Kabanata 30

125 9 2
                                    

A Chance To Love Again written by Nicollyte

Isang linggo nanaman ang lumipas , at nandito parin ako sa panahong to.

Sa totoo lang parang ayoko nang umalis pa dito , pero sa twing maiisip ko ang pamilya ko sa modernong panahon , ay nalulungkot ako.

Hindi dahil ayoko ng bumalik pa doon , kundi iniisip ko din na.Kung aalis ako sa panahong to, paano na ang mga taong napamahal sa akin , inaamin ko na unang punta ko dito ay aarte -arte pako , pero nang masaksihan ko kung ano ang klase ng buhay na meron sila sa panahong to ay natutunan kong  mag pahalaga ng ating kasay sayan.Natutunan kong pahalagahan ang mga bagay bagay na dati ay binabalewala at sinasayang ko lang .

Dahil sa sumpang to , natutu ako, natutunan ko ang leksyon ko na dapat ay pinapahalagan at hindi ko lang  binalewala noon. Dahil dito nakita ko na, kapag mahirap ka ang dali dali mo lang apak apakan ng mas matataas at mas angat kesa sa buhay niyo , madali lang kayong kutya kutyain ng kapwa niyo ,  kung gaano ka baba ang istado ng buhay niyo ay ganon din kababa ang tingin nila sayo.

Sa panahong to , wala kang kalyaang pumili ng taong papakasalan mo , dahil lahat ay naka plano at disesyon ng mga magulang mo ang masusunod. At sa panahong to , hindi ka pwedeng mag asawa ng nabibilang sa mababang uri , dahil para sa kanila isa itong kahihiyan sa pamilya niyo.

Andito ako ngayon sa may ilalim ng puno ng manga habang nag duduyan, pinag mamasdan ko ngayon ang mga tala sa langit na sadyang kay nining. Habang nag lilibot ako kanina sa buong bahay ay nakita ko tong duyan  sa likod na bahagi , kaya ngayon dito ako tumambay.

Malamig ang simoy ng hangin , at tanging huni ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid.

Habang nag mumuni muni ako ay may hindi inaasang bisita.
Lumabas mula sa dilim ang ang isang babae na matagal na akong hindi kinakausap.

“Nicola… maari ba kitang makausap?” mahinang tanong niya , habang ang dalawang kamay ay nasa likuran niya.

Tumango naman ako at umusog ng kaunti at inalok siya na umupo sa tabi ko dito sa duyan.

Umupo siya at bahagyang pinahid pa niya ang kamay niya sa kanyang saya.

Nicola…pa-pasensya kana.” Nahihiyang ani niya.

Tumingin naman ako sa kanya ng seryoso.

Ano ka ba…naiintindihan kita , alam ko na kaya mol ang nasabi ang mga salitang iyon ay dahil na dala ka lamang ng iyong damdamin , at tsaka hindi ko rin sinasadya na sumagot sagot sa iyo.’’ Malumanay na ani ko sa kanya.

Naiiyak naman siyang tumingin sa  akin tsaka ako yinakap.

Sadyang napakabuti mo talaga Nicola , hindi ko alam kung paano mo parin ako nagagawang patawarin sa gitna ng aking ginwa sa iyo.” Naiiyak na ani pa niya.

Parang may side sakin na , na plaplastikan sa ginagawa ni Gloria , parang hindi maganda  ang pakiramdam ko  sa ipinapakita niya. Parang may kung anong nag sasabi na peke lang ang ginagawa niya , para siyang isang mani na hindi pa nabubuksan sa balat na kung saan makikita mo talaga kung ano ang tunay.

Hindi naman sa pinaghihinalaan ko siya , pero parang hindi na ako komportable sa presensya niya .

Pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa amin.
Kumalas na siya sap ag kakayakap niya sa akin at hinawakan ako sa mag kabilang balikat.

Ipagpatawad mo sana ang aking inasal sa iyo aking kapatid , sadyang na apektohan lang talaga ako ng pagkawala ni Leo.” Nakangiting ani niya.

Nag tataka na ako sa mga ikinikilos ni Gloria nitong mga nakaraang araw , ganon din si Josefa , sat wing umaalis si Gloria ay umaalis din ito . Minsan tinanong ko si Leon kung magkasama sila ni Josefa , ngunit ang sabi niya ay hindi raw niya ito nakikita simula pa nung linggo . Kaya nakakapagtaka lang talaga ang kilos nitong dalawa.

Ngumiti ako ng peke at yinakap siya ulit.Hinagod hagod ko pa ang likod niya tsaka siya inirapan ng patago.

Hindi ko din sinasadya ang aking nasabi sa  iyo ate ‘Gloria’ “ plastic na sabi ko .

Sige lang self makipagplastikan ka sa ate mong chacka’

Kumalas na siya sa pagkakayakap ko sa kanya , at umupo ng maayos.Tumingin siya sa ektaektaryang palayan na ngayon ay punong puno na ng nag iilawan na mga alitaptap.

“Ano nga pala ang ginagawa mo ditosa labas?” panimula niya.

Tumatakbo … biro lang  , ito nag iisip – isip kung ano kaya ang mangyayari kinabukasan.’’  Ani ko .

Tumango tango naman siya.
Ilang minute din kaming natahimik dalawa bago siya ulit mag salita.

Nag kita na ba kayo ni Ginoong Leonardo.?” bahagyang tanong niya.

Dahil sa tanong niya ay automatikong napatingin ako sa kanya.

“Hindi pa, bakit?” kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan , kasabay non ang paninikip ng dibdib ko ,na para akong nasasaktan.

Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka.

“Hindi ba’t ikaw ang kanyang nobya?” takang tanong niya.
Agad naman akong namula sa tinanong niya.

“Hindi pa…pero bukas ay sasagotin ko na siya.” Kinikilig na naiusal ko.

Napailing -iling naman siya at bumuntong hininga.

Kasi kahapon , habang namimili ako ng alahas ay hindi ko sinasadyang makita silang dalawa.” Biglang sabi nya.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

Si-sinong sila?” kinakabahang tanong ko , kahit sa loob loob ko ay nasasaktan na ako at mukhang may ideya na ako kung sino ang tinutukoy ni Gloria.

Si Cassandra , nakita ko kasi silang dalawa na magkasama sa bayan habang masayang namamasyal at kumakain.”

Nakangiting pag kukuwento pa niya.
Parang gusto kong magalit dahil sa nalaman ko , pero agad ko ring naisip na ano ba ang karapatan ko eh nililigawan lang naman ako hindi ba?, tsaka sabi ni Leonardo ako ang mahal niya at handa daw siyang maghintay hanggang sa kabilang buhay sagutin ko lang siya.

At tsaka alam mo Nicola , nagulat nga ako sa nasaksihan ko dahil nagyakap silang dalawa , hindi ba’t kasintahan lamang ang gumagawa ng ganon?” inosenteng sabi ni Gloria.

Pero sa loob loob ko ay halos sumabog na ako sa galit , hindi dahil sa nalaman ko , kundi dahil parang sinasadya niya talagang ipamukha sa akin na mas lamang si Cassandra sa puso ni Leonardo.

Hindi ko na talag mapigilan ang pag kainis ko kaya nag salita na ako.

Nananadya ka ba?” seryosong tanong ko.

Gulat naman siyang napatingin sa akin.

“A-alin?” kunwaring naguguluhang tanong niya.

“Talagang ipinapamukha mo talaga sa akin na parang mas matimbang si Cassandra sa puso ni Leonardo kesa sa akin.?” Tanong ko ulit.

“H-hindi hindi hindi hindi , hindi ganon ang ibig kong sabihin ,  ikini kwento ko lamang sa iyo ang aking nasaksihan , para naman may alam ka , at para hindi ka mag mukhang hangal.”  Parang naawang ani niya.

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong magalit sa ginagawa niya.

Hindi ko naman kasi sinabi na mag kwento ka..nag kusa kang mag kwento ng hindi man lang ako tinatanong kung interisado ako sa ikinukwento mo , at isa pa , hindi ako hangal . Dahil kung tutuusin … sa ating dalawa ikaw ang hangal , dahil dada ka ng dada kahit wala namang interisadong makikinig sa mga sinasabi mo.Kaya kung iyong mamarapatin , ako’y aalis na bago pa lumala ang ating pag sasagutan.” Malumanay na sabi ko na may halong ka plastikan.Ngumiti ako sa kanya.

Nakita ko pa na napapikit siya sa inis dahil sa ginawa ko.

“Let the game BEGIN”

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon