Chapter 23

843 29 1
                                    

~Servant of the night~
ikaapat na Bomba
by: Mharl

*Someone's P.O.V

"Boss nasa kamay na natin sya bakit pa natin papakawalan?" tanong ko sa kanya, andito kami ngayon sa bulacan kasama ang walang malay na si Kalix Marquez, pagkatapos ko syang kunin kanina ay dinala ko sya kay Bossing pero gusto nyang ibalik ko sa kalix kay Mr. Gonzales

"I want a war, napaka dali naman kung papatayin ko lang sya, that is not cool and boring, i want him to suffer of regrets and killing this gay is not enough, gusto ko syang unti untiin hanggang sa sya na ang pumatay sa sarili nya" sabi nya saakin na ikinalunok ko at napatingin ako sa Marquez na mahimbing padin na natutulog

"pero nakita na nya ang mukha ko, malakas ang pakiramdam ko na isusumbong nya ako kay Gonzales" kinakabahan kong sabi na ikinatawa no bossing at may kinuha syang kung ano sa bulsa nya

may inilabas syang isang syringe at maliit na bote na may white liquid sa loob

"iturok mo to sa kanya para mawala ang mga ala ala nya" sabi nya saakin kaya agad ko naman yung inabot, hindi ko pa natatry na magturok sa ibang tao kaya kinakabahan din ako na baka hindi ugat ang maturukan ko

"hello Rachel" napatingin nalang ako kay boss ng marinig ko ang pangalan ng ex ni Gonzales, Magpapakasal na sana sila kung hindi lang nagawang pikutin ng baklang to si Mr. Gonzales

tsk

what's with you Kalix Marquez, bakiy baliw na baliw sayo ang fiancee mo?

"yeah, you want to take revenge?" rinig kong bigkas nya pa at bigla syang tumawa

"okay let's meet tomorrow" sabi nito at inend na ang call atsaka sya tumingin saakin

"oh bat di mo pa yan tinuturok?", napabalik nalang ako sa ulirat ng mapansin nyang hawak hawak ko padin ang syringe kaya agad kong ipinasok yun sa bote para kunin lahat ng gamot na andun

napaawang nalang ang labi ko matapos kong maamoy ang napaka tapang na amoy ng antibiotic

hindi na ako nagsayang ng oras at agad kong  itinurok yun sa leeg nya, hindi ko alam kung tamang ugat ba ang naturukan ko pero sana naman ay gumana ito upang magawa ko pading manmanan si Mr. Gonzales at mga kasamahan nya

*Kalix P.O.V
"Bilisan nyo umuulan" unti unti kong iminulat ang mga mata ko matapos akong makarinig ng Isang mapakalakas na mga sigawan ngunit hindi ko magawang makamulat ng buo dahil sa patak ng ulan ngunit malayo pa lang sila ay kilalang kilala ko na agad kung sino sila

kitang kita ko ang pag aalala sa mga mukha nila lalo na ang papatakbong si Rafael na ikinakunot ng mukha ko

dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at ngayon ko lang napansin na nasa kalsada pala ako na ikinataka ko

"t-teka? anong nangyari?" nagtataka kong tanong

nagulat nalang ako ng biglang may yumakap saakin na ikinabagsak namin parehas sa sahig

"B-baby im sorry" sabi nya saakin habang pilit akong inaabot at hindi ko alam kung anong nangyayari hanggang sa makita kong nagbukas ng payong si Amanda para payungan ako habang yakap yakap ako ni Rafael

"a-anong nangyari?" hindi ko alam kung papaano ako napunta dito ang huli kong naaalala ay nasa rooftop ako ng Hospital tapos biglang tumawag si Damon na gising na daw si Rafael

"m-magaling ka na?" ngayon lang ako nakabalik sa mga senses ko ng makita ko syang nakatingin saakin na ikinangiti ko

"my lord are you fine?may masakit pa ba sayo?" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya

Servant of the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon