Chapter 43

231 8 0
                                    

Madaming NAMAMATAY sa maling akala.

-----------------------------------------------------

Chapter 43

Miracle's POV

"Miracle listen to me. You need to believe him, to trust him."

Nandito kami ngayon ni Tatay sa living room at masinsinan niya kong kinakausap. Medyo nahimasmasan na rin ako ng konti. Ano ba tong ginawa ko? Bakit ako nagpadala sa emosyon ko? Hindi ko man lang siya binigyan ng chance para magpaliwanag. Nababaliw na ba ako?

"Anak, be honest with me. Do you still love him?"

Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay hawak ni Tatay. Tumingin ako sa mga mata niya.

"I never stop loving him, Tay."

"Good. Then, what are you waiting for?"

Napayuko ako. Hindi ko ata kaya. Sa lahat ng mga sinabi ko kahapon, alam kong nasaktan ko siya. Paano ko siya haharapin? Paano ko siya kakausapin? Maniniwala ba siya sakin? Paano kung..kung nagising na siya at nalaman niyang may mas better pa talaga sakin? Besides, I'm just his P.A. Sino nga naman ako compared sa iba diba?

"Anak.."

Pinahid ni Tatay ang mga luhang nagsisimula na namang bumagsak.

"Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa. Go."

"Pero Tay..w-what if, natauhan na siya? Nalaman niya na hindi niya pala talaga ako mahal? Pano pag napagod na siya? Pano pagsumuko na siya?"

Pinahid niya ulit ang mga luha ko.

"Matthew didn't gave up for his dream even his parents want him to, right? If he did that to his dream, he can also do that for his life, for his love. And that is you, only you."

Tama si Tatay. Siguro..mahal pa ko ni Matthew. Siguro..mapapatawad niya pa ko. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Ang daming what if's na umiikot sa utak ko.

"Tay, I'll just take a rest. Promise, kakausapin ko na siya mamaya."

Tatay just smiled. I know he can understand me. I just want to take a rest. Ayokong makita niya ko ng ganito. Tumayo na ko. Paalis na sana ako nang may marinig kaming ingay.

"Miracle!"

Nagwa-walang pumasok sa bahay si Samantha.

"Samantha! Ano-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya kong sampalin ng malakas. Sa sobrang sakit, muntik na kong matumba.

"Samantha! Ano bang ginagawa mo?!"

Itinago ako ni Tatay sa likod niya habang tahimik naman akong umiiyak.

"Samantha!"

Susugod pa sana si Samantha pero napigilan na siya ni Gabriel na sa tingin ko ay kasama niya.

"Sorry Direk for what I have done pero Miracle deserves that."

Tumingin siya sakin. Alam kong galit siya.

"Ano? Kulang pa ba yan? Gusto mo sa kabila pa? Just tell me, kahit ang iumpog ka sa pader gagawin ko magising ka lang sa kabaliwan mo!"

"Samantha, stop it. Hindi dapat sa ganitong paraan. Ano ka ba?"

Awat sa kanya ni Gab pero hindi siya nagpatinag.

"No! Ikaw na babae ka, ang suwerte-suwerte mo na nga eh. Alam mo ba lahat ng ginawa ko para kay Matthew ha? Halos ma-obsess ako sa kanya pero look at me now. Falling in love with his cousin. Samantalang ikaw, Miracle. Hindi mo na kailangang gawin ang mga ginawa ko dahil nandiyan na siya sa harapan mo tapos lumalayo ka pa? How dare you?!"

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon