Chapter 44

236 10 0
                                    

Heartaches. </3

---------------------------------------------------

Chapter 44

Matthew's POV

Ang sakit ng buong katawan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puro puti. Nasa langit na ba ako?

"Anak?"

Teka, nandito si Daddy? Ano bang nangyare?

"Gising na ba siya? Oh God! Are you okay, son?"

Mommy..bakit sila nandito? Ano bang nangyare? Pilit kong inalala ang lahat.

"A-asan ako? Bakit..b-bakit andito kayo?"

"Oh my gosh! You're really awake!"

Bakas ang saya sa mukha ni Mom. Ano ba talaga ang nangyare? Hindi ako makagalaw pero ramdam ko ang mga aparatong nakakabit sakin. Hindi ko rin maigalaw ang kanang binti ko na sa tingin ko ay naka-semento.

"Hindi mo ba naaalala ang lahat, Matthew? Naaksidente ka."

N-naaksidente? Inaalala ko ang mga nangyare. May truck...may..

"Si M-miracle? Asan siya? Galit pa ba siya sakin?"

Nagkatinginan silang dalawa. Biglang lumungkot ang mga mukha nila. Bakit? May hindi ba ako alam? Ano bang nangyare kay Miracle? Asan siya? Baka galit pa siya sakin kaya hindi sila makapagsalita.

"Dad..kung galit pa siya, sabihin niyo na."

Okay lang kung galit pa siya. Isa lang naman ang gusto ko eh, yung malamang mas maganda ang lagay niya kaysa sakin. Okay na ko dun.

"Ano kasi eh.."

Nagsimula ng pumatak ang luha ni Mom. Tinakpan pa niya ang bibig niya.

"Dad..anong nangyare?"

Lumapit sakin si Dad tsaka niya hinawakan ang kamay ko.

"Magpahinga ka na. Tatawagin muna namin ang doktor para i-check ka."

Hinawakan ko ang kamay ni Dad. Kinakabahan ako.

"Dad, Mom, anong nangyare? Asan siya?"

Napalihis ng tingin sakin si Dad at kita ko ang pagsara niya sa kamao niya dala ng frustration. Bakit? Ano ba talagang nangyare?

"Look Dad, I want to know if Miracle is-"

"Dead."

Huminto ang mundo ko sa sinabi ni Dad. No. Mali lang ang dinig ko.

"No. Hindi yan totoo."

Naluluha na ko. Hindi eh. Ramdam ko. Buhay pa siya. Nangako siya eh. Hindi niya ko iiwan.

"Miracle is dead. M-mas malala ang mga naging tama niya kaysa sayo."

"No. No! Nagsisinungaling ka Dad! Buhay siya!"

Hindi ko na pinigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. Hindi eh. Nagsisinungaling siya. Buhay pa si Miracle! Hindi siya pwedeng mamatay!

"Anak..I know, mahirap pero kailangan mong tanggapin. Wala na siya at..wala na tayong magagawa pa."

Umiiyak na rin si Mom. No. Hindi ko matatanggap ang isang bagay na hindi naman totoo!

"Stop it! No! Buhay siya! Alam ko, buhay siya! Hindi niya ko iiwan! No!"

Pilit kong tinanggal ang mga aparatong nakakabit sakin kahit na hinang-hina pa ko.

"Matthew! Stop that! Ikakapahamak mo yan!"

In love with my P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon