Nine- The Day After

56 1 0
                                    

Madz

"Hoy gising. Hoy madz! "

Ano ba yan ang aga aga pa. Istorbo talaga to si mama. Madaling araw na kaya ako hinatid nila Tina. Inaantok pa nga ako eh.

"Ma, wala akong pasok ngayon. Hayaan mo kong matulog..." Nakahiga pa rin ako at tinalikuran ko sya.

" anak gunising ka na. May ikkwento ka pa dba? " ang kulit ni mama. Oo nga pala. Tungkol kay Vincent yung ibig niyang sabihin.

"Ma, nasabi ko na di ba ? Tapos na kami ni Vincent. Yun na yun." Umupo na ko ng sabihin ko yun kay mama.

" pero bakit hindi mo sya pinagpaliwanag? Kahapon sabi nya skin mahal na mahal ka nya." Sabi ni mama na nagwoworry. Kaloka to si mama. Ako nakamove on na pero sya on the way pa lang.haha

"Kahapon?! (Gulat) . eh di sana tinanong mo rin kung bakit kami naghiwalay.( so si mama na mismo nagconfront kay Vincent) Wag ka maniwala dun ma! Pinagpalit nya nga ko eh.. Tanungin mo pa si Tina. " sabi ko at nahiga ulit para matulog.

Nakatulog na ko at hindi ko naramdaman ang paglabas ni mama sa kwarto ko.

Tina

"Hello, " sagot ko sa phone ko. May maaga kasing istorbong tumawag.

"Hello, Tina. Si tita nea mo toh." Sagot ng nasa kabilang linya.

Biglang nawala antok ko. Bakit kaya napatawag si tita ng napaka aga.

"Ahh. Oh tita napatawag po kayo.."

"Pwde ba tayo magkita.?"

" huh? Bakit po tita? Sige po wala naman po akong gagawin ngayon."

" sige hija sa Caffe Dolce ha. "

" sige po tita."

Bakit kaya gustong makipagkita ni Tita Nea sa akin? Tungkol saan naman kaya yung pag uusapan namin.?

Maaga pa pwde pa ko matulog.

.

.

.

.

.

Waahh! Wala na lumipad na yung antok ko.! Si tita naman kasi.! Makaligo na nga lang.

Fast forward

At Caffe Dolce

"Tita, totoo po yun. Niloko po siya ni Vincent. " pagpapaliwanag ko kay tita Nea. Kasama ko sya ngayon dito sa isang coffee shop. Tungkol kay Madz at Vincent pala yung pag uusapan namin. So knwento ko lahat ang nangyari.

"Ganun ba. Loko pala yung Vincent na yun eh. So inuto nya lang pala ako kahapon! " tulalang sagot ni tita.

"All this time naniwala ako na mahal niya ang anak ko tapos niloko niya lang pala.! " dagdag pa niya na parang naluluha. Medyo tumaas boses ni tita kaya napatingin yung mga tao dito sa shop.

"Tita hayaan nyo na po. Okay naman na po si Madz eh." Pagpapakalma ko kay tita.

Makikita sa mata ni tita na nagulat sya sa mga kwento ko. Parang nabroken hearted din sya. Juice colored! Nakamove on na si Madz tita. Mag move on ka na din!

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni tita. Mas madaldal sya kesa kay Madz. Halos hindi na nga maputol tong pag uusap namin. Kanina ko pa gustong isingit na uuwi na ko pero hindi ko magawa. Kanina pa nga ko naghihikab hindi pa ba nya nahahalata? Kwento kasi ng kwento eh.

Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon