Chapter 32

1.1K 39 8
                                    

~Servant of the night~
Chapter 32
By: Mharl

"When the night has come At pinatay ang ilaw Oh, madalas, lumalabas Banyo queen
Oh darling, darling, stand by me Oh - oh stand by me Oh madalas, lumalabas Banyo queen" hindi padin ako umaalis sa tabi ni Amanda habang kumakanta si Gela, andito na kami ngayon sa private island ni ninong at halos 5 oras ang tinagal ng byahe namin

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong saakin ni Amanda, 10 na din kasi ng gabi at tulog na ang karamihan sa mga empleyado maliban sa iilan na nag iinuman at kumakanta gaya ni Gela

Andito kami sa tabing dagat lahat matutulog gamit yung mga Tent na ipinahiram ng resort dahil kasama to sa team building namin na naisip ni Roselyn kaya 2 days kaming gagamit ng tent at sa pinaka last day ay duon palang kami lilipat sa hotel

"h-hindi pa, mamaya na" pag tulog na si Rafael, kinakabahan kasi akong kausapin sya o lumapit sa kanya matapos ang sinabi nya saakin, ligawan? gusto nya ulit akong ligawan? hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya pero grabe ang kaba ko habang iniisip ko ang sinabi nya

napatingin nalang ako sa phone ko ng bigla yung tumunog, pina alarm ko kasi yun para malaman kung kailan iinom si Rafael ng gamot mabuti nalang at bumaba na ang lagnat nya

"Oh painumin mo na ng gamot para mawala na talaga yung lagnat nya, balita ko maraming ipapagawang activity si roselyn buks" sabi naman ni Gela na ikinabuntong hininga ko

Calm down kalix, wala naman sigurong masama dun kasi liligawan ka lang naman daw nya, it doesn't mean na magiging kayo ulit, tama nasa saakin padin naman ang decision

"pwedeng ikaw na magpakain kay bossing? hindi nya ginagalaw yung pagkain nya eh hindi daw sya gutom pero wala naman syang kinain kanina sa byahe baka manghina sya" sabi bigla ni Axel saakin na ikinatango ko at kinuha ko na yung plato nya na wala ngang bawas kahit isa

"asan ba sya?" kanina ko pa kasi sya nilalayuan kaya hindi ko alam kung asan sya pumunta pagkababa ko ng bus, tinatawag nya ako pero di ko na sya pinansin

"Nasa tent nyo, mukhang walang gana nakahiga lang"

"yan iniwasan mo kasi nalungkot tuloy" paninisi naman saakin ni ethan so i rolled my eyes on him but he just laughed at me so i raised my middle finger on him

"Sige bukas nalang, gusto ko na ding magpahinga ang layo ng byahe natin" sambit ko sa kanila atsaka na ako nakipag beso sa kanila

"Wag mong mamanyakin si Jpih ah" paalala ko kay ethan na ikinatawa nya

"Pag may umungol mamayang gabi wag mo nalang kaming guluhin" napailing nalang ako sa kanya atsaka na ako tumayo, hinanap ko yung sinasabing tent ni Axel, may ilaw sa loob pero parang walang tao kaya agad na akong pumunta dun

napahinto nalang ako bago ako pumasok sa loob, hindi ko alam pero kinakabahan kasi ako paano kung tanungin nya ako ulit kung pwede nya ba akong ligawan, ayaw ko naman syang i reject pero ayaw ko din syang payagan na ligawan ako

"R-rafael ako to papasok ako" sabi ko sa kanya pero walang nagsalita kaya pumasok nalang ako sa loob at duon ko sya nakitang nakahiga at nakakumot habang nakatingin saakin

*aww

napangiti nalang ako ng biglang lumabas si Cloud sa loob ng kumot ni Rafael at agad syang pumunta saakin kaya inilapag ko muna saglit yung pagkain nya

"Andito ka pala kanina pa kita hinahanap" sabi ko sa kanya at saka sya binuhat at agad naman syang sumisiksik sa leeg ko

"iniwan mo kasi kami kanina sa bus eh" napatingin nalang ako kay Rafael ng magsalita sya atsaka sya bumangon mula sa pagkakahiga

Servant of the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon