A Chance to Love Again
Written by NicollyteNakasakay kami ngayon dito sa kalesa , magkasama kami ni Josefa sa iisang kalesa.Habang sila ama at ina naman ay nasa kabila , at si Gloria naman ay kasama si Bruha.
"Josefa!" tawag ko sa kanya , pero di nya ako pinansin , dahil tutuk na tutuk sya sa librong binabasa nya , na ang titulo ay 'NINAY'.
"Josefa!" tawag ko ulit sa kanya, Mabuti naman at tinapunan nya ako ng tingin , pero isang masamang tingin lang ang ipinukol nya sa akin , na nagpapahiwatig na. (Wag kang istorbo nag babasa ako!) kaya tumahimik na lang ako.
'Akala na man nya hindi ko alam kung ano ang Ninay ,na isinulat ni Pedro Paterno ang kaunaunahang nobela na Filipino na isunulat sa wikang Espanyol.'
Dahil bored ako pumikit muna ako .
****
"Ate Nicola gising!" ani ng taong gumigising sa akin , habang yinuyugyug pa ako.
Agad naman akong nagising ,at hindi ko namalayan na huminto na pala ang kalesa na sinasakyan naming.
"Kanina pa kita ginigising...masyado ka atang pagod kaya't nagging malalim ang iyong pag tulog." Napakamot na ani pa ni Josefa.
Agad naman akong bumaba at bahagyang inayos ang aking kasuotan .
Nang mapansin ko kung nasaan kami ay ganon na lamang ang gulat na gumuhit sa aking mukha ng mapagtanto kung nasaan ang pagdiriwang.
'Sa bahay nila Leonardo?pero bakit dito?'
Inilibot ko ang aking paningin hanggang mapadapo ang aking paningin sa mga taong naupo sa isang mahabang lamesa.Ang iba naman ay nasa kabilang mesa habang masayang nag tatawanan.
Napatingin si Donya Pabliya sa amin ni Josefa , kinausap nya muna ang mga kaibigan nyang Donya at tsaka kami nilapitan.
"Hija! Sadyang napakaganda mo talaga!" agad na papuri ni Donya Pabliya at tsaka kami nag beso beso.
"Josefa ! sadyang kay gandang dalaga" papuri naman ng Donya kay Josefa,ngumiti naman si Josefa at tsaka nag mano , syempre nag mano din ako.
"Hali kayo at ipapakilala ko kayo sa aming mga bisita" magiliw na ani ng Donya.
Nagkatinginan pa kami ni Josefa at tsaka sumunod sa kanya , nakita kopang tinawag ng Donya si Gloria at pinagtabi tabi kaming tatlo.
Ngayon ay nakatayo na kaming tatlo sa gitna , agad naman naming na agaw ang atensyon ng lahat.Nag salita ang Donya kaya tumahimik ang lahat.
"Magandang gabi mga amigo at amiga." Bati nya sa mga bisita.
"Magandang gabi din sa iyo" bati naming lahat.
"Ngayong gabi ay hindi lamang kaarawan ang ating ipagdiriwang...nakikita nyo ba ang tatlong magagandang binibini na nakatayo sa inyong harapan...nais ko lang ipaalam sa inyo na sila ang ibig kong maging asawa ng aking mga anak." Nakangiting anunsyo ng Donya.
Para naman akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ang anunsyo ng Donya.
"Asawa??......i-ibig sa-sabihin ako ikakasal sa isang Agustin?"
Lahat ng tao ay nag palakpakan , napatingin ako kila Gloria at Josefa na ngayon ay nagulat din sa nangyari.
Napatingin ako kila ama at ina na ngayon ay naluluha habang tinitingnan kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
A Chance To Love Again
Historical FictionNicolai Dee. Ang bitter na slash basher Ng sinaunang panahon , na walang pag papahalaga sa kasaysayan at walang pake Alam sa ginawa Ng ating mga bayani upang mailigtas. Ang pilipinas Mula sa pananakop Ng kastilla. Pero Lahat Ng Ito ay lubos n...