chapter 2

1.5K 65 10
                                    

~Servant of the night~
Pangalawang Bala
By: Mharl

Hindi ko maiwasang mapangiti sa ayos ng buong kusina nya

napaka ganda at malinis, gantong klase ng design ng bahay ang gusto ko, hindi malaki at hindi din maliit tama lang para sa isang pamilya unlike saamin napakalaki ng kusina parang laging may ikecatering

kumuha na ako ng mga gulay at ng baka sa ref, ito lang naman kasi ang pwede kong lutuin dahil ito lang ang meron sa loob ng Freezer nya

napatingin nalang ako sa phone ko ng biglang mag ring yun kaya pinunasan ko muna yung kamay ko at duon ko nakita na tunatawag si Kuya na ikinangiti ko

"Hello kuya" sagot ko sa kanya ngunit buntong hininga lang ang narinig ko sa linya na ikinataka ko

"may problema ba kuya?" tanong ko sa kanya dahil parang may pinoproblema sya

"wala naman, hindi lang kami sanay na wala ka dito, its so quiet and it feels gloomy" bigkas nya saakin na ikinangiti ko

"parang sira, i just left the house 5 hours from now" natatawa kong saad sa kanya

"Bakit pala ang aga mong nagising? ala singko palang ah?" hindi ko man nakikita ang itsura nya ngunit alam kong nagtataka sya dahil kadalasan 10 na ako nagigising, ito nga ata ang first time na nagising ako ng maaga kaya medyo inaantok pa ako feel ko puyat na puyat ako

"may k-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may umagaw ng phone ko na ikinagulat ko at duon ko sya nakitang nakasandal sa gilid ng ref habang tinitignan kung sino ang kausap ko

"no phone's allowed inside my house" saad nyang ikinaawang ng labi ko dahil alam ko nag phone sya kagabi sa kwarto nya

"my lord that's my ku-" nagulat nalang ako ng bigla nyang ibato sa basurahan yung phone ko na tila ba wala lang sa kanya kung ano ang ginawa nya at uminom lang ng tubig sa ref kaya dali dali kong kinuha yung phone ko na ikinalaki ng mata ko dahil may basag na yung screen

"fuck! kabibili ko lang nito" mahina kong saad habang pinupunasan ng kamay ko yung screen dahil sa mga basura, mabuti nalang at hindi masyadong malaki ang basag

"bilisan mo jan, i need to go to office now and mag bihis ka ng itim na damit, may ipapagawa ako sayo" saad nya saakin at agad na lumabas ng kusina na tila ba walang pakialam sa ginawa nya sa phone ko

fuck! ano nalang ang mangyayari sakin dito?

paniguradong nag aalala na sakin si kuya kung bakit ako nawala sa linya

tatawagan ko nalang sya mamaya

itinabi ko nalang yung phone ko habang nagluluto ako dahil baka hindi nya lang itapon ang phone ko pag nakita nyang ginagamit ko

mabuti nalang at mabilis kong napapambot yung baka dahil sa pressure cooker na ginamit ko

"perfect" bigkas ko ng tikman ko ang sabaw ng nilagang niluto ko kaya naghain na din ako, naka upo na sya habang nagkakape, may laptop sa harap nya at tila hindi pa nakita na naglagay na ako ng pagkain sa harap nya

"Ahm kain na po" bigkas ko sa kanya na ikinatingin nya sa nilagay ko sa table at agad nya din namang tinabi yung laptop at mga folder nya

akala ko ay sasandukan ko pa sya ng pagkain buti nalang at nagkusa na sya sa sarili nya

isa pa kinakabahan din akong kumilos kilos sa harap nya dahil pakiramdam ko ay may kung ano akong magagawa na ikakagalit nya

pinanood ko lang syang nagsasandok sa niluto kong ulam hanggang sa humigop sya ng sabaw na ikinakunot ng noo nya na bigla kong ikinakaba dahil mukhanf hindi nya nagustuhan

Servant of the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon