Book 2: Prologue

321 12 3
                                    

"Proceed to our another question, what if there's someone from your past that will come back in your life? What will you feel? What will you do?"

Napatigil ako sa tanong ng nagi-interview sa amin ngayon. At kahit hindi ko tignan sila Gabriel at Samantha, alam kong nakatingin sila sakin.

"Ehem, uhmm..for me, I'll accept him/her again in my life."

Pagsalo sakin ni Gabriel.

"How about you?"

Tanong ulit ng nagi-interview.

"For me, it depends on the situation."

Si Samantha naman ang sumagot.

"May tama ka diyan. How about you Matthew? Will you still accept him/her? What will be your reaction when that time comes?"

A-ano nga ba?

"Your new teleserye is entitled 'Time Machine'. I know that..this is a sensitive topic for you, Matthew but I really need to ask you this question. But if you want, you can skip this question and proceed to the other one."

Sabi ng interviewer. Tape lang toh at hindi live pero alam kong lahat ng staff sa studio ay nakatingin sakin. Alam nila ang lahat. Alam ng buong mundo ang pinagdaanan ko 2 years ago..

"S-sorry..I..I'll answer that question."

Gulat na napatingin sakin sila Gab at Samantha. Huminga ako ng malalim.

"For me..we can answer that question easily pero kapag nandun na tayo hindi na natin alam ang gagawin natin."

"Uhmm..but what do you think you will do when you are already in that situation?"

"Epal tong interviewer na toh ah. Manhid ba toh?"

Iritadong bulong ni Samantha. Katabi ko siya kaya naman narinig ko ang binulong niya.

"Hindi ko alam."

Nagtinginan ulit sila sakin.

"Hindi ko alam. Dahil ayokong umasa sa isang bagay na kailanman ay hindi na mangyayari pa kasi sa dulo..ako lang din ang masasaktan."

Napayuko ako at nabalot ng katahimikan ang buong studio. Ramdam kong malapit ng tumulo ang mga luha ko kaya tumayo na ko.

"I think that's enough. Please continue the interview for the both of them. Direk, paki-cut na lang po yung sagot ko sa last question. Excuse me."

Nakita ko pa ang pag-nod ng bagong direktor bago ako umalis. Hindi ko na kaya..agad akong pumasok sa rest room. Naghilamos ako ng mukha tsaka tinignan sarili ko sa salamin.

It's been 2 years..madami na ang nangyari. Madami na ang nagbago.

But there's one thing that will never change...

Inilabas ko sa damit ko ang kwintas kung saan ko inilagay ang singsing para maging pendant nito. The same ring na ibibigay ko sana sa kanya para pakasalan ako, the same ring na hinanap at nakita ko sa pinangyarihan ng aksidente.

"It's been 2 years but I still love you. And the fact that I can never show my love for you anymore is slowly killing me."

Nag-unahan na sa pagpatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigil bumagsak.

Hanggang ngayon, ikaw pa rin. Hindi nagbago. Hindi naglaho. Hindi nabawasan. Buong-buo pa rin ang pagmamahal ko para sayo.

How I wish na sana ay magkatotoo ang tanong samin kanina. Sana..sana bumalik ka sakin. Because I'm willing to accept you in my life, in my mind, in my heart, and if you will agree, as my wife.

Pero ang sakit lang. Na gusto mong maniwala..na..na gusto mong magkatotoo yun..pero masakit eh. Masakit ang umasa sa isang bagay na hinding-hindi na mangyayari. Masakit ang umasang babalik ang taong mahal mo lalo na kung siya ay matagal ng..

Patay.

Patay na siya..pero ang pagmamahal ko para sa kanya ay nananatiling buhay dito sa puso ko.

Because until now..I'm still...

In love with my P.A.

-----------------------------------------------------

Please read this author's note:

Ayoko na! Tampo na ko! Isa lang nag-vote! Hmp! Ha-ha! Pero dahil love ko kayo, eto na siya! Kaya lang naman ako nanghihingi ng votes para dagdag inspiration eh. Nga pala!

KNlover04 ! Hi! Thank you very, berry, strawberry, blackberry, very much for the votes and comments! I'm happy especially when you asked a question about my story because that means you are really reading my story! I was and still overwhelmed because of your comments! Thanks for the support!

And this is it guys! The Book 2 of 'In love with my P.A.'.
Enjoy!

Please leave vomments. Thanks!

Sincerely yours,
Ianedo_27
(^_^)V

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon