Chapter 15

427 12 0
                                    

Thanks for the tips Ms. Idol!

------------------------------------------------

Chapter 15

Anna's POV

"Grabe. Hindi ko akalain na ganun pala siya pero siguro nga aksidente lang yun."

Sabi ni Miracle sakin. Nandito kami ngayon sa park malapit dun sa dati niyang tinitirhan at siyempre kumakain kami ng kwek-kwek.

"Hay naku papaslangin kita eh. Ganun na nga yung ginawa sayo idol mo pa rin? Ay iba ka sis."

Sabi ko sa kanya sabay subo ng kwek-kwek.

"Ganun ata talaga. Pero nabawasan na naman yung paghanga ko sa kanya. Siguro mga isa na lang na masamang bagay ang gagawin niya sakin hindi ko na siya idol."

"Bilib na ko sayo Sis. You are always ready to give other people a second chance. Pero pano kapag tatay mo na ang nanghingi sayo niyan?"

Alam ko na mape-pressure ka sa tanong ko o di naman kaya ay babatukan mo ko pero meron din kasi akong mission eh.

"First of all, ang lakas mo maka english! Nakaka nose-bleed."

Kitams? Iniba niya ang usapan. Pero hindi ako titigil.

"Question ko ang sagutin mo okay?"

"Hayy, hindi ko alam."

O bakit hindi niya alam?

"Bakit di mo alam?"

"Eh kasi...minsan ang basehan kung kailan mo mabibigyan ng second chance ang isang tao ay sa kung gaano katindi yung ginawa niya sayo."

Wow. May hinanakit nga toh.

"Kahit na sis. Everyone deserve a second chance. Kahit pumatay pa siya o nagnakaw o kung ano pa man basta wiling siya na magsisi at patunayan sayo na dapat mo siyang patawarin dapat bigyan mo pa rin siya ng second chance."

"Hay naku madaling sabihin, mahirap gawin."

Sabagay may tama siya dun.

"Teka nga, bakit ba palagi mo yang sinisingit sa usapan ha?"

O may nakahalata na siya! Teka, bakit nga ba hindi ko sinasabi?

"Nag promise kasi ako kay Tita Esme na I will take care of you. At siguraduhin ko daw na mapapatawad mo ang tatay mo."

"Nanay talaga kahit kailan."

"O sige na nga. I will give you time to answer my question. Kwentuhan mo pa ko about sa inyo ni Matthew. Tsaka, anong himala ang nagaganap at nagka day off ka na ulit?"

Pag-iiba ko sa usapan. Ayoko ngang mabad trip toh! Sistah ko yan eh!

"Ayun ayos naman. Makikipagkita nga mamayang gabi yun dun kay Gab eh."

"Bati na sila?"

Yes! Pwede na kong magkaroon ng talk show hahahaha.

"Oo. Tapos nag suggest ako na mag bonding sila ngayon."

"Grabe teh! Iba na talaga yang powers mo!"

"Sus. Malamang nagiinarte lang yang si Matthew. Matagal ng gustong makipagbati nun kaya lang ngayon lang niya nalunok yung pride niya."

"Bakit? Sobrang laki ba ng bareta na yun?"

"Sira! Nag endorse ka pa!'

Hahaha. Havey ang punch line ko!

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon