Anim.

19 1 0
                                    

Ang gag* nya talaga ! Sobra na sya ! Sya ang may kasalanan ng lahat ng ito eh, o edi ngayon magbabayad pa ako kay sir pms dahil hindi ko inayusan yung gawa ko. Yung pambayad ko nga ng i.d. hindi ko mabayaran yung libo pa kaya ? Naman ! Eh halos pangbayad na nga namin ng kuryente , tubig , at pagkain namin yun.

Dahil lunch time naman ngayon pumunta ako sa pwesto ko , i need fresh air hindi puro kagaguhan ni Borromeo ang napapasakin at nalalanghap ko. Tch !

Mabuti na lang at saakin napapunta ang pwestong ito. Kain lang ako ng kain. Pero habang kumakain ako , hindi ko pa rin maisip kung paano ba ako makakalabas sa problemang ito. Una , last day na ng letter ko para sa i.d. hindi pa buo ang pera ko , Pangalawa yung contest sa arts magbabayad ako dahil sa ginawa ni Borromeo kanina , Pangatlo mukhang nadisappoint ko si sir pms , pang-apat ang nalalapit na periodic exam. Ughhh ! Ang dami kong problema !

Kung kaya ko lang sila kontrolin lahat , kung makakatulong ang makakaya ko sa problema ko edi walang problema ! Pero hindi , walang magagawa dapat harapin ko ito. Dapat tapusin ko na ito , paano ko ito uumpisahan ? paano k--

"Ay gaga ka ! " napataas ako ng kilay , sino yun ? May babae na nakadapa ngayon malapit sa pwesto ko. Pansin ko lang ang dami ko ng nakaka-encounter na nadadapa. Wala naman akong balat ah ?

Hindi ko na sya pinagtuunan ng pansin, kaya na nya ang sarili nya hindi na sya bata na kailangan pang may tumulong para tumayo.

Tuloy lang ako sa pagkain. Nawala na siguro yung babae.

"Hi miss ! Pahingi naman ako pagkain ? Please ! " pagtingin ko sa nakaupo sa harap ko yung babaeng nadapa kanina.

Halata sa mukha nya na mayaman sya , bakit nya kailangan humingi ng pagkain kung may pambili naman sya ?

" Please ! " sabi ulit nya , sinimot ko naman yung kainan ko. Pagkatingin ko naman sa kanya para syang iiyak. Hala ! Sinimot ko lang yung pagkain ko iiyak na ? Ano sya bata ?

" Hala ! Bibigyan naman kita , inubos ko lang yung lunch ko pero may pagkain pa ako dito eto oh .. " binigay ko sa kanya yung isa sa mga itinitinda ni nanay. Balak ko naman talaga syang bigyan kaso inubos ko lang muna yung akin.

" Thanks ha ! Gutom na talaga kase ako yung kuya ko kase ayaw ako isabay sa pagkain nya kase andun yung barkada nya, baka daw mapagtripan ako ! Nakakainis si kuya barkada na lang iniisip nya hindi nya alam na nagugutom na pala ang kapatid nya ! Uwaaahhhh ! " iyak nya.

"Ano ah. Baka naman ayaw ka lang mapahamak ng kuya mo sa mg barkada nya , kaya hindi ka sinabay baka ganun. " sabi ko.

" pero hindi man lang nya ako binigyan ng pera pangkain alam naman nyang hindi pa ako binibigyan ng baon ni daddy kase nabasag ko yung vase nila , bibigyan lang ako ni daddy kapag nabayaran na ng baon ko yong vase uwaahhh ! " iyak ulit nya , para sa isang stranger masyado syang open.

"Baka naman nakalimutan lang ng kuya mo, huwag ka na umiyak nakakakain ka nanaman , magkano ba yung vase ng daddy mo ? Tingin mo ilang month pa bago ka bigyan ng baon ? " tanong ko sa kanya.

" ano isang.. isang milyon lang ata ?" Sabi nya at sumisinghot-singhot pa. Pero ano daw isang milyon at ni la-lang nya lang iyon ?Grabe talaga ang mayayaman porket may pera gasta na ng gasta hindi ma lang nila naisip na ipantulong na lang iyon para makaahon din yung kapwa nila.

" siguro mababayaran ng isang buwan at kalahati yung vase nang baon ko hindi ko alam eh  hindi ko rin sure , hindi ko kase alam kung magkano baon ko basta alam ko nagbibigay si daddy." sabi nya. So nakaka isang milyon agad sya ng isang buwan at kalahati. Wow lang at hindi pa sure dyan.

Napahilot ako sa ulo ko.Grabe na ang yaman ng tao ngayon. Sa isang buwan pwede na makapagpatayo ng bahay. Napailing tuloy ako.

" pero paano na ako nyan ? Isang buwan at mahigit ako magugutom ? Hindi naman ganun si kuya e ! Ang alaga kaya sa akin nun ! Siguro ni-blackmail sya ni daddy ! Uwaahh ! " sabi nya iyak pa rin sya ng iyak.

Simula Pa Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon