Chapter 22

761 25 4
                                    

~Servant of the night~
ikatlong Bomba
by: Mharl

*Kalix P.O.V

"Gela pakiusap pakibilisan please", halos humagulgol na ako habang nakikiusap ako kay Gela na bilisan ang pagpapatakbo sa kotse

sinasampal ko ng mahina ang mukha nya para magising sya ngunit walang nangyayari at hindi din sya gumagalaw

"R-rafael please dont leave me, please stay with me" pakiusap ko sa kanya, punong puno na ng dugo ang buong katawan ko at marami ng dugo nya ang nawala na mas ikinakaba ko

"G-ela tang ina p-please pakibilisan" halos hindi ko na magawang makapag salita dahil sa sunod sunod kong pagiyak at sobrang bigat na ng dibdib ko

ibinuka ko ang mga labi ni Rafael atsaka ko sya inihipan at binigyan ng hangin and i tried to pumped his chest para hindi sya mawala ngunit walang nangyayari

kinuha at hinawakan ko ang pulso nya  para pakiramdaman to na halos ikalaki ng mga mata ko at hindi ako makapaniwala dahil hindi ko ito nararamdaman na mas lalong ikinaiyak ko

"r-rafael pakiusap wag mo kong iwan, minsan lang ako humiling sayo please wag mo kong biguin" pagmamakaawa ko sa kanya and i kissed his lips na sunod sunod nagbabakasakaling magising sya kagaya ng ginagawa ko sa kanya tuwing umaga

"Gela bilisan mo na pakiusap" halos magwala na ako sa loob ng kotse dahil hindi ko na maramdaman ang pulso ni Rafael at natatakot akong isipin na baka iniwan na nya ako

nakita ko pang inabot ni amanda ang isang kamay ni Rafael at kinakapa ang pulsuhan nito na ikinagulat nya din at tumingin sya saakin

"w-wala na syang pulso, he's d-dead"

*Amanda P.O.V

"How is he?" napatingin nalang ako kay Damon ng magsalita sya, may tama din sya sa tagiliran mabuti nalang at daplis lang kaya mabilis din syang nagamot hindi gaya ni Rafael na napuruhan

sigh

"he is not talking, hindi din sya kumakain at namamansin" sagot ko sa kanya, sobra na akong nag aalala kay Kalix, simula ng dalhin namin dito si Rafael tatlong araw na ang nakalipas ay hindi na nagsalita si Kalix, hindi din sya umaalis sa tabi ni Rafael at kung kakain man ay dalawa hanggang apat na subo lang at laging umiiyak

hindi din sya nakakatulog dahil kinakabahan syang baka may sumugod kay Rafael kahit sinabi naman na ng doctor na stable na si Rafael at any moment ay pwede na syang magising

pinabantayan din namin ang buong hospital dahil pag mamay ari naman to ni rafael ay mabilis lang naming nagawan ng paraan

"kumain na ba sya?" tanong bigla ni Gela saakin pero inilingan ko lang sya, hindi nya man lang ginalaw yung pagkain nya simula kaninang umaga tubig at kape lang ang hiningi nya kaya kinakabahan akong baka anong mangyari sa kanya

"Si Sirena at Red? makakapunta daw ba?"

"oo baka maya maya lang andito na sila, dinalhan nila ng damit si Kalix at mga pagkain" hanggang ngayon din kasi hindi pa sya nakakapag palit ng damit, naka gown padin sya at punong puno yun ng dugo

kinakabahan ako na baka na trauma na sya sa nangyari

"Sige susubukan ko syang pakainin" biglang sabi ni Gela na ikinatango ko, hindi ko alam kung magagawa nyang pakainin si Kalix pero sana oo dahil kahit kami ay hindi namin sya mapakain

"tutulong na din ako, ayaw ko namang ganyan ang nangyayari kay Kalix" sagot naman ni Ayeesha at tinanguan ko nalang din sya at kinuha nila ang pagkain na nasa lamesa atsaka sila lumapit sa tabi ni Kalix

Servant of the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon