CHAPTER 37

3.1K 91 8
                                    

Pagpasok ko pa lang ng kotse ni Michael agad kong ibinuhos ang lahat ng iyak ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Oh?! Ngayon, iiyak-iyak ka?!" Natatawa tanong ni Michael sa akin pero alam ko na kahit papano nag-aalala pa rin s'ya para sa akin.

"Nakipaghiwalay na kasi ako sa kan'ya. Nakakapagod na rin kasi." Singhal ko sabay lingon kay Michael na ngayon ay nakatitig din pala sa akin. "Akala ko kasi kaya ko pero hindi pala." Umiiling kong sagot.

Mahal ko si Sergie. Mahal na mahal. Pero nakakapagod rin kasing magparaya. Nakakapagod mag-adjust. Nakakapagod umintindi palagi. 'Yon na lang ang palagi kong ginagawa. Nagpaparaya ako kasi mahal ko s'ya. Iniintindi ko s'ya kasi mahal ko sya. Nagaadjust ako kasi mahal ko sya. Pero ngayon...ako pa ang lumbas na masama at selfish. I'm a selfless when it comes to him, pero 'yong dating naman sa kan'ya selfish ako.

Napalingon ako kay Michael nang marinig ko s'yang tumawa ng sarkastiko. "Diba, sabi ko sa'yo kahapon hiwalayan mo na sya." Tumatawa pa rin ito. "Para hindi ka na masaktan pa."

"Oh, tapos?! Masaya ka na?! Kasi naghiwalay na kami?" Maluha-luha kong tanong sabay takip ng buong mukha gamit ang dalawang palad. Naramdaman ko namang huminto ang sasakyan, kaya agad akong dumungaw sa bintana.

Nasaan na ba kami?

Nakauwi na ba ako?

"Farah, hindi sa gano'n, hindi ako masaya..." Pagsasalita n'ya, pero wala pa rin sa kan'ya ang atensyon ko. "Sige aaminin ko gusto pa rin kita. Gustong-gusto pa rin kita. Hndi ko nga alam kung... bakit hanggang ngayon umaasa pa rin akong magkakagusto ka sa akin...diba dapat masaya ako? Pero malungkot ako... malungkot ako kasi umiiyak ka at ayaw ko no'n."

Hindi naman ako umimik. Kapag ganito ang usapan namin ni Michael hindi talaga ako umiimik. Alam ko naman kasi matagal na. I know he likes me.

"Si Athena.....hindi ko s'ya minahal o nagkagusto man lang.... I just used her to make you jealous  Pero imbes na selos at inggit ang maramdaman mo sa akin galit at pagkamuhi ang nakuha ko sa'yo."

Mas lalo akong napaiyak nang marinig na naman ang pangalan ni Athena.

Bakit ba s'ya nan aman?

"Ano ba?! S'ya nan aman?!" Iyak kong tanong habang ang boses ay gumagaralgal na. "Isa ka pa, eh! B-Bakit ba lahat na lang kayo puro Athena? Ano bang meron 'yang Athena na 'yan na wala ako?!" Tanong ko sabay punas ng mga luha. "P-Pwede bang ako naman?" Nahihirapan kong tanong sa kan'ya.

Si Athena na lang ang palaging bida. Ako na naman ang kotrabida. Si Sergie, si Athena ang pinili kesa sa akin na fiance n'ya. Tapos ngayon si Michael si Athena na naman ang bukang bibig.

Nakakasawa na.

"Hindi sa gano'n, I'm not choosing Athena over you. You're worthy enough to be chosen, and besides...kaya ko lang naman 'yon nasabi o nabanggit..kasi kung hindi naman dahil sa akin hindi ka sana nasasaktan ngayon. Hindi ka sana umiiyak. Hindi ka sana ganito. Edi sana nag-aaral ka at masaya. P-Pero wala akong choice....she blackmailed me. I'm sorry..."

"Tangina naman!" Malakas kong sigaw sabay takip ng dalawang mga mata. "Please lang huwag mo nang dagdagan pa 'yong sakit, please lang, huwag na!" Pagmamakaawa ko.

Masakit na nga ang break-up namin ni Sergie tapos dadagdagan pa talaga n'ya.

Wala naman akong nakuhang sagot mula kay Michael. Nanatili lamang itong tahimik at walang kibo. Hindi kalaunan naramdaman ko na lang na umaandar na ang sasakyan.

"Tang'na buhay!" Sigaw ko ulit. "Hindi ganito ang dream relationship ko, eh! Ni hindi ko man lang naramdaman kung anong feeling ng nagcecelebrate ng weeksary, monthsary. Ni hindi nga kami umabot ng isang buwan, anniversary pa kaya?! Tangina! Ang sakit!" Sigaw ko habang pinagsisipa kung ano man ang maramdaman ng mga paa ko.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon