Chapter 5- Jelly Beans

79 5 0
                                    

Chapter 5- Jelly Beans

Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong inutusan sina Aven sa kanilang punong-guro upang tumulong sa aktibidad sa darating na ika-dalawampung anibersaryo ng kanilang paaralan.

Tatlong linggo na rin simula noong napahiya si Aven at napagkamalang may gusto sa kanyang karibal na si Ethan.

Ngayon, nasa auditorium sina Aven at ang iba pang kasamahan niya upang ayusan ito sa darating nilang mini-concert sa susunod na linggo bilang isa sa mga magaganap na gawain sa anibersaryo ng paaralan.

Habang nag-iisip si Aven kung saan niya ilalagay ang mga palamuting hawak niya, tinawag sila ng kanilang Team Leader na si Rence.

"Oh guys, kumusta naman ang ipinapagawa ko sa inyo? Ana, okay na ba ang mga booth natin?" Nag-aalala at nagmamadaling tanong ni Rence kay Ana na isa sa kasamahan.

"Ah yun ba? Uhm.. Kasi may problema tayo sa sophomores. Nagrereklamo kasi sila kung bakit Café ang na-assign sa kanila. Pero sa ibang year levels, wala namang problema bukod dun." Sagot ni Ana.

"So we need to change our plans na?" Maarteng tanong ni Emerald. Oo kasama siya sa pag-oorganize.

"Kung ganoon, we must change their assigned booths." Sabi ni Kaye.

"Ganito nalang kaya guys, we'll exchange nalang ang booth ng seniors at sophomores. Bale café ang atin at saka horror booth sa kanila." Suggestion ni Aven.

"Great idea, Celeste. So guys, okay ba ang idea niya?" Tanong ni Rence sa kanyang kasamahan.

"Nice."

"Okay."

"Agree."

Sunod-sunod nilang sagot. Hinarap naman ni Rence si Ana.

"Ikaw Ana, sabihin mo nalang sa 2nd year and 3rd year representatives na may change of plans tayo.." Huminto muna siya saglit na parang may iniisip, "..at sabihin mo rin sa mga sophomores na kailangan nilang galingan sa pagtakot sa atin." Natatawang pahayag niya.

"Sir, yes sir!" Sabi ni Ana tsaka sumaludo pa kay Rence.

At ayun, nagsimula na naman silang magtrabaho. Pagkalipas ng ilang oras, natapos na rin sila. Mga alas siyete na nang gabi matapos sila Aven at sa kasamaang palad umulan nang malakas. Wala siyang dalang payong kaya nilabas niya ang kanyang iPhone at handa na sana niyang tawagan ang kanyang driver pero LOWBAT ito.

'Great! Just Great!' Sarkastiko at naiinis na sabi ni Celeste sa kanyang isipan.

"Why? Something wrong?" Tanong ni Kurt na isa sa mga nag-organize. Napansin kasi niyang hindi maganda ang mood ng dalaga.

"Sadly, yes. I have a BIG BIG problem. I don't even know how to solve that. ARGHH!"

"So what's your problem then?"

"Duh! Wala ka bang mata o ano?! Sa tingin mo makakauwi ba ko ba ganito ang panahon?! I don't even have an umbrella and my phone is drained!"

"Woah woah woah. Calm down there missy. Do you want me to bring you home?"

"Ahm, N--" Hindi natapos ni Aven ang sasabihin niya nang may sumingit sa usapan nila.

"Ako na ang maghahatid na kanya." Matigas na sabi ni Ethan kay Kurt. Nagulat si Aven sa sinabi ni Ethan.

"Okay, as you say so." Sabi ni Kurt na nakataas ang dalawang kamay na parang nagsusurender.

"Halika na." Sabi ni Ethan sa dalaga pero nakatulala parin ito.

Binuksan ni Ethan ang payong niya at pumunta sila sa parking lot. Pagkatulak ni Ethan kay Aven papasok sa kotse, doon lang natauhan ang dalaga.

"Bakit mo ba ginawa yun?! I can take care of myself!" Galit na sigaw ni Aven sa binata.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon