Chapter 3- Teka what?!

91 11 4
                                    

Chapter 3- Teka what?!

Celeste's POV

Pagkagising ko, wala nang estudyante sa classroom. Pagtingin ko sa aking precious watch, 11:52 na pala. Lunch. Wala man lang nag-abalang gisingin ako.

*groowwll*

Opps. Mukhang gutom na 'tong mga alaga ko. Kakain muna ako.

Pagkadating ko sa cafeteria, maraming mga estudyante na nag-iingay. Daig pa ang palengke. Tsk tsk. Dumiretso ako sa counter ng may marinig akong mga pamilyar na boses sa aking likuran.

"Oo nga dude. Hindi bagay sayo ang maging ganyan. Nakakabawas ng pogi points! Hahaha" Si Playboy.

"Yan! Patorpe-torpe pa kasi! Walang torpe sa grupo na 'to! Haha!" Si Pilosopo. Binatukan pa niya si Mr.GGB

"Hoy! Umayos nga kayo diyan! Gutom na yung tao eh! Aishh!" Si Takaw.

Oo kilala ko silang lahat. Mga katropa sila ni GGB. Bakit ko sila nakilala? To make the long story short, THEY insisted.

"Kahit kailan talaga ang takaw mo Vince. Balik tayo kay Ethan, sabihin mo nalang sa kanya ang nararamdaman mo at ayain mo siyang makipag-date." Payo ni Playboy ky GGB.

"Pero--"

Bago pa makagpagsalita si GGB, inunahan ko na siya. Lumingon ako sa kanila at...

"Tama ba yung narinig ko? Mr. GGB has a crush on someone? Hahahahahaha!.." Napatingin sila sa akin ng may pagtataka. "... Uhm sorry nadala lang ako. Pero-- pfft-- Haha nakakatawa talaga. Sure na sure akong babastedin ka niya dahil tignan mo nga yang sarili mo." Sabay head-to-toe sa kanya. " Hindi ka bagay sa kung sino man dahil--." hindi pa ako nakatapos sa pagsasalita e, inunahan na niya ako.

Teka what?! Parang may mali sa sinabi ko eh. nakita ko na ang scene na 'to eh.

Lumapit siya sakin. Yung malapit na malapit. Naaamoy ko na siya.

"Bakit? Dahil sa iyo lang ako nababagay? Libre lang mangarap Ms. CUQ."

"I did-- Hindi-- Hindi yon ang ibig ko sabihin!" Ako.

"Tatanugin kita Ms. CUQ may lihim na pagtingin ka ba sa akin?" GGB

"WALA!"

"Uieee. Defensive. Don't worry Ms. CUQ we can keep a secret. Ta-ta!"

Sabi niya at umalis na sila. Ginaya pa talaga niya ang accent ko. Arghhh!

"Hoy!!! Ang baho ng hininga mo! Pwe!" pahabol kong sigaw sa kanya.

Okay Ven kung ayaw mong magka-High Blood huwag mo nalang siyang pansinin. Okay? Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

O-order na ako at ikakain nalang ito. Umorder ako ng large fries, 2 cheeseburger at sundae. Akala niyo nag-d-diet ako no? Nu-uh. Wala sa bokabularyo ko ang salitang DIET.

Habang kumakain ako may sumigaw sa precious name ko.

"Celeste Aven Go!" Unknown.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun and guess what? Nakita ko ang aking childish SUPER-DUPER-ULTIMATE Bestfriend ko! Kyahhh!

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Huy! Alam mo bang hinanap kita dahil akala ang buong akala ko papasok ka! Ang sama-sama mo! Hmmmp!" Sabi ko kunwari nagtatampo.

"Uy huwag kanang magtampo. An emergency came up kaya hindi kita natawagan o natext man lang. Sorry." She made an apologetic face.

"Okay lang yun no. Binibiro lang kita. Order ka muna sabayan mo akong kumain." Pumunta naman siya sa counter para mag-order.

Siya nga pala si Pauleen Maxine Chan. Ang childhood friend slash bestfriend ko. Business partners ang mga magulang namin kaya magkaibigan na kami simula pagkabata namin. Mas bata nga pala sakin si Pauleen ng one year.

Pagkabalik niya nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan. Kwentuhan doon, kwentuhan diyan. Hanggang sa...

RIIIINGGG!!!

Lunch break is over. Meaning may klase na naman kami ni Ms. Correct-Tama-Right. Isa sa mga guro dito. Positive thingking kasi siya. Kadalasan pag may sinasabi siya dinudugtungan niya ng 'Correct?' 'Tama?' o di kaya'y 'Right?'. Kaya yun ang tawag ko sa kanya.

Habang naglalakad kami (mag-kaklase kasi kami ni Pauleen) papunta sa room, nagkasalubong kami ni Mrs.Cruz, ang aming principal.

"Good afternoon Ma'am." Bati namin sabay bow.

"Good afternoon too. Ahm Ms. Go, I need you in my office this dissmisal at pakisama na rin si Mr. Lopez. Thank you." At umalis na siya.

Wait what?! Kasama si GGB?! Ano ang gagawin namin doon?! Oh my geee!

------------------------------------------------

A/N: Hala! Anu kaya ang ipapagawa ni Mrs. Cruz sa kanila? Abangan!

Huwag kalimutan: Comment and Vote!
Arigato!

-SheIsSimplyHer

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon