"Bye guys! Bukas na lang ulit!" Masaya kong pagpapaalam sa aking mya kaibigan. Kaagad naman akong bumaba ng service.
Nasa mismong tapat na kasi ng bahay namin ang service, kaya bumaba na ako dito.
Ngayon ay naglalakad na ako papasok ng bahay namin habang hila-hila ang dalawang maleta na dala. Pagtapak ng aking dalawang mga paa sa gate ng bahay, kaagad akong sinalubong ng mga kasambahay namin at agad akong tinulungan sa mga dala-dala ko. Pagtapos nito ay nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Napatalon naman ako sa gulat nang bigla akong salubungin ng iilan pang mga kasambahay sa loob.
"Good morning Ma'am Camari! Welcome back!"
"Welcome back Ma'am."
"Good morning Ma'am."
Kabi-kabila ang bumabati sa akin kaya binabati ko din sila sa paraan na ginawa nila sa akin.
Ngayon na nasa loob na ako ng bahay namin, hindi ko mapigilan ang mapalibot ng tingin. Habang naglilibot ang mga mata, nadatnan ko si Mommy na bihis na bihis sa sala at mukhang may pupuntahan siya ngayon.
"Hello mommy!" I cheerfully said. Kaagad kong nilapitan si Mommy sabay halik sa kaniyang pisngi.
Alam ko na hindi ito ang tamang pagbati sa Pilipinas. Alam ko na dapat nagmano ako kay Mommy, hindi iyong hinalikan ko ang kaniyang pisngi. Pero anong magagawa ko? Nanirahan ako ng dalawang taon sa Italy kaya nahawa na rin ako sa kanilang kultura.
"Hello sweetie," Mommy said gladly. "How's your flight?" Pangungumusta ni Mommy sabay ngiti sa akin ng malapad.
"Okay naman Mom." Simple kong sagot sa kanya habang nakangiti din. Pagkatapos nito ay nilibot ko ulit ang mga mata ko kabuuan ng bahay.
Wala pa rin itong pinagbago. Ganito pa rin ang style nito two years ago. May iilang furniture na nabago tulad ng flower vase namin na sa center table sa sala. Ang huli kong kita rito ay color black ito ngayon naging maroon na ito.
Siguro nabasag.
"Do you need anything? Do you want to eat? Or you just want to rest?" Napalingon ulit ako kay Mommy nang magsalita ulit siya. Katulad ng kanina, nakangiti pa rin ito.
"Iam tired amommy." Sabi ko sabay pakita na talagang pagod ako. "I just want to rest." Ngiti ko sabay sandig ng aking katawan sa kaniyang katawan.
"I missed you, my baby." Malambing na sabi ni Mommy hahang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko.
Napaupo naman ako ng maayos at sinamaan ng tingin si Mommy.
"I'm not a baby anymore." Parang bata na sagot ko sa kaniya.
Nakakahiya kasi. Baka may makarinig, eh, pagtawanan ako. I'm on my twenties at nakakahiya kapag may nakarinig na tinawag akong baby ni Mommy.
Tinawanan lang naman ako ni Mommy at maya-maya lamang ay pinangigilan na nito ang pisngi ko.
"But for me you're my baby, my one and only baby."
Pinabayaan ko na lang naman na tawagin akong baby ni Mommy. Pagbibigyan ko na lang siguro sya, baka na-miss nya lang ako, dalawang taon rin akong nanirahan sa Italy, eh.
"By the way, nasaan pala si Daddy?" Takang tanong ko. Hindi kasi niya kasama si Daddy.
"I'm here!" Malakas na sigaw mula sa likod namin ni Mommy. Sabay naman kaming napalingon ni Mommy sa likod namin at nakita ko na naka-apron si Daddy. Mukhang galing s'ya sa kusina.
"Hello daddy!" I prolong the word 'Daddy'. "I missed you!" Parang bata na wika ko sabay yakap sa kan'ya ng mahigpit.
Kahit na binibisita ako nila Mommy at Daddy sa Italy, iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay kami. Iba ang pakiramdam kapag nasa mismomg bahay ka kung saan ka lumaki. It feels good.
BINABASA MO ANG
If We Meet Again (Rich Girls Series #1)
RomantikCamari Farah Segovia-the heiress of their company. She loves modeling, and her only dream was to be notice by her favorite luxury brand, the Dulce and Gabbana luxury fashion house. And when her dream came true, her Mother suddenly called her, and to...