Pangalawang araw ko na ito na gagamitin ko yung letter ko, magkano pa lang ba ipon ko , ni wala pa sa kalahati nang pambayad ko sa i.d. ko. Mabuti nga at hindi nagtatanong ang mga magulang ko kung bakit walang nag-memessage sa kanila tuwing umaga, siguro ay masyado na silang busy sa pagtatrabaho.Kaya promise ko rin talaga sa sarili ko kahit anong mangyari tatapusin ko yung pag-aaral , kung hindi man para sa akin , para na lang sa pamilya ko dahil alam kong pinaghirapan nila ito.
"O ano miss Barrientos wala ka nanamang i.d ? Alam mo nama--" bago pa matapos ni sir feeling major subject yung pag-gigisa nya sa akin ay isinalampak ko na sa desk nya yung letter, binasa nya ito at tumingin sa akin.
"Okay you may sit now Ms. Barrientos" tumango ako at umupo sa upuan ko. Konting minuto na lang bago mag-umpisa ang pagdidiscuss ni sir fms or pms na lang kaya ? Short for peeling major subject , gawin na lang 'p' yung 'f ' para mas madali atsaka bagay din kay sir ang pms na tawag dahil parang lagi syang meron daig pa ang babae.
"Class , ngayon ay magkakaroon tayo nang contest ang mananalo ay makakatanggap ng tumataginting na Grades ,5000 piso at exempted sa periodic exam ! Para lang ito sa subject kong Arts , gagawa lang naman kayo isang sining na ukol sa paghate o pagkainis sa isang tao, bagay basta't kayo na ang bahala, kung sino lang ang gusto sya lang ang magpalista sa akin ,magpapass kayo hanggang bukas na lang, dahil next week na ang periodic ,i-aannounce isang araw pagkatapos ang deadline. So sino ang gusto magpalista ? atsaka nga pala kasama lahat ng year levels na hawak ko pero by year level rin naman tig-iisa ang panalo. " tanong ni sir pms , ako naman ay medyo napatanga kase ba naman mag-aannounce ng contest tapos bukas agad ipapasa yung totoo ? Robot ba kami ? Pero saan daw tungkol sa paghate ? Medyo kakaiba ito ah.
Sa room namin ,medyo kakaunti ang nagpalista ,dahil una hindi naman nila kailangan ng pera at barya lang sa kanila iyon at pangalawa wala silang pake sa grades at mapapanalunan nila.
Kasama ako sa nagpalista, dahil kailangan ko nang pera at dahil mainit ang ulo sa akin ni sir pms kaya baka makaapekto sa grades at conduct ko kaya kapag nanalo ako may pang-reserba ako sa kanya. Dahil nextweek pa nga i-aannounce kung sino ang nanalo at wala namang kasiguraduhan na ako ang mananalo dahil medyo wala akong talento sa mga ganyang bagay pero alam ko naman kung ano ang dapat sa hindi. Dahil next-week pa nga i-aannounce at hindi sya aabot sa pagbili ko nang i.d. dahil hanggang bukas na lang valid yung letter napag-isipan ko na lang kapag ako yung nanalo ibabalik ko na lang yung nahiram ko kina nanay at tatay at ang mas masaya may ipon pa ako.
"Sir !" Biglang nagtaas yung lalaking nagpalista din.
Tumingin sa kanya si sir pms. "Bakit ? "
" matatapos po ba namin yun ? Wala po ba kayong ibibigay na time ? " tanong nung kaklase namin kay sir pms.
" ay oo nga pala lahat nang participants ay may isang buong araw na bakante para gumawa nang ipapasa ninyo , nakapag-paalam na ako sa mga teachers , so yung mga participants humayo na at gumawa nang sining ! " sabi ni sir pms , nagmaktol naman yung mga kaklase namin na hindi nakapagpalista dahil mag-iistay sila sa room para makinig sa mga teachers habang kami bahala kami kung anong gagawin namin.Si baklita nga e, nagpumilit magpalista kahit tapos na , kaso di sya pinayagan kase daw kung gusto na nya nung una pa lang nagpalista na sya agad.
Heto ako ngayon kung anong gagawin ko.
Hindi ako makapag-isip naglalakad lang ako ngayon , at hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko dito sa may puno sa may malapit sa enchanted house , ang pwesto ko.
Ang sarap parin nang simoy nang hangin , paniguradong makapagiisip ako.Tungkol sa paghate hmmm. Hate ko ang ? San ba ? Pumikit ako.
Hate ko ang ?. Hate ko ang...hindi ko alam. hays ang hirap mag-isip. Huminga ako nang malalim at nag-isip ulit.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Lang.
RomanceHindi mo alam kung anong gusto nya. Hindi mo alam kung anong ba ang dapat gawin para maging sa iyo sya.. Hindi mo alam kung paano ka nya mamahalin. Hindi mo alam kung paano ka nya tatanggapin. Hindi mo alam kung --- basta wala kang alam ng paraan o...