandito po kaya ako!

"Oo nga. Eh bat ayaw mo pang lumabas ng kwarto ko?"

Humarap ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko at nagulat din ako sa tanong niya. Akala ko kasi sa C.R. Siya magbibihis.

"Eto naman joke lang. Wait for me here. Sa C.R. na ako magbibihis."

Tapos pumasok na siya sa banyo. Yan ba ang nagiging epekto kapag nagkakasakit siya?

"I'm done!"

Sabi niya. Nakabihis na siya nung lumabas siya.

"Bakit ka naligo? Kakagaling mo pa lang sa sakit eh. Baka mamaya mabinat ka."

Sabi ko at nilagay ko pa ang kamay ko sa noo niya para tignan kung mainit siya. Good thing. Mukhang wala na talaga siyang sakit.

"May work pa tayo eh."

Sabi niya at kinuha niya ang kamay ko para ialis sa noo niya.

"Wala. Cancel na lahat."

Sabi ko na halatang ikinagulat niya.

"Bakit?"

"Gusto ko eh. You need a rest."

Ma-awtoridad kong sabi. Daig ko pa ata ang nanay niya. Hahahhaha.

"Ito talagang nurse ko oh. Masyadong strikto."

Sabi niya sabay akbay pa sakin.

"Tumigil ka nga! Seryoso ako noh."

Sabi ko at inalis ko ang pagkakaakbay niya sakin.

"So tutunganga lang pala tayo dito all day."

Sabi niya sabay higa ulit sa kama niya.

"Ano bang nangyare sayo kagabi?"

Bigla kong tanong out of the blue. Curious lang kasi ako.

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon