Lima.
Akala ko madali ang maghanap ng pagkakakitaan , o kaya part time job lang pero ano palang ang napapala ko ? Wala. Ang galing diba.
Ilang oras nang umalis ako nang OA pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakitang makapagbibigay sa akin ng pera , lahat na ata pinuntahan ko , pero iisa ang ang sinasabi nila , bata pa raw ako , under age baka daw mahuli sila , kesyo ganito , kesyo ganyan ! Bakit porket wala pa akong 18 eh hindi pa ako pwedeng magtatrabaho !? Bakit hindi ba kayang gawin ng mga katulad ko ang ginagawa nila ? Inexplain ko naman sa kanila na pambili lang ng importanteng bagay at kailangan na kailangan lang pero wala pa rin ! Hindi man lang ako pagbigyan kahit isang araw ! Kainis , nagsisimula nang mag-init yung ulo ko !
Apply pa rin ako ng apply pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Kung ayaw nila edi huwag ! Kung hindi ko lang kailangan ng pera , pasalamat na lang yung huli kong napasukan at wala akong nasabing masama sa kanya pshh !
Kung wala na talagang akong mahahanap uuwi na lang ako , gabi na rin pala baka hinahanap na ako nina nanay at tatay. Andami ko pa ring gagawin.Tutulungan ko pa rin si nanay sa paggawa ng paninda , panigurado kasing ubos nanaman yun dahil sa mga suki nya , e sa sarap ba naman kase ng mga gawa ni nanay hindi ka magsasawa at babalik-balikan mo pa.
" Anak saan ka ng galing at ginabi ka yata ? " tanong ni nanay na busy sa pag-aasikaso sa kanyang paninda. Lumapit ako kay nanay at tinulungan ko na sya , kung hindi ako nagpagabi siguro natapos na namin ni nanay to.
" May .. " nag-isip ako kapag sinabi ko kay nanay na naghanap ako ng pagkakakitaan baka nasermonan ako ayaw kase nilang gawin yung mga bagay na pagtatrabaho kase kaya pa daw nila , atsaka bata pa daw ako i-enjoy ko daw muna at dadating naman daw ang araw na ako na ang magtatrabaho ako.
" ...ginawa lang po akong project kaya natagalan po ako " sabi ko nang hindi tumitingin kay nanay , hindi ako sanay magsinungaling, nakakakaba pala kapag nagsisinungaling ka .Hindi mo alam kung mahuhuli ka o hindi.
tumango naman si nanay. Ako naman pinagpapatuloy ko ang pagtulong ko sa paggawa ng paninda ni nanay.
" tumigil ka muna at magpalit nang damit baka matuyuan ka nang pawis " sabi ni nanay, itinigil ko ang paggawa ko at pumunta ako sa kwarto ko. Pagkalock ko ng pinto napasandal ako , at huminga nang malalim . Mahirap magsinungaling kaya hindi ko ulit ito gagawin lalong-lalo na sa nagpalaki sa akin sa ...mga magulang ko.
Pagkatapos ko magpalit nang damit ay binalikan ko si nanay at ipinagpatuloy ang pagtulong sa kanya.
Kinabukasan.
Araw-araw talaga kapag dumadaan ako sa parte ng school na naiinis ako dahil kitang-kita talaga ang kayabangan ng mayayaman na estudyante dito sa OA.
Habang naglalakad ako nakakarinig ako ng tungkol sa contest na ginawa ni sir pms. Nakikita ko rin yung gawa ng iba, ang gaganda kahit pagka-ayaw o pagkainis ang kailangan na makikita nagawa pa rin nilang maganda ang gawa nila.
Mabuti na lang talaga at hindi ko na itinuloy ang pagsali sa contest sana naman ay hindi nila napansin o ni sir pms na hindi ako gumawa.
" Shanna asan na yung gawa mo ? " tanong ni baklita pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room.
"Hindi na ako gumawa " sabay kibit-balikat ko.
"Weh ? " hindi makapaniwalang tanong ni baklita.
"Patingin nga ng bag mo " duktong nya. Agad ko namang binuksan yung bag ko para magtigil na sya.
Ng tumigil na sya sa pagtanong umupo na ako sa upuan ko , pagka-upo ko sya namang pagdating ng sumira ng gawa ko na dapat isasali ko sa contest. Napairap na lang ako. At tumingin sa may board.

BINABASA MO ANG
Simula Pa Lang.
RomanceHindi mo alam kung anong gusto nya. Hindi mo alam kung anong ba ang dapat gawin para maging sa iyo sya.. Hindi mo alam kung paano ka nya mamahalin. Hindi mo alam kung paano ka nya tatanggapin. Hindi mo alam kung --- basta wala kang alam ng paraan o...