Kabanata 40

102 9 1
                                    


Kinaumagahan…

“Hali na  kayo! Bilisan niyo na at maaga pa aalis ang barko.” Sigaw ni Madam Roswela mula sa labas ng kwarto.

Dali dali ko isinilid  ang mga damit ko sa bagahe  at hindiako magkanda ugaga sap ag silid nito.

“Hali ka na Nicola! Bilisan mo riyan.” Sabi ni Josefa at lumabas na.

Ngayon kasi kami uuwi sa San Agustin,  at  wala na kaming klase sa mga susunod na lingo.

Dali-dali akong  lumabas sa kwarto at patakbong bumaba sa hagdan.

“Andito na ako” agad na sabi ko.

“Bakit ang tagal mo?” takang tanong sakin  Gloria.

“Nahirapan lang ako sa pag silid ng mga bagahe” tugon ko.

Weh? Sure ka diyan sa palusot mo Nicolai? Parang hindi eh no?’

Ang totoo talaga ay lutang ako kakaisip kay Leonardo. Bumabalik nanaman ang sakit ko na kinakausap ko sarili ko, sariling tanong sariling sagot.

“Nicola!”sigaw ni Gloria.
Gulat naman ako na napatingin sa kanya.

“Kanina ka pa nakatulala riyan, ano hindi ka uuwi?” medyo inis na tanong niya.

Dali dali naman akong sumunod palabas , isinarado niya na ang  pintuan at kinandado iyon.

Nasa labas na nag aantay ang dalawang kalesa na sasakyan namin patungong daungan.
Sumakay na si Gloria sa kabilang kalesa na kung saan ay magkasama sila ni Josefa.

At sumakay na rin ako sa isang kalesa na kung saan ay mag katabi kami ni Madam Roswela.
Pag upo ko ay sinalubong ko ang seryosong tingin niya.

“Anong nangyari sa iyo? Bakit mukhangmatamlay ka?” seryosong tanong niya.

Nag simula ng umandar ang kalesa. Hindi ko siya sinagot sa halip na sagotin siya ay itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana.

“Tinatanong kita” ma owtiridad na ani niya, kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

Walang gana ko siyang tinignan.
“Wala ho ito, kulang lang ako sa tulog” tamad na sagot ko.

Tinignan niya lang ako at itinuon ang mga paningin niya sa ibang direksyon.

Tahimik lang kaming bumyahe hanggang sa nakarating kami sa daungan.

Ang totoo niyan ay napuyat ako kakaisip kong ano ang paliwanag ni Leonardo, ilang araw akong nag hintay ngpaliwanag niya pero wala.

Araw araw niyang sinusundo si Cassandra sa kumbento, ang iba naming kaklase ay kinukutya ako, na mukhang si Cassandra parin daw ang reyna kaya iniwan na ako ni Leonardo. Pero sa halip na pansinin ang mga sinasabi nila ay isinawalang bahala ko na lang iyon.

Masyadong malaki ang tiwala ko sa pagmamahal ni Leonardo. At kung talagang  si Cassandra parin ang reyna ay dapat naki paghiwalay na siya sakin, pero wala  eh.Kaya hindi ako dapatmangamba, hangga't kami pa ay may pag asa pa.

Hindi ko namalayan nanakapasok na pala kami sa kwarto namin sa barko. Inilapag ko na mga bagahe ko at humiga sa kama. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulog.

Halos gabi gabi ako umiiyak dahil sa ginagawa ni Leonardo. Minsan iniisip ko na mukha akong tanga sap ag titiwala sa kanya, minsan ko na rin natanong ang sarili ko kung bakit ganito ganyan. Ano ba ang kulang, anong meron siya na wala ako. Halos lahat ikinukumpara ko ang sarili ko. Para lang malaman kung ano  mali ko.

“Nicola…” bahagyang  tawag sakin.
Bahagya akong nakaramdam na merong gumigising sakin, kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na sinalubong ng mga mata ko si Gloria.

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon