Chapter 49

602 28 13
                                    

~Servant of the night~
Chapter 49
By: Mharl

Napabaliktad nalang ako ng biglang umiyak si Alize na muntik ko pang ikahulog sa kama na ikinatawa ko

"You're really my alarm clock" natatawa kong sabi dahil tuwing umaga kung hindi sa halik ni Rafael ay sa kanya ako nagigising

napatingin nalang ako sa tabi ko pero wala sya na ikinakunot ng noo ko kaya pinuntahan ko nalang si Alize na iyak na ngayon ng iyak

"Sorry baby, are you hungry?" tanong ko at agad din naman syang tumahan ng makarga ko na na ikinangiti ko kaya pumunta agad ako sa drawer para ipagtimpla sya ng gatas

sabi nila mahirap daw maging ina but in my case naeenjoy ko sya lalo na at kasama namin sya ulit ni Rafael

"Umalis nanaman daddy mo, hindi ako ginising" saad ko kay Alize na nakatingin lang saakin kaya ipinainom ko na agad sa kanya yung gatas nya atsaka ako pumunta sa cr habang karga karga sya at nag toothbrush agad ako

"Look who's that beautiful girl" masaya kong sabi habang nakatingin sa salamin at tinanggal ko ang dede nya

"You really looks like your dad, sana lang hindi mo mamana ugali nyang mainitin ang ulo" napailing nalang ako kapag naaalala ko yung mga nangyari samin dati nung unang beses kaming magkita

that was hell and something that i don't want to experience again

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na din akong bumaba at naabutan ko si Jpih at Ethan na naghaharutan habang si amanda naman ay nag kakape lang

"Goodmorning po" tawag bigla ni Jpih at agad syang lumapit para kunin saakin si Alize

"Goodmorning, Si Rafael nakita nyo ba?" tanong ko sa kanila pero umiling lang sila

"Hindi nga namin namalayan na umuwi pala kayo kahapon, gabi na din kasi kami umuwi di din naman sya dumaan dito kanina baka kasama si Damon" sabi naman ni Ethan na ikinatango ko

baka nga dahil parehas silang wala ngayon

pumasok nalang ako sa kusina at kumuha ako ng Kape at slice ng cake atsaka ako tumabi kay amanda na nagtatype ng report nya

"Saan pumunta sila damon?" tanong ko habang busy na busy sya sa ginagawa nya

"Si Damon may binili lang pero si Rafael di ko sure kasi kanina hindi ko din sya nakita eh" sagot nya naman sakin na ikinabuntong hininga ko

saan naman kaya sya pumunta? imposible namang pumasok sya ngayon eh sabi nya nag leave daw muna sya sa company

Kinuha ko nalang yung phone ko para icheck if may messages sya pero wala naman, wala din syang missed calls or anything kaya agad kong idinial yung number nya

nakailang ring na ako pero hindi nya sinasagot laging busy at the moment eh hindi nya naman iniiwan o pinapatay ang phone nya tsaka imposibleng low battery sya eh lagi syang may power bank sa sasakyan

"Ano?"

"He is not answering his phone" sagot ko lang sa kanya dahil medyo nag aalala ako sa kanya, dati kasi tatlo na ang pinaka matagal kong missed calls sa kanya bago nya sagutin pero ngayon nakailang calls na ako hindi nya talaga sinasagot

"Baka naman may pinuntahan tapos naiwan nya yung phone nya sa sasakyan nya?" pagpapakalma saakin ni Amanda na ikinabuntong hininga ko

hindi man lang din sya nagpaalam kung saan sya pupunta

"hindi eh, anjan yung kotse nya eh" sagot naman ni Jpih na ikinakunot ng noo ko

he left his car?

Servant of the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon