DALAWA.
25 minutes na akong naghahanap sa I.D. ko pero parang wala na talagang pag-asa, paano na ako nyan, hay kabadtrip.
Pagod-pagod na ako halos nilibot ko na lahat kahit hindi ko naman napuntahan yung mga lugar na pinuntahan ko kanina nung pumasok ako no choice pinuntahan ko na rin , malay ba natin kung naglalakad yung i.d. ko o kaya nasama o nasabit sa paa ng mga estudyante dito tapos nung nalaman nilang may nakasabit sa paa nila na i.d. bigla na lang nila yung itapon , diba grabe ang daming pwedeng nangyari sa i.d. ko psshh !
Pero promise pagod na talaga ako, hindi ko naman alam na makikipagtaguan yung i.d. ko sa school edi sana sinama ko sina nanay at tatay para may katulong ako sa paghahanap !
Paano na ako ngayon baka hindi na ako makapasok ! Baka hindi lang si Sir Feeling major subject ang maging strict sa uniform ! I hate this day ! Una nakabunggo ako ng hindi ko nalalaman, pangalawa akala ko late na ako tapos napagtawanan pa ako ! Pangatlo akala ko makakahinga na ako kasi hindi na ako late at hindi na ako mapapalabas pero ano incomplete uniform naman ! Pang-apat ansakit ng tenga ko dahil sa mga tili ng mga babaeng yon! Pang-lima uhhmm ! Ano pa ba ! Ah ! Pagod na ako tapos gutom pa ! Pang-anim isip.... isip....isip kailangan ito ang maging bad o worst day to para maging hate ko ! Isi--
" ayp*kemongmalaki !" Shit ! Sino ba yung nagtapilok sa akin ! Tingin-tingin..
" Bro p*ke mo daw malaki, may p*ke ka pala ahahaha ! " tawa ng lalaki sabay hampas dun sa isa pang lalaki na nakatingin lang naman sa akin.
"Sino yung nagtalisod sa akin ?" Tanong ko, hindi naman ako galit e.
Tumigil sa pagtawa yung isang lalaki at ngayong nakangiti na lang.
"Bro magsorry ka, sige ka baka mas lumaki yang p*k--hahahaha !" Tawa ulit nung lalaki sabay hampas dun sa seryoso pa ding lalaki na nakatingin sa akin.
"Tch. Tumigil ka " utos na seryosong lalaki dun sa tawa ng tawang lalaki , na bigla namang tumigil --err , creepy.
So siguro nga sya yung nagtalisod sa akin. Lumapit ako sa kanya.
" kuya ! Thank you po ha ! " sabay ngiti ko pa sa kanya, tumaas naman ang kilay nya.
"Weird...."rinig kong sabi ng isa sa kanila ewan ko ? Eh masama bang magpasalamat dahil kasi dun sa pagkatalisod ko , idinedeklara ko na ngayong araw na ito ang unang araw na pinaka-ayaw ko ,hate day kumbaga.
" basta kuya thank you " tinapik ko nang dalawang beses yung balikat nya sabay lakad. O sakto nasa may tapat na pala ako nang office, pumasok naman ako. Salamat talaga.
Kaya ako nandito sa office kasi hihingi ako ng parang letter na nawala yung i.d. ko
"Miss pwede po ba ako humingi ng letter kase nawala po yung i.d. ko baka po hindi ako ulit papasukin sa room namin " sabi ko.
"bakit hindi ka na lang magpagawa ulit para hindi ka na magkaprolema. " sabi ni Miss.
"Ah wala po kase akong pera scholar lang po ako dito ,pupwede po bang hulughulugan ? " sabi ko with matching cross fingers. Sana.sana.
"Haha ! hulughulugan hindi pwede e , balik ka na lang kapag may pera ka na , bibigyan kita ng letter na valid lang for 3 days , so kung gagamitin mo ngayon 2 days na lang. " tumango na lang ako, kailangan ko makahanap ng pera.
Ilang minuto ang nakararaan , nakuha ko na yung letter , at eto ako ngayon papasok ulit sa room namin.
Mabuti pa talaga yung ibang teacher hindi strikto pagdating sa uniporme ,pa-special lang talaga yung si Sir feeling-major-subject.

BINABASA MO ANG
Simula Pa Lang.
RomansaHindi mo alam kung anong gusto nya. Hindi mo alam kung anong ba ang dapat gawin para maging sa iyo sya.. Hindi mo alam kung paano ka nya mamahalin. Hindi mo alam kung paano ka nya tatanggapin. Hindi mo alam kung --- basta wala kang alam ng paraan o...