_________“PERO KUYA, paano ka? Dapat sabay tayong umalis dito.” Pabulong na sagot ni Gold ng sinabihan siya ng kambal niya na umalis na roon.
“Kung aalis tayong dalawa, mahahalata agad ng mga yan ang pagkawala ng presensya natin. Baka kung ano pang gawin ng mga mamamatay-tao na yan sa atin. Pero kung ikaw lang ang aalis, siguradong matatagalan pa bago nila mahalata yun, at kung mangyari man yun, sigurado akong nakalayo at nakahanap ka na ng tulong.” Dahilan ni Silver sa kaniya.
Di na nagsalita si Gold at sinunod na lamang niya ang sinabi ng kapatid. Umalis siya habang sinisiguradong hindi siya nakakalikha ng kahit na anong ingay.
Nang masiguradong medyo malayo na siya, nagsimula na siyang tumakbo ng tumakbo sa walang direksyon na daan, wala siyang pakialam kung saan man siya maparoon basta ang importante ay makatakas siya mula sa gulo na nagpapalito sa kaniya. Bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sa totoo lang, hindi na niya alam kung sino ba ang dapat niyang pagkatiwalaan.
FLASHBACK
INSIDE THE ROOM where Gold and her friends decided to go to. Panay ang pag-uusap ng mga kaibigan niyang si Sammy at Jessie tungkol sa high school memories nila, samantalang nasa isang sulok lang ng silid ang kuya niya habang nakatuon ito sa cellphone at parang nakikinig ng musika.
There are really times that his brother always staying far away from their friends. Even not really far, because they were just in the same roof but still he can’t be easily approach to. Though, she understands him. That’s why he didn’t bothered her brother and she just trying herself get into the conversation that Jessie and Sammy are having. She can’t really relate with those stories they’re talking because she was not in that even one single part of those stories.
But a moment when she saw his brother going to the comfort room while leaving his phone with an earphone plugged in to on the armchair his sitting. Out of curiosity, she hurriedly went to that chair and put on the earphones on her ears. She’s really curious, what song must her brother listening to.
It’s an unknown call recording clip, that made her eyebrows met in one line. She then clicked the play button.
“Hello? Who’s this?” Pagsisimula ng isang boses ng lalaki na sigurado siyang si Ziggy.
“Miss doing homework with me?” Boses naman ng isang babae na parang kausap ni Ziggy.
“Precious?” Balik sagot ni Ziggy.
“Precious? Diba yun ang pangalan ng victim na nagpaparamdam sa’min?” kunot-noong tanong ni Gold sa sarili habang patuloy na pinakikinggan ang voice clip.
“It’s Miss Sales.”
“Fūck you Sales, I’m not playing with you!” Sigaw niya rito.
“Oh, come on! Past is past already, dapat nagmomove on ka na.”
“Ikaw ang dapat na magmove on at tanggapin mo lang na patay ka na.” Inis na sabi ni Ziggy.
“Galit ka pa rin ba sa’kin hanggang ngayon? Alam mo Mr. Ong, hindi ako ang kaaway mo at alam mo yan. --- Diba sabi mo sa’kin noon, kilala ka ng lahat dahil sa pamilyang pinanggalingan mo. At dahil kilala ka, walang kahit na sinong pwedeng magpatumba sayo paibaba. Pero ba't parang okay lang sayo na iniinsulto ka niya araw-araw, minu-minuto, at sa bawat kilos mo? Asan na yung Mr. Ong na anak ng mga politiko? Na masyadong pinapahalagahan ang sariling pangalan? Mananatili ka bang ganyan? Hahayaan mo lang ba na ipahiya ka niya sa harap ng mga kaibigan mo? Kumilos ka na, kung ayaw mo pati yang pinakamamahal mong reputasyon, sirain niya ng tuluyan.”
BINABASA MO ANG
THE KILLER WRITER (COMPLETED SHORT STORY)
Mystery / ThrillerONCE YOU OPEN THE PAGE, YOUR LIFE WILL JUST CLOCK AT 24 HOURS! BE CAREFUL, THE WRITER'S NOW HOLDING YOUR BREATH! IF YOU'LL READ, YOU'LL DIE!