Natapos ang haponan naming tatlo ng hindi nagkikibuan, lahat kami ay tahimik lang. Kaya napag desisyunan ko na lumabas at pumunta sa duyan.
Paglabas ko ay agad akong napayakap sa sarili ko, naglakad ako patunngo sa puno ng manga kung nasasaan ang duyan. Umupo ako at pinagmasdan ang kapaligiran, ang madalim na langit na punong puno ng butuin, ang mga huni ng kulig-lig na nag bibigay ingay sa paligid.
Habang nag duduyan ako ay bilang umihip ang malakas na hangin, dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.
“Namatay na si ama” sabi ng kung sino.
Agad akong napahawak sa dibdib ko ng makita ko si Nicolasa sa tabi ko.
“Ginulat mo naman ako.” Sabi ko sa kanya.
“Nalalapit na ang oras ko Nicolai” malugkot na ani niya
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.“Anong oras ang sinasabi mo?” takang tanong ko sa kanya.
“Nalalapit na ang nakatakdang oras na ibinigay sa akin ni Segundo.” Malungkot na ani niya.
Napatingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka, habang siya naman ay nakatingin lang sa malayo at dinadama ang hangin ng palayan.
“Si Segundo… ang taga pag balanse ng oras ng buhay at ng patay.” Paliwanag nya.
“O tapos?”
“Bago kita ibalik dito ay binigyan niya ako ng oras, papaubos na ang buhangin sa loob ng sisidlan ko. Ibig sabihin non maliligaw lang ang kaluluwa ko. Hindi ako makakatawid kung may naiwan akong hindi na resolba sa panahong ito. Na matay ako ng walang hustisya, kaya’t hindi ako pinapasok sa tawiran ng mga kaluluwa.”
“Eh anong gagawin ko?” tanong ko.
“Bukas na mauubos ang buhangin sa sisidlan. At hanggang ngayon ay hindi mo pa alam kung sino ang tunay na may ibig na ipapatay ako.” Malungkot na sa niya.
“Alam ko na… si Cassandra ang may ibig na ipapatay ka.” Agarang sagot ko , ngunit umiling siya.
“Hindi si Cassandra ang tunay na gusto na ipapatay ako, isa sa pinagkakatiwalaan mong tao ang gustong magpapatay sakin.” Makahulugang sabi niya.
“Kung ganon sino?”
“Hindi ko maaring sabihin sayo, dahil parte iyon ng kontratang pinirmahan ko bago kita isabak sa misyon mo. Nais man kitang tulungan ngunit sa ibang paraan lamang, hindi kita matutulungan pag dating sa kaso ko. At isa pa ako ang tumayong hukom sap ag lilitis sayo.”
“Salamat at naisipan mo yun. Nicolasa—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may tumawag sa pangalan ko.
“Nicola!” tawag ni Gloria.
Napatingin ako kay Nicolasa, pero wala na siya.Dumating si Gloria at tumingin sa paligid.
“Sinong kinakausap mo?” takang tanong niya.
“Ang mga bato??” takang palusot ko.
‘Ito na ata ang pinakbobong dahilan na nasabi ko.’
“Ano nga pala ang ginagawa mo rito?” walang emosyong tanong ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
“Patawarin mo ako sa panghuhusga ko sa iyo, patawarin moa ko sa lahat ng kasalanan ko sayo.” sensirong sambit niya.
“Alam mo Gloria, sa totoo lang nasaktan ako sa mga sinabi mo, parang ipinaramdam mo sa akin na hindi moa ko ka ano ano, ipinaramdam mo sakin na hindi moa ko kapatid. Sab inga nila masakit ang mag paubaya, pero mahirap magpatawad. Bigyan mo lang siguro akong ilang araw para mapatawad kita.” magaaan sa loob na sambit ko.
BINABASA MO ANG
A Chance To Love Again
Historical FictionNicolai Dee. Ang bitter na slash basher Ng sinaunang panahon , na walang pag papahalaga sa kasaysayan at walang pake Alam sa ginawa Ng ating mga bayani upang mailigtas. Ang pilipinas Mula sa pananakop Ng kastilla. Pero Lahat Ng Ito ay lubos n...