CHAPTER 32

2K 62 6
                                    

"Hey Camari!" Sigaw ni Sergie habang hinahabol ako sa loob ng bahay namin. Dire-diretcho lamang naman ang lakad ko habang pinipigilan ang sarili na umiyak.

Bahala s'ya sa buhay n'ya. Galit ako, galit na galit.

Nakita ko namang napahinto ang mga kasamabahay namin at napatingin sa amin nina Sergie habang hinahabol n'ya ako. Kung makatingin naman sila para kaming pelikula na kaaabang-abang.

"Camari, Sergie? What's happening here?" Tanong ni Mommy habang pababa ng hagdanan.

Hindi ko naman s'ya pinansin, dire-diretcho lang ang lakad ko papaakyat ng hagdanan. Nang nasa tapat na ako ni Mommy ay hinawakan n'ya ang braso ko para mapahinto ako sa paglalakad, pero hinawi ko ito at pinagpatuloy ang pag-akyat.

"Camari! Bumaba ka d'yan, ano bang nangyayari? Bakit ka nagmamadali?" Tanong ulit ni Mommy pero hindi ko ulit ito sinagot.

Nang nasa loob na ako ng kuwarto, kaagad kong sinerado nang pabaksak ang pintuan at pagkatapos nito ay nagdive na ako sa kama ko.

Akala ko ba pinatawad ko na sila, pero bakit ngayon, nasasaktan pa rin ako? Bakit parang ang sakit pa ring isipin? Siguro dahil na rin sa mga rebelasyon na nangyari ngayon araw. Hindi ko naman kasi inaakala na ang Athena na ex ni Sergie, ang Athena na palaging kwini-kwento sa akin ni Miranda at ang Athena na sumira sa pagkakaibigan namin ay iisa lang pala.

Nakakatawa.

Tapos nagsinungaling pa sina Miranda at Sergie sa akin na hindi daw nila kilala ang isa't isa, na ngayon lang daw nila nakita ang isa't isa. Ang sakit lang, eh. Maiintindihan ko naman pero bakit pa kailangang magsinungaling?

Naiintindihan ko naman ang dahilan ni Sergie na ayaw n'ya akong masaktan at ayaw n'yang masira kami nang dahil dito, pero sa tingin ba n'ya hindi ako nasaktan sa ginawa n'ya? Kung sinabi n'ya sa akin kahapon na magkakilala pala sila ni Miranda, edi sana hindi ganito kalala ang nararamdaman ko ngayon. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mga nalaman ko ngayong araw.

At tiyaka, kung talagang nakamoved on na si Sergie sa ex n'ya bakit pa n'ya ito kailangang itago sa akin? Kasi dahil d'yan sa ginawa n'ya, para na rin n'yang sinabi na mahal pa rin n'ya ang ex n'ya.

Napabaling naman ako sa may pintuan. Narinig ko kasi itong bumukas at iniluha nito si Miranda na takot na takot. Namumutla s'ya ngayon at hindi mapakali sa kinatatayuan. Napalingon naman ako sa likod n'ya at nakita ko ang ulo ni Sergie na nakasilip ng bahagya at nang makita n'ya ba nasa kaniya ang buong atensyon ko kaagad n'yang inalis ang ulo n'ya doon.

"Camari." Pagsasalita ni Miranda sabay serado ng pinto. Napalingon ulit ako sa kaniya ngunit saglit lamang ito.

Hindi ko alam kung makikinig pa ba ako sa kan'ya, sa ekplanasyon n'ya kasi ang nagsinungaling na s'ya sa akin, binigyan na n'ya ako ng dahilan para hindi na makinig sa kan'ya. She's not a liar, but she did lie to me. Ang sakit.

"I'm sorry..." Mahina nitong saad at dahan-dahan na umupo sa hamba ng kama, naramdaman ko namang medyo bumama ang foam mattress.

Narinig ko 'yon pero hindi pa rin ako nagsalita. Nanatili pa rin akong nakadapa at pinipigilan ang sarili na mas lalong umiyak. Ayaw kong umiyak lalo ns kapag andito si Miranda.

"I am sorry. I didn't meant to lie, but if lying is the only way to protect you from getting hurt, then I will." Maiyak-iyak nitong saad habang sinusuklay ang buhol ko. Naramdaman ko naman ang paghawi n'ya ng buhok ko hanggang tenga at sinilip ako doon.

Nang marinig ko ang sinabi ni Miranda kumirot ang puso ko. Napabalikwas na ako ng bangon at nilingon s'ya.

"I'm not mad, I'm just disappointed."

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon