CHAPTER 39

3.1K 92 3
                                    

Two months later.....

It's been two months simula nang umalis ako ng Pilipinas. Dalawang buwan na akong andito sa France pero wala pa ring nagbabago. Si Sergie pa rin ang mahal ko. Mahal ko pa rin s'ya kahit na nasasaktan pa rin ako. Kahit anong deny at pilit ko sa sarili ko na hindi ko namimiss si Sergie, sinisigaw pa rin ng puso ko ang totoo. I missed him a lot. Very lot. I want him back, I want to hug him tight.

Pero ang tanong namimiss n'ya rin ba ako? At mahal n'ya pa rin ba ako?

Napangiti naman ako nang mapait nang maramdamang biglang kumirot ang puso ko. Masakit isipin.

Alam kong wala akong karapatan para maramdaman ito. Alam kong wala akong karapatan para sabihin na namimiss ko s'ya dahil una sa lahat ako itong naghamon ng hiwalayan, ako ang nakipaghiwalay, ako itong umalis tapos sasabihin ko 'I want him back?' Parang isinubo ko na rin ang isinuka ko. Pero kahit na mahal ko pa rin s'ya, kahit na namiss ko s'ya, naiinis pa rin ako at galit pa rin ako sa kan'ya. Dalawang buwan na akong andito sa France, dalawang buwan na akong naghihintay sa kan'ya, pero ni anino n'ya hindi ko nakita. He didn't chase me. Hindi n'ya ako hinabol. Umasa kasi ako, umasang hahabulin n'ya ako, magpapaliwanag s'ya at sasabihin n'yang mahal n'ya pa rin ako. Pero wala, walang Sergie ang humabol at walang Sergie ang nagpakita. Hindi n'ya ako sinundan dito sa France. Umasa na naman ako.

"Camari," Tawag ng manager/coordinator namin sa akin. Agad naman akong lumingon sa kan'ya habang nakangiti ng pilit. "Ready yourself, wear what you are suppose to wear. The program will start few minutes from now." Paalala n'ya ulit sa akin.

Tumango lamang naman ako bilang sagot at dali-daling tumayo sa pagkakaupo. Agad akong pumunta sa isang stand ng mga damit at agad na kinuha ang dapat kong isusuot.

Katulad ng pinapangarap ko, madali lamang akong nakuha bilang isang model. Nagtratrabaho ako ngayon sa isang kompanya dito sa France. Hindi 'man tulad ng dati na sa isang sikat na company ako nagtratrabaho. Hindi kasi gano'n kakilala ang pinasukan ko, pero ayos lang naman. Kahit papano kasi ay nakakalimutan ko s'ya at nalilibang ako.

Pagkakuha ko ng dress na dapat kong susuotin, agad akong pumasok sa fitting room.

Ang sabi nina Mommy sa akin, huwag ko na raw alalahanin pa ang kompanya, huwag ko ng isipin pa ang problema na kinahaharap ng mall namin, dahil maayos na ang lahat. Bumabalik na sa amin ang perang nalugi at naubos. Bumabalik na rin sa dating sigla ang mall. Hindi na magseserado ang mall namin, at hindi na kami magaanounce ng bankruptcy. Mabuti nga kung ganoon. Dahil kung nagkataon na magaanounce sila Mommy ng bankruptcy maraming tao ang mawawalan ng trabaho, maraming tao ang mawawalan ng source of income, at isa na rin kami doon. Oo nga't may iba pang negosyo ang pamilya namin, pero ang mall ang pinakamalakas. Ang mall ang may pinakamalaking kita sa lahat. Kaya kung tuluyan na ngang magseserado ang mall namin, malaking pera ang mawawala sa amin. Dagdag pa nila, bumalik na raw sa Italy ang pamilya ni Sergie. Wala na sila Sergie sa Pilipinas. Wala na rin namang saysay ang pagsstay nila sa Pilipinas. Walang kasal ang magaganap, walang partnership ang mabubuo kaya uuwi na lang daw sila ng Italy. Aaminin ko may mununting pag-asa sa puso ko na mag kakabalikan pa kami, pero nang sabihin nila Mommy na nasa Italy na sila Sergie, hindi na ako umasa pa. Oo ngat medyo malapit lang ang France sa Italy, pero malabong wala syang makilalang babae doon. Babaeng iintindi sa kaniya at hihintayin sya.

Ako kasi pagod na, pagod na kakaintindi sa kaniya. Pagod na kakahintay sa kaniya.

Nang sa tingin ko ay maayos na ako, agad akong lumabas sa fitting room. Paglabas ko ng fitting room nadatnan ko kaagad ang mga kasamahan ko sa pagmomodel na nagmamake-up. Sa ngayon kami na muna ang mag-aayos sa sarili namin dahil itong company pinasukan ko ay nagsisimula pa lamang at hind gano'n kalaki ang binudget nila para sa fashion show na gaganapin ngayon.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon