Chapter 4- Meet Him

70 7 0
                                    

A/N: Hi! This chapter is dedicated to sweetloquacious. Read her story, Watch out! Mr. Playboy. :)

P.S. Sorry kung matagal akong nakapag-update. Hehehe ^_^v

------------------------------------------------

Chapter 4- Meet Him

Ethan's POV

Pagkatapos nung 'nangyari', hindi ko alam pero-- aishh! Kakahiya! Para akong bakla! Sige eto na. Haaayy, hindi na nawala ang ngiti ko. Kaya ayun, inaasar ako ng mga mokong ngayon. Pshhh! -_-

"Oh dude, buti 'di napunit labi mo. Hahaha!" Asar sakin ni Brent.

"Lumilipad ka na ba sa ere? Bumaba din pagay time." Vince na may nakakalokong ngiti.

"Gag*! Kaya yan ngumingiti dahil naka-usap niya si Ms. Ven. Diba? Uiii aamin na yan! Hahahaha!" Sabi na naman ng gag*ng si Jared. -_-

"Uiiie!"

Sabay-sabay na sigaw nila sa akin na may halong pag-aasar. Aiishh! Heto na naman tayo. Pati ang lint*k na si Accel nakisali na rin. Takte!

"Mga gag*! Tigil-tigilan niyo nga ako! Pati si Accel na tahimik sumasabay na sainyo! Langya!" Sabi ko.

"Why? Can't I speak" Accel.

Haay. Wala talaga akong pag-asa sa mga to.

"Bahala nga kayo diyan! Isipin niyo ang gusto niyong isipin pero hindi ko talaga siya gusto!" sabi ko sabay lakad papalayo sa kanila

"Hahaha! Wag munang ideny tol! Hahaha!" Pahabol na tawa at sigaw ni Vince sa akin.

Wala naman talaga akong gusto sa demonyitang yun ah! Sino ba namang magkakagusto dun eh ang sama-sama ng ugali nun.

Pagkadating ko sa silid, nabigla ako ng tawagin ako ng Reynang Demonyita. -__-

"Hoy! Mr. GGB! Pinapupunta tayo ni Mrs. Cruz sa office niya. Mamaya daw dissmisal."

"Totoo ba yan? Baka gumagawa ka lang ng paraan para masolo ako? Ikaw Ms. Go ha, nahahalata ka na talaga." I said while smirking.

"Asa ka namang papatulan kita! Mas papatol pa ako sa aso kesa sayo!! Che!" Sabi niya sabay alis sa harapan ko.

Hahahaha! Sarap talagang asarin ng babaeng yun. Ang bilis ma-HB! Onga pala hindi pa ko nagpapakilala. *ehem* Hi! Ako nga pala si Ethan Dimitri Lopez. Ewan ko kung bakit 'Dimitri' pa ang ipinangalan ng magaling kong inay sa akin. Sabi niya cut daw. Tsss. Anung nakaka-cute 'don? Ambaduy nga eh! Diba readers? -_-

Scholar ako ng paaralang 'to. At sabi pa nga ni Go (Celeste), mahihirap daw kaming mga scholar. Inggit lang yun dahil nalalamangan naming mga scholar ang mga non-scholar na kagaya niya. *smirk*

Ganito kasi yun. Ang Brickstone Academy ay nahahati sa dalawang grupo o kategorya. Kaming mga scholar at mga non-scholar. Ako ang nagsisilbing presidente ng mga scholar. At siya namam sa mga non-scholar. Aba'y hindi kami magpapatalo sa mga panlalait nila no! At yun nga nagtagumpay kami at doon ko natagpuan ang mga kaibigan ko. Hindi naman sila scholar eh. Dun ko din sakanila nalaman na warfreak daw yung Go na yun simula elementary! Hahaha!

Hindi naman lahat kaming mga scholar ay mahihirap. May iilan naman na mayayaman at gustong maging nerd kaya ayun. Kami, hindi naman kami masyadong mahirap na hindi na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, sakto lang. At dahil sa mabait ako tinawag nila akong GoodieGoodBoy. Diba? *wink*

~~~~~~~~~~~~

Celeste's POV

Arghhh! Kaka-asar talaga nung lalaking yun! Sarap kalbuhin! Hala! Nandito na pala si Ma'am. Makikinig na talaga ako sa kanya at hinding-hindi na matutulog. Swear!

>Fast forward

*RIIIINGGG*

Yes! Sa wakas dismissal na rin! Naka-survive pa ako sa klaseng yun. Dumudugo ilong ko eh!

Nagliligpit ako ng mga gamit ko nung lumapit sa akin si Pauleen.

"Ven, mauna na ako sayo ha? Si Mommy kasi eh, naglilihi naman. Tsaka pinapatawag ka pa ni Mrs. Cruz." Sabi niya with an apologetic look.

"Ano ka ba. Okay lang yun no. Besides, palagi mo naman akong sinasamahan. Pakisabi na lang kay Tita na congrats at magkakaroon ka na rin ng kapatid!" Excited na sabi ko sakanya.

"Oo nga eh! Haha. Sige Ven, I'll go na. Bye!" Paalam niya sabay beso-beso sakin.

"Bye!"

Oo nga pala no? Ngayon pala yun. Mag-aasar na naman yun and I'm really sure of it.

Pagkadating ko sa office, nandun na siya. And guess what? Ang pinapagawa lang naman samin ng aming dearest principal ay ang pag-oorganize sa activity ng aming paaralan. Mag-t-twenty years na kasi ito. And ito pa! The alumni are gonna be back! Oh my gee gee gee! Madami na naman akong gagawin! -_-

------------------------------------------------

Hello po! Kumusta naman si Ethan? :)

Huwag Kalimutan: Comment and Vote!
Arigato!

-SheIsSimplyHer

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon