_________“SO YOU MEAN, all this time kasama natin ang totoong killer ni Sales?” Di makapaniwalang tanong ni Gold.
Tumango lang si Sammy bilang sagot.
“O baka naman kasabwat ka ni Alorie?” Tanong naman ni Silver na halatang hindi kumbinsido sa mga inamin ni Sammy. “Diba magkasama kayong dalawa ni Alorie nung gabing yun? Imposible namang wala kang ginawa nun, baka kase partners in crime kayong dalawa?”
“No, I didn’t do anything to her. Hindi ko siya pinatay!” Pasigaw na sagot ni Sammy bilang depensa sa ibinibintang ni Silver.
Halata sa mukha ni Sammy ang matinding takot at tensyon na kumukulob sa buo nitong pagkatao.
“How dare you betray me again? Kapal ng mukha mong magmalinis sa isang krimen na TAYO ang may gawa!” Boses iyon ni Alorie na nagpatigas sa kanila mula sa kanilang kinatatayuan.
Puno ng dugo ang buong katawan at mukha ni Alorie habang hila-hila nito ang duguang pala na malamang ay ginamit nito sa pagpatay kay Tristan. Halata na rin sa mukha ng dalaga ang matinding pagod at kawalang pag-asa.
“You and I did that to Sales, remember? How could you abandoned me Sammy, I thought we’re best friends? That night, you promised me that you won’t tell anyone about that night until your last breath, but why telling them now? Ni hindi ko pa nga kinukuha yang hininga mo, kumati na agad yang dila mo?” Saad ng dalaga habang pinapatay na sa tingin niya si Sammy na ngayon ay hindi na namamalayang umiihi na sa sariling pantalon sa sobrang takot.
Samantala, nakahanap ng paraan si Silver para lapitan ang kapatid saka bumulong rito ng hindi napapansin ng iba pa nilang mga kasama.
“Umalis ka na, tumakas ka at humanap ka agad ng tulong.” Bulong niya kay Gold.
“Pero kuya, paano ka? Dapat sabay tayong umalis dito.” Pabulong ring sagot nito.
“Kung aalis tayong dalawa, mahahalata agad ng mga yan ang pagkawala ng presensya natin. Baka kung ano pang gawin ng mga mamamatay-tao na yan sa atin. Pero kung ikaw lang ang aalis, siguradong matatagalan pa bago nila mahahalata yun, at kung mangyari man yun, sigurado akong nakalayo at nakahanap ka na ng tulong.”
Di na nagsalita si Gold at sinunod na lamang niya ang sinabi ng kapatid. Umalis siya habang sinisiguradong hindi siya nakakalikha ng kahit na anong ingay.
Nagpatuloy ang sagutan ni Sammy at Alorie habang nakatuon naman ang buong atensyon ni Silver sa kanila na para bang binabasa at inaanalisa nito ang bawat galaw at salitang lumalabas sa kanilang mga labi.
Nung akmang hahampasin na ni Alorie si Sammy gamit ang pala na dala-dala nito, nagawa namang umiwas agad ng dalaga saka agad tumakbo sa likod ni Silver para tumago.
“Help me Silver, help me!” Ani ni Sammy habang hawak-hawak niya ang magkabilang likod na balikat ng binata.
Panay naman ang pagpupumiglas ni Silver na para bang wala siyang balak tulungan ito at wala siyang pakialam sa kung anong gagawin ni Alorie dito. Dahil sa pagpupumiglas ni Silver, di sinasadyang nahulog ang kaniyang cellphone ng hindi niya namamalayan.
Nakita naman ito ni Alorie, bigla siyang nakaramdam na kakaiba sa cellphone na iyon na mas nagpa-interes pa sa kaniya dito. Kaya agad niya itong pinulot at binuksan saka nakita doon ang kung ano na nagpalinaw sa kaniya sa lahat.
“Ikaw?” Ani niya na nagpatigil sa pagpupumiglas ng dalawa.
Agad tumuon ang mata ni Silver sa bagay na hawak-hawak ni Alorie, pero nanatili lang ang walang emosyon nitong mukha.
“All this time, ikaw lang pala ang nakikipaglaro sa amin?” Saad muli ni Alorie habang malaki ang mga matang nakatitig sa binata.
“What do you mean?” Tanong naman ni Sammy dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan.
“That guy!” //Sabay turo kay Silver.// “Siya ang nagpapanggap na multong Sales para takutin tayo at para isipin nating lahat na ghost thing ang nangyayari sa atin.” Sagot ni Alorie sa tanong ni Sammy.
“Is this true, Silver? Ikaw ba talaga ang may pakana ng mga ito?” Di makapaniwalang tanong ni Sammy.
Hindi umimik si Silver dahilan para isipin nilang oo ang sagot nito.
“But why, we’re friends for a very long time. Ba’t mo ginawa ‘to?” Tanong naman ni Alorie.
“Ni kahit minsan wala akong tinuring na kaibigan sa kahit na isa sa inyo!” Pag-aamin ni Silver.
Isang malakas na sampal agad ang ibinigay ni Sammy sa binata pagkatapos marinig ang mga salitang iyon.
“How could you do this to us? We treated you as a bestfriend!”
“A bestfriend? Kung ganon, dapat pala ihanda ko na ang sarili kong mamatay kase ganon naman ang ginagawa nyo sa mga kaibigan nyo, diba?” Sarkastikong sabi ni Silver na nagpatahimik sa dalawa.
“I planned all this things back then a week before the planning of our vacation here in our province. I thought that this was the very perfect time to execute all my plans for almost a decade now. How could be so ridiculous for all of you thinking that my rest house is a big haunted house? // Sabay tawa pa habang inaalala ang mga nangyari.// I really love the way your bodies trembling so much as if you’re afraid that a simple ghost was taking her revenge against all of you. Masarap ba sa pakiramdam kapag inuusig kayo ng sarili nyong mga konsensya?”
“Fūck that conscience, Silver. Fuck you!” Sigaw ni Alorie habang umuusok na ang ilong sa sobrang galit.
“I think I know why you’re doing this.” Singit na sabi naman ni Sammy dahilan para sa kaniya naman mapunta ang atensyon ng dalawa.
“I also think I know who you really are, Silver Vallejo. The son of the former principal of New Hope High School. The one who helped Sales to remain in the school, the one who became her secret friend. The one who I think fell deeply in love with her. The reason why you’re doing this because you want to give her justice, you want to take the revenge against the people who hurts her. Am I right?” Saad ni Sammy na para bang ngayon lang niya napagtanto ang lahat ng dahilan nito.
“When she died, I promised in front of her grave. I will chase after the people who are involved to this. I will make them pay and I will make sure that they will feel the way Precious felt before her breath cut off.”
“At ngayon, dahil alam ko na ang buong katotohanan, kilala ko na rin ang totoong kriminal. Sisiguraduhin kong magbabayad kayo, matatanggap nyo ang parusa ng batas ng tao at mabubulok kayo sa bilangguan. At sa kulungan na yun, dun din kayo mamamatay at pagkatapos, parusa naman sa batas ng Diyos ang matatanggap nyo!” Galit na saad ni Silver saka umakma ng umalis papalayo sa dalawa.
“As if we will let you do that?” Saad ni Alorie na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.
Namuo ang ilang segundong katahimikan..
“Like what we said earlier, we treated you as a friend. Therefore, ready yourself to die because that’s how we treat our friends.” Pagpapatuloy ni Alorie.
“Hindi namin hahayaang makatakas ka pa, hindi kami papayag na sirain mo ang pangalan at buhay namin. Lahat ng nalaman mo ngayon, dadalhin mo ang lahat ng yan sa kabilang buhay.
Nanatiling nakatalikod si Silver at hindi tinangkang humarap sa gawi nila hanggang sa maramdaman niya ang napakalakas na hampas na nagpadilim sa buong paligid niya.
“Go follow your beloved Precious.”
BINABASA MO ANG
THE KILLER WRITER (COMPLETED SHORT STORY)
Misterio / SuspensoONCE YOU OPEN THE PAGE, YOUR LIFE WILL JUST CLOCK AT 24 HOURS! BE CAREFUL, THE WRITER'S NOW HOLDING YOUR BREATH! IF YOU'LL READ, YOU'LL DIE!