A/N: Sa mga gusto pong magpa-dedicate, just comment or message me. Private man o hindi okay lang. Huwag niyo pong aasahan na mababasa ko agad ang message niyo dahil every friday afternoon at saturday morning lang ako nakakapagnet.
Arigato!
------------------------------------------------
Chapter 8- Time
Someone's POV
"Nangyari na ba?" Tanong ko sa isa sa mga kasamahan ko.
"Opo. Pinababalaan ko na sila."
"Okay. Good."
Celeste's POV
I searched for Ethan's cellphone and its so cheap. Though touchscreen naman siya. Infairness. Anyway, I immediately dialed my number so I can contact him.
[Hello? May kinalaman ka ba sa nangyari satin?] Agad-agad na tanog niya sakin at boses pambabae siya. Boses ko. Huhuhu ;(.
"Wala. Hoy huwag mong pagsamamtalaan ang katawan ko ah! Malilintikan ka talaga sakin!"
[Hindi naman sexy ang katawan mo para pagsamantalahan ko. Baka ikaw, ang katawan ko ang pagsamantalahan mo. Crush mo ako diba?]
Nararamdaman kong naka-smirk siya habang nagsasabi sa linyang yun.
"Like ew! In your dreams Lopez!" Sabi ko then rolled my eyes.
Ang kapal ha! Crush ko siya? Asa!
[Seryoso na. Paano nga tayo nagkaganito?]
"Actually, I met the wierd nerd yesterday. Sabi niya 'malapit na' and I was like naguguluhan talaga sa kanya. Then she handed me a piece of paper that says 'Transformation. It is near.'"
[Hoy! Wag ka ngang mag-conyo. Baka marinig ka ng mga kapatid ko o ang mama ko. Aasarin pa akong bakla and Yeah ganyan din ang papel na natanggap ko. Ang pagkakaiba lang hindi ordinaryong mga letra ang ginamit niya. Pati na rin ang papel.]
"Okay. Okay. Where did you put that paper?"
[Sa bulsa ng bag ko. Nasa gilid ng study table ko.]
Kinuha ko naman yung papel pero may ibang salita ang lumitaw.
"Beware. Ito na naman yung nakasulat dito. It seems its like a magic paper?"
[Parang yun na nga. That wierd nerd. Sino ba talaga siya?]
"Yeah. We need to find out. We need to investigate. Magkikita tayo total wala namang class ngayon."
[Paano tayo magbibihis?]
Namula ako sa kahihiyan. Nawala sa isip ko yun. Bakit hindi ko nga ba namalayan? Buti nalang sinabu niya.
"A-ah. E-eh. Huwag na tayong magbihis. Doon nalang tayo sa may park magkita."
[O sige. Pero sigurado ka bang ayaw mo makita ang macho kong katawan?] I heard him chuckle.
"Heh! Huwag ka nga! Basta huwag na huwag na huwag mong gagalawin ang katawan ko. Pag-iba na ang suot niyan, naku naku!"
[Hahaha. Yes ma'am! Ay este sir na pala. Hahahaha.]
*toot *toot
Arghhhh! Lagot talaga sakin yung lalaking yun. I will sabunot his kilay talaga.
Nagmamadali akong bumaba nang may biglang nagsalita.
"Oh anak. San ka pupunta ng ganyan ang sout mo? Hindi ka ba magbibihis?" Tanong nung babae. I think mama siya ni Ethan.
Napaturo ako sa sarili ko. "Ako?"
"Oo. Ikaw lang naman ang kausap ko diba? Ito naman ang hilig mo talagang magbiro."
Ay oo nga pala. Nasa katawan nga pala ako ni Ethan. Ano ba yan Aven! *face palm*
"A-ah hindi na po. Doon lang po ako sa park. May naghahanap kasi sakin at nagmamadali siya."
"Sige. Saglit ka lang don ha? Hindi kapa kumakain."
"Opo." Sabi ko.
Pagkarating ko don sa park, nandon na siya.
"Ang bagal mo talaga kahit kailan no?"
Inirapan ko nalang siya at di na pinanisin.
"Kumusta ang katawan ko? Bakit hindi mo sinuklayan ang buhok ko? Bakit may muta pa?" Sabi ko sa kanya.
"Bakit din iniba mo ang hairstyle ko? Bakit may panis na laway pa? Kumain ka na ba?"
Sabi niya habang iniiba ang hairstyle ng buhok niya at ako naman kinukuha ang muta ko. So ganito yung posisyon namin. Siya nakahawak sa buhok ko at ako naman nakahawak sa mukha niya.
"Uy ang sweet naman nila."
"Bagay sila. Gwapo at maganda."
Doon ko lang napagtanto na ang awkward ng posisyon namin. Sa paningin ng iba, para kaming couple na ang babae ay parang ginugulo ang buhok ng lalaki at ang lalaki naman ay nakahawak sa mukha ng babae. Gets?
Agad kaming napabitaw sa isa't isa. Spell awkward. K-A-M-I.
"So, paano natin natin isosolve ang problem na to?" Paninimula ko.
"Wag ka ngang mag-conyo. Nakakahiya sa sakin. Kailangan nating mahanap ang nerd na yun. Sigurado akong may kinalaman siya tungkol dito."
"Oo nga. Pero paano natin magagawa ang Mission: Hahanapin si wierd nerd? Hindi naman tayo makapagbihis."
"Kung gan--" napatigil sa pagsasalita si Ethan ng may sumingit.
"Hinahanap niyo ba ako?" Napatingin kami ni Ethan sa pinagmulan ng boses.
"Wierd nerd." Yan ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko.
Susugudin sana siya ni Ethan pero bigla siyang nawala at lumipat sa likuran namin. How did she do that?
"Huwag niyong pagkamalang sugurin dahil hinding hindi kayo magtatagumpay. Sumunod kayo sakin."
Napunta kami sa bahagi ng park kung saan may maraming puno. At may apat na pigura ang naghihintay samin don. Dalawang lalaki at dalawang babae. Sino kaya sila?
"Kami ang Wizards of the Future." Sabi nung isang babae na may short hair na may pagka-purple ang buhok. Teka mind-reader ba siya?
At ano? Wizards of the Future? Pfft. Gusto kong matawa sa sinasabi nila. Nag-jojoke ba sila?
"Hindi." Sabi naman ng lalaking asul ang buhok. Parang masungit pero infairness ang gwapo niya ha.
"Nandito kami para tulungan kayo." Sabi naman ni wierd nerd samin.
"Paano?" Tanong ni Ethan.
"With this." Sabi nung isang babaeng may mahaba at itim na buhok.
Ipinakita niya sa amin ang necklace na pang-babae at pang-lalaki na may pendant na clock.
"With this, you'll be able to switch yourselves and get back to normal anytime, anywhere. But it only contains 100 hours. So better not waste your time."
"Pang-temporary lang to? Bakit kasama ang time? Wala na bang ibang solusyon para bumalik kami sa dati?"
"You'll find it yourself."
Pagkatapos noon nawala na sila na parang mga bula. Ito na ba yung sinasabi nila na 'don't waste your time, 'cause time is gold'? Sino ba talaga sila? Aliens? From the future?
Arghh! Mabibiyak ang utak ko kakaisip eh. Napatingin ako sa kwintas. At paano ito gagamitin?
------------------------------------------------
A/N: Ano ang masasabi niyo okay lang ba? Lame ang update ko. :-(
Vote, Comment and be a fan.
Arigato!-SheIsSimplyHer