CHAPTER 33

2.1K 71 1
                                    

Napabuga ako ng hangin at napalingon kay Sergie na kanina pa hindi mabitaw-bitawan ang cellphone n'ya. Para s'yang may katext o kachat sa cellphone n'ya, nacucurious na tuloy ako.

"Wala ka pa bang balak na magbihis?" Nakapemawang na tanong ko sa kay Sergie.

Hindi ba s'ya aware na ngayon na ang photoshoot na sinabi ko sa kan'ya kahapon?

Tiyaka lamang naman napaangat ng ulo si Sergie nang marinig n'ya ang tanong ko na 'yon. Nakakunot ang kan'yang noo habang pinatitigan ako.

"Huh?" Ito lang ang kan'yang sinabi at pagkatapos ay ibinalik ulit ang mga mata sa cellphone.

"Who are you texting or chatting with and it seems very important?!" Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at napataas na ako ng boses. Sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo kung 'yong kausap mo ay may katext o kachat na iba?

Hindi ako sinagot ni Sergie kaya lumapit na ako sa puwesto n'ya at tumabi na ng upo sa kan'ya. Nang nasa tabi na n'ya ako dali-dali nitong ipinasok sa loob ng bulsa ang cellphone n'ya na s'yang ikinakunot ng noo ko.

"It's about our business, Camari. The sangiovese wine." Nakangiti nitong saad at hinalikan ako sa noo. "Love you."

Hindi ko naman sinagot si Sergie sa huli n'yang sinabi, tinitigan ko lamang ito ng diretcho sa kan'yang mga mata. Gusto kong malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo o nagsisinungaling na naman.

"Saan ba tayo pupunta?" Sergie asked as if he was avoiding our topic.

Napaiwas naman ako ng tingin at natawa nang peke. "So, hindi mo pala ako pinapakinggan?" Pagkatapos ko itong sabihin kaagad na akong tumayo at tinalikuran s'ya

Ayaw kong maghinala at ayaw kong may masabi ako sa kan'ya dahil ayaw ko na mag-away kami nang dahil lang sa hinala kong ito.

"I'm all ears." Malambing na saad ni Sergie at naramdaman kong tumayo na din ito at pagkatapos ay naramdaman ko na lamang na yinayakap na ako nito sa likod. Hindi naman ako nasiyahan sa ginawa n'ya kaya inalis ko ang dalawa n'yang braso na nakapulupot sa akin at kaagad na dumiretcho sa banyo.

"Magbihis ka na rin, ngayon ang photoshoot." Sabi ko bago pumasok ng banyo.

Nang nasa loob na ako ng banyo, kaagad kong pinatitigan ang repleksyon ko sa salamin. Ayaw kong maghinala at mag-isip ng kung anu-ano dahil alam kong ito ang magiging mitya ng away namin. Hanggat kaya ko, iiwasan ko ang maghinala sa kan'ya. Nang tapos na akong linungin ang sarili sa salamin, wala na akong sinayang pa na oras at agad nang nagbihis sa loob ng banyo at pagkatapos nito ay lumabas na.

"Cellphone na naman?!" Singhal na tanong ko at nagsisimula nang kumulo ang dugo ko.

Bahagyang natigilan at napapitlag si Sergie nang marinig ang biglang pagsigaw ko na 'yon at sa pangalawang pagkakataon dali-dali na naman n'yang pinasok ang kan'yang cellphone sa loob ng kan'yang bulsa.

"I'm sorry, babe. Nagkaroon ng emergency sa bahay. My Mom needs me right now. I can't be with you, babe. I'm sorry again." Pagsasalita ni Sergie gamit ang malumanay nitong boses.

Sandaling napaawang ang bibig ko sa narinig pero hindi kalaunan ay natawa na nang peke at napailing.

"May problema ba tayo, Sergie? O may problema ka ba? Hindi ka naman ganito kagabi, ah, pero ngayon para kang aligaga na hindi alam ang gagawin."

"Sorry babe...."

"Sorry? Do you think Avamore Cosmetics will buy that sorry?" Nakakunot pa din ang noo ko pero pinipigilan na ang sarili na tumaas ang boses. Umupo na rin ako sa harap ng salamin.

Nakakainis naman itong si Sergie. Kung hindi pala s'ya puwede ngayon sana kagabi pa n'ya ito sinabi sa akin, hindi 'yong ngayon lang. Nakakahiya sa Avamore Cosmetics, they're all expect that I'm with my fiancee, tapos malalaman nila na ako lang mag-isa ang pupunta sa photoshoot? Nasaan ang professionalism doon?

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon