Kabanata 29

120 9 0
                                    

A Chance to Love Again Written by Nicollyte

Maaga akong natulog kanina para magising ako ngayong alas onse.
Sabi ni Leonardo ay magkikita daw kami mamayang alasdose , hindi ko alam kung ano ang plano nya at trip nyang gumising ng alasdose ng hating gabi.

Nakapag ayos na nga ako ngayon.Naka suot ako ng pulang barot saya , nag dala din ako ng belo at bakasakaling lamigin ako.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto an , nang makalabas na ako ay dali dali ko itong sinarado , nag hinay hinay ako pababa sa hagdan para hindi makalikha ng ano mang tunong.

Isang buwan na ako nililigawan ni Leonardo , bawat araw na dumaraan ay mas lalo niyang pinapatunayan na seryoso nga siya sa nararamdaman niya. At halos isang buwan na rin na walang nangyayaring kababalaghan sa buhay ko dito sa panahong to.

Nung nakaraang linggo ay may ibinigay sa aking impormasyon ang ispiya ko sa kampo nila ni Cassandra , ang sabi niya ay meron daw isang tao na palaging pumupunta nitong mga nakaraang araw kila Cassandra , hindi niya daw matukoy kung sino ito , dahil hindi daw nagpapakita ng mukha palagi daw itong may takip sa mukha kaya hindi niya nakikita, at tsaka mukhang naghihinila na daw sila ni Cassandra sa mga galaw niya , kaya pinatigil ko muna siya sa pag iispiya.

Ngayon ang usapan naming na mag bibigay siya ng panibagong impormasyon pero hindi siya sumipot sa likod ng hardin kanina.Nag tataka ako at kinakabahan na baka na buking na siya , pero wag naman sana.

Pababa na ako sa huling baitan ng hagdan nang may napansin akong lumabas sa pintoan.

Anong ginagawa ni Josefa sa ganitong oras ng gabi?’’

Hindi ko na lang pinansin at baka namamalik mata lang ako.

Lumabas na ako ng tuloyan sa mansion.

Tumakbo ako papunta sa kwadra ng mga kabayo kung saan nag hihintay si Mang Berting para ipahiram ang isang kabayo na sasakyan ko.

Pagkarating ko ay nakita ko siya na may hawak na lampara at sininyas na dali an ko raw at baka mapansin kami ng mga nag roronda na mga gwardia civil.

Pinadaan niya ako sa sekretong lagusan ,  na kung saan ay deritso ito palabas sa labas ng hacienda at papunta ito sa burol kung saan kami mag kikita ni Leonardo.

Salamat ho Mang Berting” nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

Walang ano man ho binibini, basta’t nag mamahalan kayo ng tunay ay walang makakahadlang sa inyo , kaya’t sana ay pangalagaan niyo ang isa’t isa.”tugon niya.

Nag simula na akong patakbuhin ang kabayo.Malamig ang simoy ng hangin at ang daming bituin ngayon na makikita sa langit.Tanging huni lamang ng mga kwago at iba pang mga insecto ang maririnig sa paligid.

Tama nga si Mang Berting deritso ito sa tagpuan namin ni Leonardo.

Pagkarating ko ay agad akong bumaba at itinali ang kabayo sa gilid ng puno , mukhang masaya naman ito sa pag kain ng damo.

Tanging liwanag lamang ng buwan ang nag sisilbing liwanag sa kalangitan , at ang mga munting butuin na nakamasid sa amin.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang bwat hampas ng alon sa dalampasigan, madilim ang paligid kaya’t hindi ko nakikita ang ganda ng paligid.

Sa di kalayuan ay may narinig akong tunog ng gitara.Pakyat ng pa akyat ako hanggang sa marating ko ang tuktok ng burol . Ngayon ay kitang kita ang ganda ng paligid .

Nakatayo ako dito sa toktok ng bundok at nakikita ko ngayon ang karagatan , parang dulo na ito ng mansion . Agad nanawala ang mga ngiti ko sa labi ng mapagtanto kung nasaan ako.

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon