"Delaney! Calm down!" Pagpapakalma namin sa kan'ya. Nagpupumiglas s'ya ngayon at kita sa mga mata nito ang galit para sa babae.
Kahit ako ay naiinis rin sa ganong ugali. Parang kung sino kasi, porque queen bee lang, may karapatan na kaagad na ganun-ganunin ang mga kaschool-mate niya?!
Agad namang may lumapit na teacher sa mga nagtutumpukang kabataan at kasama ang SSG president nila na may bitbit na cellophane.
"Ano ba naman kayo?! Pwede bang huwag muna kayo mag-away kahit ngayon lang?! Foundation day ngayon at andito ang may ari ng school! Hindi ba kayo nahiya?! Ikaw Margaux darating yung pinsan mo dito tapos makikipag-away ka pa talaga? Gusto mo bang mapatalsik sa school, huh?! Tell me!" Galit na sigaw ng isang guro habang hinaharap ang babaeng nagngangalang Marguax.
Napatungo naman ang mga estudyanteng nakarinig ng sigaw ng guro, habang si Marguax naman ay diretcho lang ang tingin sa teacher na sumigaw. Halatang hindi takot sa banta ng guro.
"Ma'am, sorry po." Rinig kong salita ng babaeng nerd na nasa likod nung lalake.
Rinig na rinig namin ito dahil walang gustong magsalita sa kanila kapwa takot silang lahat sa pagsigaw ng teacher.
"Ma'am sorry again, for the attitude of my fellow schoolmates."Boses ng SSG President na ngayon ay nasa harap na namin at may bitbit na cellophane. Napakunot naman ang noo ko, andito agad s'ya? Papano n''ya y'on ginawa? Eh kanina naman, nandoon pa lang sya sa green field, tapos ngayon nasa harap na agad namin sya? Wow, magic!
"Tsk." Irap ni Delaney.
"Sino ba yung malditang bata na yun?!" Singhal ni Valkyrie at mukhang nag titimpi lang.
Oo, sino kaya 'yon? Ang lakas ng loob na magreyna-reynahan, eh hindi naman sya kabilang sa Nobel Family! Hindi naman sya anak ni Queen Elizabeth or apo ng kung sinong hari o reyna.
"Sya po si Marguax Dela Martin pamangkin po ni Mayor." Simpleng sagot ng kaharap namin.
Sa hindi malaman na dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at ramdam na ramdam ko ito. Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. Pamangkin s'ya ng Mayor? S'ya yung pamangkin ng Mayor?
"Marguax? Pamangkin ng mayor?" Pag uulit ko, kahit na sobrang linaw na nang pagkakasabi nya.
"Opo Ma'am pamangkin po ng Mayor ng Zamboanga." Pag-uulit na sagot ng babae sa amin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Huli kong kita kay Margaux ay grade eight pa lamang s'ya at batang bata pa no'n, pero ngayon dalagang-dalaga na sya at mas lalong gumanda.
Napalingon naman sa akin ang mga kaibigan ko at kitang-kita sa mga mata nila na nag-aalala sila para sa akin.
"Ay mga Ma'am," Tumawa ang babae. "Sandwich po, tiyaka soft drinks." Usal ng dalaga sabay abot sa amin ng cellophane na dala nya kanina.
Kita ko sa puwesto ko na nagsasalita si Marguax at naka pemawang pa ito sa kausap n'ya. Gusto kong marinig ang mga pinagsasabi n'ya kaso masyado naman itong mahina sa pwesto namin. Ang tangi lamang naming naririnig ay ang kaluskos ng mga bangko na gawa ng mga estyudante na nasa harapan. Pilit kasi nilang pinapaharap ang mga bangko nila sa green field.
Agad naming kinuha ang cellophane mula sa babae. Ako ang nauna kaya ako ang naunang makakuha ng sandwich. Sandwich lang yung kinuha ko, pero yung softdrink, hindi na.
"Kaya pala ang lakas ng loob, may kapit pala yang bata na 'yan." Ani ni Yvette.
"Cam, diba kilala mo 'yan?" Tanong ni Sydney habang nililingon ako.
Napahinto naman ako sa pagkain, at napalingon sa kaniya. Pagharap ko kay Sydney kaagad kong nakita na napahinto ang mga kaibigan ko sa pagkain lalong-lalo na si Sydney. Dali-dali naman nitong tinakpan ang bibig gamit ang kaniyang dalawang palad.
BINABASA MO ANG
If We Meet Again (Rich Girls Series #1)
RomanceCamari Farah Segovia-the heiress of their company. She loves modeling, and her only dream was to be notice by her favorite luxury brand, the Dulce and Gabbana luxury fashion house. And when her dream came true, her Mother suddenly called her, and to...