" Diana ! Nakita mo ba yung ngiti ni Web ! Gosh ! Kung nakita mo Grabe lang ! As in nakaka-ihhhh .Kinikilig ako ! " sabi nung isa kong kaklaseng parang kiti-kiti , hindi naman halata sa kanya na kinikilig sya ha ! Atsaka nagkaklase pa ang ingay -ingay , eh magkatabi lang naman sila nung sinasabihan nya.
" hindi nga ?! Rics! Ngumiti ! As in ?! Grabe dapat pinicturan mo !? " sabay hampas pa dun sa katabi nya mabuti na lang talaga hindi sila masyadong napapansin ng teacher hindi ko ba alam kung bingi lang yung teacher kase halos lahat na ata ng estudyante sa room na ito hindi na naka-focus sa kanya naka-focus na dun sa pinag-uusapan ni Diana at Rics, kung siguro walang natitirang kahihiyan sa mga kaklase ko nagsi-kumpulan na yan at iniwan ang teacher namin na magdiscuss at makinig sa sarili nyang lesson mabuti na lang talaga at may kakaunting kahihiyan pa yung mga kaklase ko , thank God.
" gaga ! Eh , paano ko pipicturan kung biglaan ! Dapat kase sa kanya ka lang nakatingin para makita mo ang mga ginagawa nya ! Ayan ha ! Binigyan kita ng tip ! Wag mo ipagsasabi ! " sabi ni Rics kay Diana. Wag daw ipagsasabi ? Eh narinig na kaya nang buong klase di ba nga nakatutok sa kanilang dalawa parang hinihintay talaga nila yung pag-uusap ng dalawa tungkol dun sa 'pag-ngiti' daw ni Borromeo ! Atsaka anong tip ? Tingnan lang si web ? Kay Web lang dapat tumingin ? E, Kahit naman ata hindi nya sabihin yun naman talaga ang ginagawa ng lahat pagdating kay Web.
Napaka big-deal para sa lahat ang pag-ngiti ni Web ! Para namang makakabili ako ng bahay pag ngumiti yan , para namang uunlad ng sobra ang Pilipinas kapag ngumiti sya para namang magkakapera ako kapag nakangiti yan.
Kung lahat ng iyan siguro mangyayari kung ngingiti lang si Web naku ... gagawin ko na lahat para lang ngumiti lang yan angkaso hindi e, hindi naman mangyayari at kahit kailan hindi magkakatotoo.
These past few days i figure out na madali akong mainis at sobrang naiirita talaga ako dyan sa Borromeo'ng yan. I don't know pero talaga parang gusto kong gilitan yung lalaking yun.
Umiling ako, ano ba itong iniisip ko.
"Goodbye class" rinig ko at wala sa sariling tumayo para sa makisama sa mga kaklaseng kong nag-'g-goodbye' sa teacher.
Ilang minuto lang ang lumipas may nag-announce na wala na daw teacher at wala naman daw binigay na activity. So yeah, ang lahat ay nagparty-party. Nag-alisan na rin yung iba dahil recess nanaman pagkatapos ng time ng subject na ito.
Ako naman balak kong puntahan si Sir Pms para ibigay yung pera. Napag-isip isip rin ako kahapon na... dapat magpasalamat rin ako kay Borromeo dahil sa pagbigay nya ng pera kahit na naiinis ako sa kanya. At mag-iipon din ako para bayaran yung pera. Oo tinangap ko , pero hindi ibigsabihin no'n walang ng bayad-bayad.
Alam kong maliit na halaga lang kay Borromeo yung limang libo pero mabuti nang mabayaran ko sya para wala syang maipamukha sa akin.
I'm here in the cafeteria dahil alam kong dito nadiretso ang mga teachers after ng klase nila.
Ilang minuto nadatnan ko Sir Pms na nakapila kasama nya ang iba pang teachers. I waited for him for a couple of minutes para makabili bago ko sya nilapitan.
" Sir " ang mga kasama ni Sir ay napatingin din sa akin. Nag-bow naman ako sa kanila.
" Miss Barrientos what brings you here ?" Sabi ni Sir.
" Sir gusto ko lang po ibigay yung five thousand na ...yung sa contest po kasi po diba yung gawa ko" I almost lost my words , dapat pala hinantay ko na lang ang uwian para do'n ibigay. Kaso tingin ko mas hindi ako makakapagsalita kapag kaming dalawa na lang ni Sir Pms ang nag-uusap.
Kinuha ko yung sobre sa bulsa ko. Ibibigay ko na sa kanya kaso pinigilan nya ako.
" Miss Barrientos wala naman talaga akong balak na sabihin yung tungkol sa pera na kapag hindi nakapag-pasa kailangan sila ang magbigay sa akin ng pera...I'm just threatening you guys. Feeling ko kasi walang magpapasa so I ended up saying those words . And bakit ka naman magbibigay sa pagkaka-alala ko nakapagpasa ka naman " Medyo nagulat ako sa sinabi ni Sir kaya hindi muna ako nakapagsalita.Akala ko hindi nya tinanggap yung pinasa kong gawa.
" Sir , thank you for considering my work. I know you are quite disappointed with me and im sorry sir. " yumuko ako.
" siguro nga na-disappoint ako Miss Barrientos pero seeing you here now at sabihin na sorry sa akin. Tingin wala na dapat akong ika-disappoint sa iyo. O sya lumakad ka na at baka time nyo na. " Tumango ako at nag-bow ulit sa kanila.
Bumalik ako ng room dala ang mga saya at ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam, simula kasi nung nawala yung I.D. ko nakanda-letse letse na yung buhay ko.
"Hey sister ! Saya natin ahh ..." I smiled at him.
"Aba good mood ang sister ko ...at bakit naman kaya hmmmn ? " sabay lagay pa ng hintuturo nya sa labi nya na para bang nag-iisip.
" Wala na kasi akong problema " I said.
" Duhh sister may exam po kaya next week ?" Oo nga no ? Muntik ko nang makalimutan dahil sa pinag gagagawa ko.
"Pero iba naman yun " nagkibit-balikat naman sya at bumalik na sa upuan nya, nararamdaman nya kasi na aasarin ulit sya ng mga kaklase namin.
Maganda ang takbo ng umaga ko. Sana sa hapon rin. Nakakapag-focus na ako nang sobra sa discussion at sa mga activities hindi katulad noong mga nakaraang araw. At ewan ko sa sobrang saya ko feeling ko makakapanlibre ako ngayon. Kaso sino naman ang ililibre ko ? Si baklita lang naman ang kaibigan ko dito ...at si Lara ! Oo nga pala buti naalala ko !
Sinipat ko na ang gamit ko at pumunta sa pwesto ko. I saw Lara , nakapatong ang mga braso sa tuhod nya at nakayuko.
Siguro gutom na sya , feeling ko kanina pa sya nandito. I should ask her about her schedule para alam ko kung ibibigay ko ba sa kanya o hindi yung lunch nya kapag nagkita kami sa umaga.
"Lara ..." umupo ako sa harapan nya at kinalabit sya.
" Ate Shanna ! " ang akala ko tulog sya.
"Kanina ka pa dito ? " Sabi ko.
"Hindi naman po, alam ko naman po ang schedule ng mga Grade 10 kaya alam ko po kung anong oras ako pupunta dito , gladly hindi naman siya nakakaapekto sa schedule ko " I wonder kung paano nya nalaman ang schedule ng Grade 10 siguro may boyfriend sya dito, nagkibit-balikat na lang ako.
"Ate , i know what you're thinking ...diba po may kuya ako he's actually Grade 10 so that's it. " paliwanag nya , hindi ko alam na mind reader pala sya at Grade 10 pala ang kuya nya.
Nagsimula na kaming kumain , walang munang imikan since parehas kaming gutom.
***3rd Person's POV***
I'm here ...tinitingnan sila. I'm glad na magkasama silang dalawa.
xxjxx
BINABASA MO ANG
Simula Pa Lang.
RomantizmHindi mo alam kung anong gusto nya. Hindi mo alam kung anong ba ang dapat gawin para maging sa iyo sya.. Hindi mo alam kung paano ka nya mamahalin. Hindi mo alam kung paano ka nya tatanggapin. Hindi mo alam kung --- basta wala kang alam ng paraan o...