Walo.

85 1 0
                                    

" goodmorning nay , tay " bati ko kay nanay at tatay.

" magandang umaga nak !" Bati ni tatay si nanay naman parang ang tamlay hindi nya ako binati pero ngumiti sya sa akin.

" Nay tara tapos na po ako kumain alis na tayo ! " aya ko kay nanay.

"Hindi na Shanna mauna ka na , pakikiramdaman ko muna ang sarili ko kung kaya ko" tumango naman ako sa sinabi ni nanay.

" sige po nay , tay alis na ako " paalam ko.

"Sige anak ingat ka " sabi ni tatay.

Lumakad na ako. Siguro ako yung may kasalanan kung bakit ganun si nanay ngayon , kita ko kase na mugto ang mata ni nanay. Ang sakit sa dibdib pag umiiyak ang nanay mo, parang hindi mo kakayanin parang gusto mo ding umiyak.

Napataas naman ang kilay ko nang may dumikit sa kaliwang braso ko , pagtingin ko may lalake na nakikisabay sa aking maglakad at feeling close. As in yung literal , kase sobrang lapit sa akin kaya nga nagkakadikit yung braso namin tapos parang wala lang sa kanya, feeling close .

Huminto ako , huminto din sya , naglakad ako , naglakad din sya.

Humarap ako sa kanya.

" mister close tayo ? " sarcastic kong tanong, aba't ang fc tumingin din ..inaasahan ko na na may itsura itong fc na ito , pagharap ko pa lang naman kase kutis mayaman na tch !

" you want ? " prenteng sagot nya, pa-ingles ingles pa kitang nasa Pilipinas nag-iingles pa din.

" Neknek mo ! " sagot ko sabay takbo.

Siguro magnanakaw yun. Iba na talaga istilo ng mga masasamang tao ngayon , nagpapanggap na mayaman at nag-iingles para hindi mahalata na may masamang balak.

At dahil sa pagtakbo ko napabilis ang pagpunta ko sa OA. Ipinakita ko na ang I.D. ko at pinapasok na ako. Nakakita ako ng pinakamalapit na upuan , at umupo ako doon. Grabe , kapagod yun ! Naramdaman ko na may biglang tumabi sa akin.

Pagtingin ko. Sya pala.

" hi ! Ate ! " sabay yakap sa akin ni Lara yung babaeng makulit at nanghihingi ng pagkain.

"Hi Lara " hingal kong sabi.

" O ate bakit parang hingal na hingal ka ? " tanong sa akin ni Lara.

" Ah.. kase nagpaunahan kami ng anino ko ha..ha..ha " pagjo-joke ko.

" eh ate sino nauna ? " seryosong tanong nya. Yung totoo ? Hindi ba nya gets na joke yun ? May tama ba sya sa ulo ? Matesting nga.

"Wala eh nagback-out yung anino ko " sabi ko.

"Ay sayang naman, pero ta-try ko yan ate !" may tama sya , gosh !

"Lara may tama ka ba ? Nagjojoke lang ako ano ! Mabuti nang magkalinawan ? " Tanong ko, malay ba ko ba kung galing pa lang mental ito at dahil mayaman pinayagan ng makapasok dito sa OA , alam nyo naman halos lahat ng bagay kayang lusutan gamit ang pera , hindi na ako magtataka kung paano talaga nakapasok si Lara.

" hahahaha ! Ate ! Ano ba ! Wala akong tama , nakikisabay lang ako sayo , nagjoke ka kaya nagjoke din ako ! Hahaha ! Ate akala ko naman alam mo ding nagjojoke ako ! Slow mo naman ate hahaha ! " sabay palo pa sa braso ko. Isa pa rin itong fc eh.

Pero speaking of fc bakit ..yung lalake kanina ay nasa OA ?!  Bakit sya nandito ? Hala ! Baka resbakan ako nun ..

Sa sobrang taranta ko hinila ko si Lara at tumakbo kami , bakit kanina nung kasabay ko yung fc na yun no hindi ko man lang napansin na naka-uniform sya nang katulad nang sa amin ! Bakit hindi ko man lang nakita ?! Panigurado baka hinahanap na ako nun kase nung nakita ko sya palingon-lingon sya na parang may hinahanap , patay ako. Naman ! Bakit andaming kamalasan ngayong school year ?

Simula Pa Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon