Tatlo

60 1 0
                                    


TATLO.

Malapit na matapos ang recess time, pero ayun sila nakapalibot dun sa lalaking tulog-- si Borromeo. Pati si Baklita inaaya ako doon , sama daw ako at titigan si Borromeo. Aanhin ko naman ang pagtingin ko dyan ?

"Tara na sister ! Punta tayo doon oh ! " sabi ni baklita at hinihigit -higit pa ako.

"Kung gusto mo pumunta edi pumunta ka, walang mangyayari sa buhay ko kung titigan ko yan, atsaka makakaahon ka ba sa buhay kapag tinitigan mo yan ? " pagkatapos kong sabihin yan ay umub-ob ako sa desk.

" Ay te ! Kj mo talaga , anong makakaahon-makakaahon sinasabi mo dyan nakuu ! Hindi ka makakaahon sa pagtingin sa kanya ! Alam mo kung bakit ? " tumigil sya at ako naman nagtaas ng tingin sa kanya , kasama rin sa pagtaas ang isang kilay ko.

" kase ...kase .. lulubog ka sa pagmamahal nya kyaaa ! " sabay takbo dun sa lalaking hanggang ngayon ay tulog pa din , lulubog ? Ilubog ko kaya ang mukha ng baklitang yan sa inidoro ! Atsaka ang nakikita lang naman nila e yung buhok , batok ,yung katawan yun lang ! Aanhin mo yun !

Napa-facepalm na lang ako, ano ba tong sinasabi ko?! Mamaya mahawa pa ako sa mga babaeng yan at isa ding binabae na nandoon. Gawa rin ito siguro ng hindi pagkain ngayong recess, kailangan ko kasing mag-ipon wala na atang tyansa talaga na makita yung i.d. ko atleast kapag humingi ako kana nanay ng pera , kaunti na lang yung ibibigay nila.

Hay buhay ! Kung titigan ko yang lalaking yan katulad ng pagtitig ng mga babaeng wala mangyayari sa buhay ko , pwera na lang kung kikita ka sa pagtitig dyan , aba eh, wala nang kurapan.

Napailing ako, hay ! Hay ! hay ! Umub-ob na lang ulit ako sa desk.

" Goodmorning class ! " napaangat ako ng tingin, may teacher na pala.

Nagsibalikan na sila sa kanya kanya nilang upuan, kasama na doon si baklita.

" ooohhh.. bakit andito si Mr. Borromeo hindi ba, hindi taga-dito iyan ? " tanong ng matanda na naming teacher , kahit tulog kilala pa din sya ng mga teacher ? Hindi kaya may kras itong matanda naming teacher kay Borromeo ?

" pinalipat po sa section namin " sagot ng isa sa kanila.

"Okay ...gisingin nyo na iyan. " sabi ng teacher namin ngayon.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan.

Bakit ano bang meron kapag ginising yang si Borromeo ?

" Ah eh miss kayo na lang baka kase magalit pa sa amin " sabi nila kay miss.

" at ang teacher nyo pa ang uutusan nyo ! " sigaw ni miss saamin.

Napairap ako, ang big deal oh.

Nagtitinginan pa rin sila kung sino ang gigising kay Borrome, kahit si baklita hindi nagvolunteer ah.

Ilang segundo ang nakalipas, nagtaas ako ng kamay.

" ano iyon Ms. Barrientos ? magvovolunteer ka ba sa paggising kay ---"

"Hindi po miss, ang akin lang po sinasayang natin yong oras sa pagdedesisyon kung sino ang gigising dyan " sabay turo ko kay Borromeo.

" Mas sayang kung hindi makikinig ang buong klase , at kabastusan naman iyon para saakin. " asik ni miss.

"Miss mas sayang po king aaksayahin nyo po ang oras para sa isang tao , bakit kapag nagising po ba yan paniguradong makikinig ho ba yan ? Atsaka hindi rin kayo sigurado kung nakikinig kami lahat sa klase nyo , pabayaan nyo po syang dyan matulog pera naman ho ng magulang nya ang sinasayang at winawaldas nya, halata naman pong mayaman yan, atsaka malaki na po yan alam na nya ang ginagawa nya sa buhay nya, narito pa po kami hindi lang sya ang estudyante dito , at humihingi na po ng paumanhin ang klase kung nabastos po kayo ng pagtulog ni Borromeo. " sabay upo ko, at huminga ng malalim kanina pa kase ako naiinis dahil dyan sa Borromeong yan , hate at worst day nanaman to para sakin ba't hindi ko pa lubuslubusin diba ?

Simula Pa Lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon