Chapter 9

403 7 0
                                    

Halllu guys!

What a rainy day! Sana hindi umulan sa Sunday.

I really loved what I am doing right now!

Listening in my playlist while writing this chapter under my blanket in a dark,cold room,

Share ko lang!

-------------------------------------------------

Chapter 9

Miracle 's POV

Sino kaya yung kumakatok? Nasa bahay kasi ako ngayon.

"Hi!"

Si Anna agad ang bumulaga sakin habang may dala-dalang kwek-kwek.

Binigyan ko naman siya ng isang malapad na ngiti.

"Sus. Faked naman eh."

Sabi niya. That's true. Fake nga yung ngiti ko.

"Nagpromise kasi ako sayo eh."

"May bago kang problema noh? Tara pag-usapan natin yan habang nilalantakan tong kwek-kwek."

She really knows me well. Kaya ayun, sinabi ko sa kanya lahat.

"Ngayon, idol mo pa rin ba?"

Tanong ko kay Anna.

"Eh baka naman......kailangan ka lang talaga niya."

Well, sinabi ko naman lahat ng pinagusapan namin ni Matthew pwera lang dun sa 'Attitude Thing'.

"Tsss. Idol mo lang kasi kaya pinagtatanggol mo pa rin."

"Malay mo naman nagsisisi na talaga yung tao."

"No. Hindi marunong magsisi ang kapreng yun noh!"

"Okay, sige. Eh pano yung kaso?"

"I don't know."

Nakita ko na magsasalita si Anna nang may kumatok na naman sa pinto ko. Binuksan ko yun at ito ang bumulaga sakin....

"Miracle, nasaan na ang bayad niyo?"

Aleng Mel?! Ano ba yan!

"Ah.....eh..."

Hala! Anong sasabihin ko? Wala pa kong kwarta ngayon!

"Aba! Hindi na ko pwedeng magbigay ng extension sayo. Alam ko naman na kakamatay lang ng Nanay mo pero hindi naman pwede yung hindi ka magbabayad ng upa niyo rito."

"Wala po kasi talaga akong ibibigay sa inyo eh."

"Pasensya ka na pero hanggang sa makalawa ka na lang pwede rito. Pag di ka pa nakabayad kailangan mo ng maghanap ng bago mong uupahan."

Bakit ba kailangan sabay-sabay na dumating ang mga problema?!

Sinarado ko na ang pinto at bumalik dun sa may lamesa.

"Hayy, may galit ata sakin ang mundo."

"Sis! Obviously nasa harap mo na ang solusyon!"

Ha? Anong sinasabi niya?

"Ano?"

"Edi si Crushie! Tignan mo ah. Pag nagtrabaho ka na ulit sa kanya hindi ka na niya kakasuhan. Hindi mo na rin kailangang problemahin ang pangbayad mo dito kasi pwede ka ng mag stay-in sa kanya. libre pa pagkain mo!"

"Bad idea. Ayoko!"

"Limot limot din ng pride pag may time!"

"Hindi naman dahil sa pride eh."

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon