Three- Don't Fight with the Broken Hearted!

68 1 0
                                    

Madz

"Mahal ko pa siya at minahal din kita"

Paulit ulit kong naririnig sa isip ko. Hayys! Di ko mawari nararamdaman ko. Naiinis. Naiiyak. Ano ba toh! Tama na ang kaiisip! Ayoko na.

Papunta na ko ng sakayan at nadaanan ko na naman tong park. Mula ng magbreak kami ni Vincent hindi na ko tumambay sa lugar na toh.

Tumigil ako at sinulyapan ang buong paligid ng park parang nakikita ku ung sarili ko kasama si Vincent na nkaupo magkahawak kamay at nag uusap. Day dreaming!

Nangingilid na mga luha sa mata ko ng may marinig akong sumisigaw.

"Miss.! Miss.! Tumabi ka ! Tabi ! Walang preno tong bike! Tabi! "

Hindi ko alam kung saan galing yung ingay na yun. Medyo lumabo paningin ko dahil sa luhang naipon sa mga mata ko. At..

BLAAAAGGGG..!!!!

Ace

"What the hell!" Sigaw ng babaeng nasagasaan ko.

" Miss Okay ka lang ba? " tanong ko.

Aalalayan ko sana siyang tumayo pero tinulak niya ko. Kung ayaw niya ng tulong eh di wag.! Suplada nito.

"Eh kung ikaw kaya ang sagasaan ko magiging okay ka!!?" Sigaw niya skin na galit na galit.

"Kasi ikaw eh, haharang harang ka. Sigaw na nga ko ng sigaw di ka pa rin tumabi.!" Sagot ko. Nakakapikon eh! Kala mo kung sino makasigaw.

"So your telling me that it is my fault??!!!"  Taas kilay niyang sigaw sa akin.

Umi'english english pa toh! Kala niya siguro masisindak nya ko.

"I didn't say that but thanks for admitting it anyway. !" . yes! Ang galing ko. Naisip ko yun!  Oh ano ka ngaun! Hahaha

Sinamaan niya ko ng tingin. Nginitian ko lang siya. Ngiting nang aasar ba! Hehe.

Tumayo sya sa pagkakatumba niya at nag ayos ng sarili. Hinawi nya yung buhok na nakaharang sa mukha nya. Hmm, maganda pala siya,kaso masungit. Parang isang taon yatang hindi dinatnan.

Nakatingin lang siya skin. So nagpacute naman ako.hahaha. Lalo tuloy siyang nagalit.

"Kung bakit ba naman kasi gagamit ka ng bike yung wala pang brake!"- babaeng masungit.

"Kaya nga ako nagsisisigaw dba? Kung hindi ka sana tulala jan narinig mo sana , nakaiwas ka sana hindi sana kita mababangga!" Sabi ko skanya nakakainis na eh. Hindi naman malaking issue pinapalaki niya!

Booooogg!! Sinuntok ako ng babaeng kausap ko sa mukha. Masakit yun aa!

"Ako yung nasagasaan !. Ako yung biktima dito! Simpleng sorry lang d mo pa magawa! Yan ba talaga gawain nyong mga lalaki kayo! Ang manakit ng babae! " gigil na sabi niya at parang naiiyak pa. Naglakad na sya palayo. Naiwan tuloy akong pinagtitinginan ng mga tao.

Madz

"Aray!" Napapangiwi ako sa hapdi habang ginagamot ko tong sugat ko sa braso knina ng masagasaan ako ng bwisit na yun. Ito kasi ang unang bumagsak pagkatumba ko.

Nakakainis talaga pag naalala ko yung pagmumukha niya. Siya na nga nakabangga siya pa tong maanggas! Nakatikim tuloy sya ng suntok ko. Masakit sa kamay pero at least nakaganti ako,

Pero in fairness may itsura siya lalo na nung nagpacute siya ng mahalata niyang tinitingnan ko syang mabuti. Parang ang amo amo ng mukha niya. Pero yung boses nya bat ganun? Parang babae. Hindi kaya tibo sya o bakla kaya?? Hindi naman siguro. Pag naging babae siguro sya napakaganda niya. Magandang mga mata, matangos na ilong at yung lips parang ang sarap halikan. Pagnanasa? Oh no! Never!  Kahit ganun sya kapogi naiinis pa rin ako sa kanya. !

Ace

Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa din kung anong problema nung masungit na babae kanina sa mga huling sinabi niya. Ilang lalaki na kaya ang nanakit skanya at pati ako dinamay niya. Halatang may pinaghuhugutan siya. Whogoat101! Kaya siguro tulala kanina.

Ako nga pala si Anna Celestine Estrada. Short for Ace. Yeah. You heard it right, I mean you read it right. Babae ako. Nasa hanay ako ng mga lesbians. And I'm out and proud.

Magandang babae. Pero babae din ang mga type ko. Kaya ito naging pogi na. Madalas akong napagkakamalang tunay na lalaki pero nahahalatang tboom dahil sa boses at minsan sa mga kilos ko. Kaya siguro maka'kayong mga lalaki si ms. Sungit knina dahil buong akala niya lalaki talaga ko.Oohh, kitams ! Ganun ako kapogi. Hahaha

Elementary days pa lang naramdaman ko ng iba ako.

High school days sinubukan kong magbf baka sakaling mabago ko pa. Pero hindi na talaga eh. Mas lalo ko lang naramdaman na babae ang gusto ko. Mas astig pa nga ako sa naging bf ko noon at hindi ko na inulit yun.

Hindi naman sa pagmamayabang pero gustuhin ako, mapababae o lalaki. Kahit nga ganitong hitsurang lalaki na ko may mga lalaking malalakas ang loob na nanliligaw . At karamihan naman sa mga kaibigan kong babae type ako. Ohaa! Kahit san ako lumingon may sasalo skin.

Pero kahit ganun never pa akong nagkagf. Promise. Ewan ko ba. Sa dami ng nagkakagusto skin wala akong magustuhan sknila.Siguro may hinahanap ako na wala skanila kaso d ko alam kung ano un.

With my parents naman alam na nila kung ano ako pero hndi pa din nila ko totally tanggap lalo na yung tatay ko. Hindi ako komportable pag kasama ko sila sa bahay. Kaya nung magcollege na ko pinilit ko talaga ung nanay ko na mag enrol sa malayong school para makalayo sknila. Buti na lang napapayag ko, kaya sa boarding house ako nakatira ngaun. Occasionally na lang ako umuwi sa kanila.

Nandito kami ngaun sa labas ng boarding house. May kanya kanya kaming ginagawa ng mga kaboard ko. May mga nagrereview ,nagkwekwentuhan , kumakanta, sumasayaw at nakatulala lang.

Parang ako, nakatulala lang dito. Nangingiting mag isa, aakalain nyo sigurong baliw na ko. Naalala ko kasi yung pagmumukha ni Ms. Sungit. Oh baka kung anong isipin nyo huh! Naaalala ko lang yung hitsura niya nung galit na galit siya. Kahit ito't nagkapasa ako sa suntok niya (buti na lang maliit lang) parang ang sarap sarap niyang asarin. Siguro bugbog sarado ako kung sa bawat pang aasar ko suntok niya ang kapalit. Ang cute niya eh, para siyang mabangis na tiger. Hahaha. Hindi tuloy siya maalis sa isip ko. Makita ko pa kaya siya ulit.?

--------------------

Hello ☺. Oh ano nabighani rin ba kau sa katangiang taglay ni Ace? Kasi ako oo. Haha. Hindi na daw maalis sa isip niya si Madz. Sa tingin nyo ba ung hinahanap niya Kay Madz niya makikita? Magkikita pa kaya sila? Peg ibeg na kaya ito para kay Ace? Abangan. . hahaha . salamat sa patuloy na nagbabasa ☺☺☺☺


Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon