" O anak bakit parang ang saya-saya mo ngayon ? " tanong ni nanay sa akin , dahil kakauwi ko pa lang, halata bang masaya ako ?
" ah.. kase po nay natapos na po yung mga problema ko po sa school yun lang po " sabi ko ng nakangiti.
" ahh.. o sya' magpalit ka na at tulungan mo ako dito " sabi ni nanay habang ginagawa ang mga paninda.
Pumunta na ako sa kwarto ko , nagpalit ng damit at inayos ko ang sarili ko. Ang gaan sa pakiramdam na wala ka nang problema. Parang wala ka ng iniintindi.
Pagkatapos ko mag-ayos bumalik na ako at inumpisahan ko nang tulungan si nanay.
" Anak wag ka munang mag..boboypren tulungan mo muna kami ng tatay mo at magpayaman muna tayo " nakangiting sabi ni nanay sa akin, nagtaka lang ako bakit naman nabuksan ang ganitong topic kay nanay?"Opo , wala pa naman po yan sa isip ko aral muna po ako. " sabi ko , wala pa talaga sa isip ko ang magboypren tingin ko kase panggulo lang yan sa pag-aaral ko , bata pa rin naman ako ma-eexperience ko rin naman ata yan sa tamang panahon, atsaka wala naman nagbabalak na lumapit sa akin na kung sinong lalaki.
"Pero anak.." napatingin naman ulit ako kay nanay na seryosong nagbabalot ng paninda.
" Siguro pupwede ka naman na magka-kras o magkagusto , basta wag muna magboypren at wag ka mahiyang ipaalam sa amin ng tatay mo " sabi ni nanay na seryoso pa rin.
" opo naman nay " sagot ko.
"Pero hindi ko naman sinabi na magka-kras ka agad-agad ha Shanna ! " sabi ni nanay.
"Opo nay kayo naman " Minsan ang gulo din ng nanay ko , pupwede daw akong magka-crush o magkagusto pero bawal daw mag-kaboypren. Hindi ko maintindhan si nanay , siguro kapag napagdaanan ko na magkakaroon na ako ng ideya.
Natapos na namin ang mga paninda ni nanay para bukas, hindi naman nagtagal ay dumating na si tatay. Tamang tama dahil kakahain pa lang namin ni nanay.
" Tay , kain na tayo " aya ko tatay.
"Sige anak ako'y magpapalit lang "sabi ni tatay at pumunta na sa kwarto nila ni nanay.
Umupo na kami ni nanay sa hapag.
"Shanna ang sinabi ko sayo ah isaisip mo yon ah . Wag na wag kang gagaya sa mga babae na bata bata pa lang may anak na " sabi ni nanay .
" O ano nanaman bang sinasabi mo dyan sa anak natin ? " singit ni tatay.
"Aba'y sinasabi ko lang na wag magboypren ! " sabi ni nanay kay tatay.
" Shanna may nanliligaw na ba sa iyo ? " sabi ni tatay na nakangiti.
" po ? Sakin .. wala! " sabi ko.
" O' kita mo wala ngang nanliligaw paano magkakaboypren yan ! Ikaw talaga matanda ka na kaya ayaw mong magkaboypren ang kaisa-isa nating anak haha " natatawang sabi ni tatay, napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila ,nagbibiruan nanaman sila.
" aba't ikaw kaya ang matanda sa atin ano !" Pabalik na sabi naman ni nanay.
" aba'y ikaw kaya ! " sabay halik kay nanay sa pisnge.
" Asus ! Tumigil ka nga ! Nasa harap tayo ng pagkain o ! " sigaw ni nanay kay tatay , napatawa na lang ako sa asal nila.
Tumigil naman sila at kumain na rin.
"Shanna kapag natapos ka na pumunta mo na kwarto mo ha may pag-uusapan lang kami nang nanay mo ! " sabi ni tatay sa akin.
Tumango naman ako , at dahil tapos na ako pumunta na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

BINABASA MO ANG
Simula Pa Lang.
RomanceHindi mo alam kung anong gusto nya. Hindi mo alam kung anong ba ang dapat gawin para maging sa iyo sya.. Hindi mo alam kung paano ka nya mamahalin. Hindi mo alam kung paano ka nya tatanggapin. Hindi mo alam kung --- basta wala kang alam ng paraan o...