~Servant if the night~
ikalabing tatlong bala
by: MharlPabalik na kami sa office nya dahil sinundo kami ni Erl gamit yung bagong kotse ni Rafael, buti nalang at na trace daw nila kung asan kami dahil naka open daw yung gps ni Rafael
hanggang ngayon tulog padin sya at nakasandal saakin dahil mukhang hindi sya makatulog ng maayos kagabi dahil medyo makati daw yung higaan dahil nadin siguro hindi sya sanay sa ganung kama kaya nahihirapan sya, mabuti na ngalang at umulan kagabi kaya hindi mainit
"Pagod na pagod ata si boss ah" sambit bigla ni erl saakin kaya nginitian ko sya at saka ako tumingin kay Rafael na mukhang masarap ang tulog
"oo kasi anlayo din ng nilakad namin kagabi tapos binuhat nya pa ako, hindi oa sya masyadong nakatulog kagabi at hindi sya sanay sa kama" bigkas ko naman sa kanya na bigla nyang ikinatawa
"hay nako ganyan talaga yan si Boss pagdating sa kama, alam mo ba dati nag over night yan sa Bahay namin, nakakatihan sya sa kama ko kaya bumili sya ng kama makatulog lang ng maayos" natatawa nyang saad saakin na ikinatawa ko din atsaka ko hinawakan yung kamay ni rafael
"matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong ko sa kanya dahil mukhang kilalang kilala nya si Rafael, pati sila Damon parang antagal na nilang magkakakilala
"magkababata kami, dati hindi yan masungit si bossing kaso simula nung mga may nangyari sa buhay nya yun nagiba na din sya, dati masiyahin yan tas ngayon nakikita ko nalang syang nakangiti pag kasama ka" napaawang nalang amg labi ko sa bigla nyang sinabi saakin, hindi ko alam pero may parang kung anong gumagalaw galaw sa tyan ko sa sinabi nya at hindi ko mapigilang mapangiti
"What did you mean?" pagpapanggap ko
"i dont know, nung una nga akala ko pinag titripan ka lang nyan kasi mas straight pa yan sa earth axis tas lagi nyang sinasabi na natutuwa daw sya pag sinasaktan ka nya kasi feeling nya daw nakakabawi sya sa lahat ng nangyari sa kanya kaya dati lagi ka nyang binubugbog tas ngayon lalapitan ka lang namin parang sinusunog na kami sa impyerno" natatawa nyang kwento saakin na ikinakagat ko sa labi ko, grabe naalala ko nanaman yung kinwento saakin ni Joseff sa nangyari sa buhay nya
iniisip ko palang parang hindi ko kakayanin yung ganung pangyayari, he is really a strong man
"kalix dont leave us please, dont leave him, mainitin man ang ulo nyan but we value him like our brother we don't want to see him sad" dagdag nya pa saakin na ikinabuntong hininga ko atsaka ako napatingin sa suot suot kong Engagement ring na ibinigay nya saakin
totoo kayang mahal nya ako?
sigh
napapansin ko nga nitong mga nakaraang araw hindi na nya ako sinasaktanaliban sa pagpitik nya sa noo ko pag makatulala ako at hindi nakikinig sa kanya pero hindi na nya ako sinasaktan kagaya ng dati kaya nagiging komportable nadin ako pagkasama sya
"hey Rafael" gising ko sa kanya ng makarating na kami sa parking lot ng office nya at agad naman syang napamulat habang nagkukusot ng mata na tila ba nabitin pa sa pagkakatulog
"tara na, para makapag handa ka na din" bigkas ko sa kanya at tinanguan nya naman ako kaya lumabas na din ako
nauunang naglalakad si Erl saamin habang nakasunod naman kami sa kanya habang naka akbay sya saakin hanggang sa loob ng elevator
"inaantok pa ako" pagrereklamo nya saakin habang humihikab hikab pa at parang iritang ginising ko pa sya
agad kaming pumasok sa loob ng elevator, kaming tatlo lang ang nandito at nasa gitna nila akong parehas habang si Erl ay may kausap sa phone nya
BINABASA MO ANG
Servant of the Night
RomanceKalix Marquez, a Naive Gay who is afraid to Face the world. Dependent who can't live without his kuya, older sister and Father but what will happen if he Rafael Gonzales, a cold abusive and Violent man met him? will they click or will they end up br...