~Servant of the night~
ika syam na bala
by:MharlHindi naman dapat ako kinakabahan na pumasok ngayon sa office kung hindi lang nangyari ang ginawa ko kagabi kay rafael
Hindi pa ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip at may kaunti pa akong hang over dahil uminom ako para antukin ako kahit papaano pero hindi din naman nakatulong at mukhang nakadagdag pa sa pag oover think ko
"Sandali lang po Mr. Marquez" napatingin nalang ako sa likod ko ng biglang may tumawag saakin ay duon ko nakita yung guard na nakausap ko kahapon
"ahm bakit po?" walang gana kong tanong, siguro magkakape nalang ako ng magkakape para naman hindi ako antukin sa trabaho
"Kasi po kayo po yung naiwan ko kahapon sa parking lot, may nang gago po kasi sa kotse ni Mr. Gonzalez eh hindi naman po nahuli sa cctv may nakita po ba kayo kahapon or ahm may alam po ba kayo sa nangyari?"
tinatawag ba akong gago ng lalaking to?
"wala po kuya" maikli kong sagot pero muli nanaman nya akong hinarang na ikinagulat ko
"sigurado po ba kayo? kasi po may nakakita po sa inyo na binaril nyo daw po yung gulong" napataas nalang ang kilay ko sa sinabi nya, wala namang tao kahapon dun sa parking eh tapos chineck ko na wala talagang makakakita saakin
"wala nga kuya nagmamadali na ako" mabilis nalang akong naglakad papasok sa loob ng office at agad naman akong binabati ng mga taong nakakasalubong ko pero wala talaga ako sa kondisyon na batiin sila pabalik dahil inaantok pa din ako na nakaka dagdag sa sakit ng ulo ko
Pagkarating ko sa elevator ay mabuti nalang at wala akong nakasabay kaya isinandal ko nalang ang sarili ko sa dingding at ipinikit ang mata ko
Napamulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto at duon ko nakita si Mr. Mendez na nakangiti saakin pero hindi ko na sya pinansin
"Mukhang hindi ka nakatulog Mr. Marquez?" tanong nya saakin pero hindi na ako nag abalang sumagot, sa lahat ng empleyado dito sa kanya talaga ako pinaka naiinis
ewan basta
ang panget nya
"Pina reschedule ko yung meeting natin because of what happened to you last time, okay ka na ba ngayon?" tanong nya saakin kaya tinanguan ko nalang sya at bumaba na din ako sa floor kung saan ang office ko at agad naman akong sinalubong ni roselyn
"Ahm nasa loob po si sir red" bungad nya saakin na ikinangiti ko, matagal tagal na din kasing hindi nakakadalaw dito si kuya dahil na din sa mga nangyayari sa business namin sa china
"sige salamat, tatawagin nalang kita pag kailangan na kita magpahinga ka muna" sagot ko naman sa kanya
"nga po pala, mamaya na po yung MD runway, gusto nyo po bang dito na magbihis or sa mismong event na po?" oo nga pala, jusko wala akong maayos na tulog kaya baka maging hagard ako sa fashion show mamaya siguro matutulog nalang ako ng mga 2hours makabawi bawi man lang
"dito nalang, marunong naman akong mag make up, pakidala nalang dito mamaya yung damit na susuotin" pagkasabi ko nun ay pumasok na ako sa loob ng office ko at duon ko naabutan si Kuya Red at Ethan na naglalaro ng ML sa couch at nagmumurahan
"Goodmorning baby" nakangiting bungad saakin ni Kuya red at ibinaba nya ang phone nya para yakapin ako
"Goodmorning honey bunch sweetie pie, bockszs mapag mahal 24/7 sayo lang kakandong at babalibag kahit sa sahig o mapabanig baby girl na may egg" nang iinis naman na bati ni ethan at yumakap din sya saakin
nasanay nalang din talaga ako na andito sya araw araw, palibhasa anak ng mayaman kaya kahit hindi magtrabaho magkaka pera sya
"wala ka atang masyadong tulog?" tanong naman saakin ni kuya na ikinatawa ko, ganun ba kalaki ang eyebags ko at dalawa na silang nakakapansin?
BINABASA MO ANG
Servant of the Night
RomansaKalix Marquez, a Naive Gay who is afraid to Face the world. Dependent who can't live without his kuya, older sister and Father but what will happen if he Rafael Gonzales, a cold abusive and Violent man met him? will they click or will they end up br...