CHAPTER 3

3.6K 151 6
                                    

I'm now inside my room. Hindi na sumama sa akin si Valkyrie sabi kasi nito doon na lang daw s'ya sa Tita n'ya matutulog. Mayroon kasi s'yang kamag-anak dito. Nakapag-withdrew na rin ako ng pera kanina pagkatapos namin kumain sa isang pizza house.

Kasalukuyan, ang ginagawa ko ay chinicheck ang GC naming magkakaibigan. Kanina kasi magf-fb sana ako kaso ang ingay naman ng messenger ko kaya chineck ko ito.

Tama ang hinala ko kanina. Tama ako na ako talaga ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko kanina, at sa pangunguna ito ni Valkyrie.

Lahat ng nangyari kanina ay kinuwento n'ya except na lang doon sa fixed marriage na magaganap. Sanay na kami sa pagiging chismosa ni Valkyrie. S'ya kasi ang reporter ng grupo namin, palagi kasi s'yang updated about sa mga latest chika.

Valkyrie:
Guys! May chika ako!

Delaney:
What?

Sydney:
?

Dalawa ang nakapansin ng chat n'ya sina Delaney at Sydney, siguro nasa flight pa si Yvette.

Valkyrie:
HAHAHA

Nangunot naman ang noo ko. Required ba na tumawa muna bago magkuwento?

Delaney:
Nakakatawa ba?

Valkyrie:
Diba nasa Manila ako ngayon kasi nasa Philippines na si Camari

Mukhang interesado naman ang mga kaibigan ko sa ikukuwento ni Valkyrie dahil kaagad silang nag-reply.

Yvette:
Hello guys! Kalalanding lang ng eroplano namin sa Suvarnabhumi Airport at Bangkot Thailand!

Tama nga ang hinala ko, nasa flight nga s'ya ngayon.

Valkyrie:
Oh ayan, kompleto na tayo, ichichismis ko na sa inyo ang mga nangyari dito

Sydney:
Dali na! Habang hindi pa nag oonline si Camari

Ay nagmamadali s'ya? May lakad ka, 'te?

Valkyrie:
HAHAHA, nasa fitting room ngayon si Camari, tapos nasa akin yung handbag nya

Tukneneng! Ako na pala ang pinag-uusapan nila kanina kaya pala may kakaiba sa ngisi ni Valkyrie!

Valkyrie:
So ayon na nga guys, kanina na ikwento sa akin ni Camari na napagkamalan syang MAGNANAKAW!

Lahat ay online that time kaya lahat sila ay nagreact ng haha emoji sa chat ni Valkyrie.

Yvette:
Magnanakaw?

Valkyrie:
Yes Yvette kasi kanina daw nung binibigay nya yung card nya sa receptionist, akala ng receptionist na hindi kay Camari yung card na 'yon akala nila na ninakaw iyon ni Camari.

Shit... wrong move Camari hindi ko na lang sana i-kinuwento sa kanya ang nangyari kanina, nakakahiya.

Delaney:
HAHAHA buti hindi nagtawag ng mga pulis yung receptionist

Sydney:
HAHAHA kaya nga sayang!

Nagulat naman ako sa naging sagot ni Sydney doon. Kaibigan ko ba talaga s'ya? Gusto n'ya talagang makulong ako?

Valkyrie:
Sayang talaga edi sana makakaranas si Camari kung papano ang manghimas ng rehas.

Gusto kong magalit, pero hindi ko naman kaya. Kaya ang ginawa ko ay ngumisi na lang ako.

Yvette:
Pero hindi naman sya makahihimas ng rehas kasi hindi naman nya ninakaw ang card na yun, at tyaka kapag tumawag ng pulis ang mga receptionist, sila pa ang pwedeng mapahiya dito at madadamay pa ang kanilang pinagtratrabahuhan na hotel.

Sa aming lima sa tingin ko si Yvette lang ang ma-ayos-ayos kausap kasi kapag si Delaney ang kasama or kausap ko puro kartehan ang pinagsasabi n'ya tapos si Valkyrie puro pagkain, mabubutas naman ang bulsa ko sa kan'ya, at kapag si Sydney naman puro acting ang inaatupag. Minsan ako pa ang ginagawa n'yang ka-acting-an.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon