Madz
Kahit kelan talaga napakaboring ng prof na toh. Ang daya kasi ng Tina na yun eh hindi siya pumasok dito. Kung maaga lang siguro siya nagtext na hindi papasok hindi ko na lang din dapat pinasukan tong boring na prof na toh. Kainis! Inaantok lang ako dito. Halos di ko na nga naiintindihan yung lecture niya.
Blahh..
Blahhh,..
Blaahhh..
Blaahhhhh...
"OK class . that's all for today ."
"Whoaah!" Hiyawan ng mga classmate kong bagot na bagot na din.
Hayys! Makakauwi na din sa wakas. Ay hindi pa pala. Pinapupunta nga pala ko ni Tina sa court. Dun kasi siya tumambay ngayon.
May kalayuan yung court dito sa last subject ko.
"Ha-ha-hi Madz!" Nauutal na bati sa akin ng kasalubong ko. Si Mike the nerd one. Naawa nga ko sa kanya dahil lagi siyang binubully eh.
"Hello " nakangiti kong sabi. At ayun umarteng parang nahimatay. Haha. Crush niya na daw kasi ako since high school.
Malapit na ko sa court at tinatanaw ko kung saan nakapwesto si Tina. Wala naman akong makitang Tina dito. Ittxt ko na lang ulit siya. Muaupo na lang muna ako sa bleachers at manonood ng naglalaro ng basketball.
Nakaupo na ako ng tumigil yung mga naglalaro. Naglapitan naman yung mga kerengkeng na babae para punasan at bigyan ng tubig yung mga pawis na players. At whaaattt??? Si ace at jan ba yun? My Gosh! Napatakip ako bigla ng mukha. Buti na lang may libro akong dala to cover my face.
Nararamdaman kong malapit sa inupuan ko ang pinuwestuhan nila. Kaya dahan dahan akong tumayo na nakacover pa rin ang mukha at maglalakad na palabas nitong court.
"Tol sigurado ka bang pupunta dito si madz ?" Narinig kong tanong ni Ace kaya natigilan ako. Aba ! Bakit ako ang pinag uusapan nila?
"Sure yun tol. Sinabihan siya ni Tina na dito dumiretso after ng class niya" sagot naman nitong si jan.
Lokong Tina toh aa pinapunta ko dito kahit wala naman pala siya dito. Humanda yun sa akin! Hahakbang na sana ako ng
"Madz!!!"
Napakagat labi tuloy ako at napalingon dun sa sumigaw ng pangalan ko. Si Crystal ang pafamous dito sa Uni. Kaya ayun nakita tuloy ako nung dalawang tinataguan ko.
"Great you're here! Just wanna invite you sa party ko next week. Nabigyan ko na si Tina, you should come!" Sabay abot ng invitation sa akin. Utos ba yun?
Tumango tango na lang ako. Itinakip ko ulit yung libro sa mukha ko at dahan dahan na namang tumatakas.
"Madz.. " naku naman oh! Pinagpatuloy ko ang paghakbang ko.
"Madz.!!" Tawag nito ulit. Ano ba paalisin nyo na ko dito!!!!
"Sandali lang Madz.," sabi nito. Lumingon ako sa kung saan nang galing yung boses at ang nakita ko ay si Ace. Nginitian ko sila at kumaripas ako ng takbo.
"Madz sandali hoy!!!" Paulit ulit kong naririnig
Nakalabas na ko ng court. Naririnig ko pa ding tinatawag niya ko. Hayy buti na lang nakalabas na ko. Huminto ako dahil hinihingal na ko. Pero hinabol pala ko ni Ace at Jan kaya nagtatakbo ulit ako.
"Madz wag kang tumakbo hintayin mo kami!"
"Madz sandali lang..! Madz!!! " Naririnig kung sigaw nila.
Pero hindi ko sila pinakinggan at lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Pero bakit nga ba ako tumatakbo? Bakit ko ba sila tinatakbuhan?? Waahh!!! Basta ayoko lang silang makita!! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga teachers at students.
Naku mukhang malayo layo pa yong gate.. Baka maabutan na nila ko.!
Takbo...
Takbo..
Takbo..
Patuloy pa rin nila akong hinahabol.. At patuloy pa rin sila sa pagsigaw ng pangalan ko. Kainis naman oh!
Takbo..
Takbo..
Medyo malayo layo na tong natatakbo ko ha! Masakit na sa binti.
Takbo..
Takbo,,,,
At yes! Natatanaw ko na ang Finnish line ! Yung gate. Hahaha.
Pagkalabas ko ng gate sasakay na ako agad ng pedicab tricycle jeep bus o ano mang pwde kong sakyan palayo dito, pagpaplano ko sa isip ko.
Pagkalingon ko nakasunod pa ding tumatakbo yung dalawa. hingal na hingal na ako. Kaya agad na akong lumabas sa gate. Pero pano ba toh wala naman akong makitang pwdeng sakyan! Hindi nila ko pwdeng maabutan ! Ayoko silang makausap..Ano ba!? Nasan na ba ang mga driver.?!
Wala pa ding nagdadaang sasakyan. At may humintong kotse sa harap ko. This car is so familiar. Bumukas yung pinto ng kotse at
"Madz ?.. Can we talk?. "
Nagulat ako at hindi ako agad nakapagsalita .
"Please. I just wanna clear things with you.. Would you?" Sabi niya ulit.
Hingal na hingal pa rin ako sa pagtakbo.
"Madz.. Wait...!!! Sandali....!!" Naku ! Ayan na sila Ace..! Papalapit na sila dito!
Tiningnan ko yung taong kumakausap sa akin, sa ngayon siya lang ang makakatulong para makaalis ako dito..
"Okay let's talk but not here.! " sabi ko sabay sakay sa kotse niya.
Hayysss!!! Nakahinga ako ng maluwag ng umandar na ang kotse. Salamat at hindi nila ako inabutan.
Tina
"Babe..." Hingal na hingal kong tawag kay Jan.. Pano ba naman kasi hinabol ko sila at dito ko lang sila naabutan sa gate.
Lumabas kasi ako ng court para bumili ng meryenda tapos pagbalik ko nakita ko na lang na tumatakbo si Madz na hinahabol nila Ace at Jan. At ito namang si Ace at Jan hinahabol nila Crystal at company kaya ako naman nakitakbo na rin para habulin din sila.
"Ace!!! May Gosh! Ang layo ng tinakbo ko ha! Muntik na kong himatayin!!" Maarteng sabi ni Crystal. Naunahan ko pa sila dito sa Finnish line.
"Why are you making habol ba that madz !?" Maarte niyang tanong ulit. At hawak sa braso ni Ace.
"It's none of your business!! Umalis na lang kayo!" Sabat ko.
"Hhmmm!!!. bye baby Ace.. " kahit ganun na pasikat at kinatatakotan siya ng ilan dito sa Uni takot pa din sya sakin, hahaha. Actually kababata din namin ni Madz tong si Crystal kaya close kami na parang hindi.
"Bakit ba kayo nagsipagtakbuhan kasi???" Tanong ko.
"Eh pano ba naman kasi yung kaibigan mo nagtatatakbo na lang bigla nung makita kami." Sagot ni Jan na ngayon ai nakaupo na sa kalsada.
Baliw talaga yun si Madz kahit kelan!
"Oh nasan na siya?"
"Nakita ko siyang sumakay sa kotse ng isang lalaki." Malungkot na sagot ni Ace at naglakad na papasok ng gate.
Kotse? Lalaki?? Sino yun? Hindi naman basta basta sumasama kung kani kanino yun eh. Ano ba?! Nasan na ba kasi siya ! Baka naman nakidnap na yun ! Ano ba tong naiisip ko.! Tatawagan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?
Novela JuvenilOh well first time to write a story like this. Pero matagal ko ng gustong gawin toh. Ang kwento na toh ay babae sa babae. Pag ibig ng isang babae sa kapareho niyang kasarian.Kaya kung makitid mga utak nyo at hindi niyo pa tanggap ang ganto sa societ...